Natuwa si Maine sa mga nakita niya nang pumunta sila ni Yaya sa niyugan. Nagandahan siya pati sa sapa na nadaanan nila kaya nang sumunod na araway bumalik siya doon para maligo.
Para siyang lalong inakit na maglunoy nang isawsaw niya ang kanyang isang paa at madama kung gaano kalamig ang tubig. Wala nang pagdadalawang isip, hinubad niya ang sleeveless na polong suot, kasunod ang shorts. Sinadya niya talagang mag suot ng two piece swimsuit dahil sa planong maligo roon. Walang pangingiming lumusong siya sa sapa at parang batang nagtampisaw.Ang malakas na paggalaw ng tubig sa sapa kasabay ng malamyos na boses ng babaeng kumakanta kanta ang tumawag ng pansin ni Alden. Hindi niya ugaling magpunta sa sapang iyon lalo na sa bahaging paliguan dahil may masakit na alaalang nabubuhay sa kanyang isip kapag nagagawi siya roon. Pero sa ngayon ay may kung anong humihila sa kanya para gumawi roon.
Si Maine! Sigaw niya sa isip nang makita ang babaeng nakasilong sa bumabagsak na tubig mula sa pagitan ng dalawang hindi kataasan bato. Nakapikit ito at tila sarap na sarap sa tubig.
Nang napansin niya kung ano lang ang tumatabing sa katawan ng dalaga ay nakaramdam siya ng inis. Walang ingat na babae! Sabi niya sa isip
Handa na siyang sigawan ito pero bigla siyang natigilan. Hindi si Maine ang unang babaeng naligo roon nang ganoon ang suot. Ang unang gumawa nun ay si Johanna. At hindi lang minsan, lagi iyong ginagawa ng yumaong kasintahan kapag nagbabakasyon sila s hacienda.
Napakagandang pagmasdan ni Johanna noon kapag ganoong sumisilong ito sa maliit na falls na iyon. Tulad din ni Maine ngayon. Hindi naman magkamukha ang dalawa. Ni walang pagkakahawig pero naipaalala ni Maine sa kanya ang dating girlfriend. Kaakit akit din ito tulad ni Johanna. At ang dalawang babae ay parehong malakas ang loob, maprinsipyo at mapagmahal sa katotohanan at hustisya.
Bakit ba naparito pa ang babaeng ito? Ipinapaalala lang niya sa akin ang.... Napakagat labi siya. Ang pagsesentimyento ng kalooban ay napalitan ng inis. Hindi na niya pinigil ang sarili sa pagbulyaw. "Sa akala mo ba tama ang ginagawa mong iyan?"
Gulat na napadilat ang dalaga. "A- anong ginagawa mo rito?"
"Ako ang dapat na magtanong sa iyo ng ganyan. Ano yang ginagawa mo?" Ani Alden
"Naliligo, ano pa? Hindi mo ba nakikita?" Sagot ng dalaga
"Bakit wala bang tubig sa bahay?" Galit pa din na sagot ni Alden
"Sa gusto kong dito maligo. Masama ba yun?" Ani Maine
"Masama lalo na kung ganyan ang ayos," ani Alden na ang tinutukoy ay ang suot ni Maine
Medyo na conscious si Maine. "Anung masama sa ayos ko? Naliligo ako kaya natural lang na nakaganito ako."
"Paano kung may ibang mapadaan dito? Hindi mo ba naisip na na karamihan sa trabahador sa hacienda ay mga lalaki?" Mahabang sagot ni Alden
"Medyo malayo layo naman itong nilusungan ko sa daan, ah. Nagtataka nga ako kung bakit ka nandito eh, tsaka ano kung madaanan ako rito ng mga trabahador? So far, wala pa akong nakikitang bastos sa kanila." Ani Maine
"Talagang walang bastos sa mga tauhan dito dahil disiplinado sila. Pero hindi pa rin magandang makita ka nila sa ganyang ayos mo kaya umahon ka na." Saad ng lalaki
Aba! At sino siya sa akala niya para manduhan ako? Sabi ni Maine sa isip niya. Pero ang totoo, ayaw niyang umahon dahil mas malalantad ang kanyang katawan sa paningin ni Alden
"Ano pang hinihintay mo? Umahon ka na jan!" Sigaw ni Alden
"Ayoko!" Pagmamatigas ni Maine "Nag eenjoy ang tao eh." Dugtong niya pa
Ang tigas din ng ulo ng babaeng ito! Inis sa sabi niya sa isip "Bahala ka kung ayaw mo. Sino bang mauubusan ng dugo riyan? Kapag kinapitan ka ng limatik wag kang hihingi ng saklolo sa akin." Pananakot ng binata
"Limatik? Sink naman ang maniniwalang may linta rito eh, ang linaw linaw ng tubig no!" Pangangatwiran naman ng dalaga
"Huwag kang magtiwala sa linaw ng tubig na iyan, talagang may limatik riyan. At kakaibang mga limatik." Dagdag pa niya
" Paanong kakaiba?" Tanong ni Maine
"Mas mabangis sila, mas uhaw sa dugo dahil wala silang makuhang ibang pagkain diyan. At ngayon lang ulit may lumusong na tao riyan kaya siguradong sasamantalahin nila." Dagdag pananakot ni Alden
Hindi na maitago ni Maine ang takot na nararamdaman. Tumalikod at lihim na napangiti si Alden nang makita iyon, lalo na nang maramdaman niyang nagmamadali na siyang umahon mula sa sapa.
Hindi nito napansin na ang bating kinatatapakan niya ay naroon din ang mga damit niya. Nagmamadaling tinungo ng dalaga ang mga iyon pero sa pagtapak niya sa bato ay bigla itong gumiwang.
Parehong nawalan ng panimbang, magkasunod silang nahulog sa tubig. Una ang lalaki, pagkatapos ay siy na padapang bumagsak sa dibdib ng binata. Hindi sila lubusang lumubog sa tubig dahil mababaw lang ang kanilang kinabagsakan. Pebbles and sands ang nasa ilalim ng tubig kaya hindi sila nasaktan.
Sa sobrang takot, hindi kaagad nakaalis si Maine sa pagkakadagan kay Alden. Nang mahulog kasi siya ay mariin siyang napapikit. At ngayong nagmulat Siya ng mga mata ay saka lang siya naging aware sa posisyon nila. Saka lang din niya naramdaman na nakalapat sa beywang niya ang isang kamay ng lalaki habang ang isa naman ay nakasapo sa kanyang likod.
Parang tumigil sa pag ikot ng kanyang mundo. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya s mukha ng binata kaya kitang kita niya ang lahat ng features niyon lalo na ang mga labi niya na parang humahatak sa kanyang labi nag aanyaya sa isang matamis na halik.
Bakit ko ba Naiisip ang mga ito? Bakit ko gugustuhing halikan ang supladong ito? Paninita niya sa sarili.
Nakita nito ang pagkunot ng noo nito at iyon ang nagbalik sa katinuannitong muntik nang dalhin ang kakaibang emosyon sa kung saan. Ito naman ang nagkunot noo. "Tumayo ka nga riyan! Huwag mo kong daganan, ang bigat bigat mo!" Pagalit na sabi nito
Padabog na tumayo at lumayo ang dalaga.
"Pambihira ka. Bakit mo ako binasa? Alam mo namang galing ako sa trabaho. Paano kung mapasma ako?" Ani Alden
"Sinadya ko ba? Malay ko bang mabuway pala yung bato na yon," ismid ng dalaga.
"Nangatwiran ka pa." Akmang aahon na ito. Ganoon din ang ginawa niya. "Natural. Wala naman akong kasalanan, eh."
"At sinong may kasalanan, ako nanaman?" Aniya
Aayunan sana niya pero may naramdaman siyang kung anung nakakapit sa kanyang hita. Ganun nalang ang takot niya ng makita kung anu ito. "A-Alden," takot na takot na tawag niya sa lalaki. "Alden wait please..." Pagmamakaawa niya dito
"Ano nanaman?" Yamot na sabi nito.
Mariing nakapikit at nakakagat labi na itinuro niya ang limatik na nakakapit sa kanyang hita.
Napapalatak ito. "Sinasabi ko na nga ba!" Galit na sabi nito
"Alisin mo, please! Alisin mo!" Pagsusumamo ng dalaga
Dali dali nga itong yumukod at sinapo ang kanyang hita. Hindi nalingid dito ang kakinisang nadama kaya masyado itong naging maingay sa pag aalis ng limatik. Bunga niyon ay tumagal tuloy sila sa ganoong posisyon.
Hiyanh hiya si Maine. Nakayukod sa hita niya ang mukha ni Alden. Konting kilos lang ng mga mata nito ay alam na niya kung anong bahagi ng kanyang katawan ang mapupuntirya ng paningin nito. Pero wala siyang magawa dahil hindi niya kaya na mag isang alisin ang limatik. Takot siya doon.
Kung ano ano na din ang pumasok sa isipan ni Alden kaya binilisan na nito ang pag alis sa limatik. Inilagay nito iyon sa ibabaw ng isang bato at inipit ng isa pa hanggang sa mamatay. Pagkatapos ay muli siya nitonh tiningnan. Hindi nito napigil ang sarili na hagurin siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakita nito ang pamumula niya at lalo siyang gumanda sa paningin nito.
Pero hinigpitan nito ang pisi at kontrol sa sarili.
"Magbihis ka na, pagkatapos ay umuwi sa bahay" ani Alden
Walang kibong tumalima siya. Isinuot niya ang kanyang polo habang ang lalaki naman ang naghuhubad ng damit nito. Pati sinturon nito ay nakita niyang sinisimulan nitong luwagan.
"A- anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong niya.
"Huwag kang mag alala, wala akong gagawin anuman sayo," anito kahit sa sulok ng isip ay patuloy ang paglalaro ng mga bagay na hindi niya dapat maisip. "Basa na rin lang ako kaya maliligo na ako nang tuluyan."
"Pero may limatik diyan." Ani Maine
"Kaya kong sarili ko. Umuwi ka na, iwan mo na Ko." Taboy ng binata sa kanya.
Kumilos siya para lumayo na. Pero ewan kung bakit naisipan niyang lumingon kung kailan pa nasa aktong hinuhubad ng lalaki ang pantalon nito. Napalunok siya nang ang katawan naman nito ang mahantad sa kanyang paningin. Nanayo ang kanyang balahibo kaya halos magkandarapa siya sa pagmamadaling makalayo lang kaagad sa lugar na iyon.
Lumusong sa sapa si Alden at inilublob ang sarili sa tubig. Talagang kailangang kailangan niya ang lamig ng tubig para maalis ang init na lumulukob sa buo niyang katawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/145460457-288-k926275.jpg)
BINABASA MO ANG
Set Me Free
FanfictionAlam ni Alden na nagiging unreasonable na siya sa madalas na pag susungit kay Maine, pero ito lang ang paraan para mailayo niya ang sarili rito. Eyewitness si Maine sa isang murder at itinatago sa kanilang hacienda ng kaibigan niyang NBI agent. ayaw...