Chapter 11

1K 81 17
                                    

"Pagkatapos ng masusing pag aaral at base sa mga ebidensiyang iniharap, ikaw, Congressman Trivino ay napatunayan  na nagkasala ng walang pagdududa at hinahatulan ng hukumang ito ng KAMATAYAN..."
Pagkatapos ng matagal tagal ding pakikipaglaban sa korte ay nagbunga rin ng maganda ang pagod ng lahat. Para ipagdiwang ang tagumpay ang isang victory party ang isinagawa sa opisina nila Alden. Kabilang sa mga nagsidalo si Paolo at iba pang taga NBI, ang iba pang witnesses, ang pamilya ng mga biktima, ilang miyembro ng media at siempre si Maine.
  Inakbayan ni Paolo si Alden " alam mo bro, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang narito na ka ulit at kasama namin. Sana tuloy tuloy na to."
  "Huwag kang mag alala, Paolo. Sinisiguro ko sa iyong hindi na mauulit ang mga panahin ng pagtatago ko at pagkondena sa sarili." Ani Alden
  "Very good. Anyway hindi ko matatapos ang party na ito. Kabwanan kasi ni Dianne ngayon at ang gusto ay lagi akong nasa tabi niya." Tukoy nito sa asawa. " Kaya kailangan kong umuwi ng maaga." Ani Paolo
  "Wait a minute. Ayaw kong umuwi ka ng hindi naririnig ang gusto kong I announce," pigil nito.
  "Ikaw and best friend ko kaya gusto kong isa ka sa unang makakaalam ng mga balak ko." Ani Alden
  "Anong balak?" Tanong ni Paolo
Kinuha ni Alden ang atensyon ng iba pang nasa silid. "Narito tayong lahat para i celebrate ang ating tagumpay. Pero para sa kaalaman ng lahat mayroon pa akong ibang gustong i celebrate." Mahabang pasakalye ni Alden
  "Really? Ano yun, Alden?" Tanong ni Atty. Manalo.
" My coming wedding. Gusto kong ipaalam sa inyo na..." Inakbayan nito si Maine, " magpapakasal na kami ng pinakamagandang star witness na nakita kong naupo da witness stand ng kahig na anong korte sa pilipinas." Ani Alden
  Lahat ng naroon ay nagulat sa announcement na iyon. Pero higit ang naging pagkabigla ni Maine.
  "A-- Alden... Hindi mo yan sinabi sa akin ah!" Ani Maine
  "Dahil may problema tayo noon. Pero tapos na iyon ngayon kaya wala ng dahilan para hindi pa tayo magpakasal. Nabigla ka ba?" Tanong ni Alden
  Pinangiliran ng luha si Maine "Oo. Sobra" aniya
  "Pero hindi mo tatanggihan ang proposal ko?" Tanong ni Alden
  "At bakit ko naman gagawin yun? Kahit anong oras at kahit saan pakakasal ako sayo." Ani Maine
  Nang halikan siya nito sa labi, nalimutan na niya ang ibang tao na nasa paligid nila. Naglambitin siya sa leeg ng minamahal saka tinugon ang halik nito. Tila nagising lang silang pareho ng magsigawan at magpalakpakan ang mga tao. Isa isang lumapit ang mga ito sa kanila para sila batiin.
  Maya maya ay binigyan ni Paolo ng kopitang may alak ang lahat pagkatapos ay nagyayang mag toast. "Para kina Alden at Maine" anito habang nakataas ang hawak na wineglass.
  "Para sayo," masuyong bulong ni Alden kay Maine
  "Para sa atung dalawa," tugon naman ni Maine sabay nilang tinungga ang laman ng kopita bago muling naglapat ang mga labi para pagsaluhan ang isa pang matamis at mainit na halik.
   Maya maya pa ay walang paalam na umalis sa kasiyahang iyon sina Alden at Maine. ....

_________________________________________


Hello po sa inyong lahat, pasenciya na natagalan ang update ko sobrang kinain ako ng trabaho ko at d ako makapagisip ng maayos na update, maiksi lang po ito at baka ito na din ang ending. Baka matagalan na naman ako makapagupdate pasenciya na po. Thank you po sa lahat ng nagbabasa at napapadaan dito. Pasensiya na din sa mga comments na dko nasasagot.
MARAMING MARAMING SALAMAT PO  SA INYONG LAHAT

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Set Me FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon