Nanatili ng apat na araw si Maine sa safehouse na pinagdalhan sa kanya ni Paolo sa Maynila. Nang sumunod pang araw ay sinundo siya nito.
"Akala ko ba, yung abogadong kaibigan mo ang pupunta sa safehouse para kausapin ako?" Aniya habang pasakay sila sa elevator paakyat sa opisina ng law firm na may hawak sa kaso.
"Ewan ko nga ba. Tinawagan niya ako at sinabing tayo na raw ang pumunta sa kanya. Kampante kasi iyong palabasin ka dahil niyang may mag eescort naman sayo dito.
Paglabas nila sa elevator ay natigilan si Maine sa nabasang pangalan ng opisina: RICHARDS AND ASSOCIATES LAW OFFICE.
Napansin ni Paolo ang naging reaction niya. "Senior partner si Alden sa law firm na ito bago siya nagdecide na talikuran ang kanyang profession. Kaibigan din namin ang mga kasama niya rito. Kahit wala na si Alden. Hindi nila pinalitan ang pangalan ng firm dahil siya pa din ang may pinakamalaking contribution dito at umaasa pa din sila na magbabalik itong muli." Ani Paolo
"Sino ang abogadong kamausapin natin?" Tanong ni Maine
"Si Atty. Manalo. Magaling din siyang abogado at mabait. Siya ang kakausap sa iyo para sa direct examination kapag nasa korte ka na." Binalingan nito ang secretary na nasa labas ng office. " Nasa loob na ba si Atty. Manalo, Valeen?" Tanong nito
"Yes, sir. May bisita siya pero pwede kaying pumasok tutal kilala nyo rin naman kung sino yun." Sagot ng secretary.
Pero hindi pa nabubuksan ni Paolo ang pinti ng office ay kusa na iyong bumukas at sumungaw ang abogado. "Paolo! Nandito ka na pala. Siya ba si Maine?" Tanong nito
"Oo. Maine, siya si Atty. Manalo" nagkamay ang dalawa.
"Pumasok na kayo. Nariyan na ang abogadong kakausap sa star witness natin." Anang Atty.
Napakunot noo ang NBI agent "Di ba ikaw ang mag rerepresent sa kanya sa korte? Iyon ang usapan natin." Ani Paolo
"Oo nga... Pero marami kasi akong ivang kasong hinahawakan ngayin. Het nga at may hearing pa ako. I'm in a hurry kaya siya na ang bahala sa inyo." Sagot ng Atty. Pagkasabi niyon ay lumayo na ito matapos kunin sa secretary ang isang clutch bag.
"Sanadali, Jose," habol ni Paolo. "Si Walter James ba ang tinutukoy mo?" Tanong nito
Lumingon ito "No. He's in there, Poalo. Pasok ka lang at makikita mo siya." Sagot nito
Kapwa nakakunot ang noo na nagkatinginan sina Paolo at Maine. Pareho nilang naiisip na mukhang baguhang abogado ang aatasan ng law firm na humawak sa kaso. Nanlumo ang dalaga samantalang nabugnot naman ang binata. Napakahalaga ng kasong iyon kaya hindi ito papayag na isang walang karanasang manananggol ang sasabak doon.
Gayunpaman ay binuksan nito ang pinto at inaya siyang pumasok. Isang matangkad na lalaki ang nakita nila sa loob, nakatayong nakatalikid sa kanila nakaharap sa shelves ng mga libro habang nagbubuklat buklat ng isa.
"Excuse me. Ikaw ba ang abogadong sinabi ni Jose na papalit sa kanya sa paghawak ng kaso namin?" Diretsong tanong ni Paolo.
"Yes." Isinara nito ang hawak na libro at humarap sa kanila. "Ako nga."
"Alden?"
Pati si Maine ay hindi makapaniwala. Halos hindi niya nakilala si Alden. Ibang iba ang hitsura nito ngayon. Pormal na pormal ito at napakakisig sa suot na coat and tie.
"Bakit gulat na gulat na Paolo? Abogado ako, hindi ba?" Inilapag ni Alden ang hawak na libro sa ibabaw ng lamesa. "Ini request ko kay Jose na ako na ang hahawak sa kasong ito. Pero nasa inyo pa rin ang huling desisyon. Kung hindi nyo ako mapagkakatiwalaan dito, wala akong magagawa." Ani Alden
"Alam mo namang malaki ang paghanga ko at pagtitiwala sa iyo pagdating sa ganitong bagay. Pero..."
"May ibang oras para tayo mag usap, bro. Sa ngayon gusto ko muna sanang makausap ang star witness," putol nito kay Paolo at tumungin kay Maine.
Napatungo si Maine. Hindi jiya alam kung ano ang nagtulak s binata para bumalik sa propesyong iniwan nito ng ilang taon, pero masakit sa kanya na isang simpleng witness lang ang tingin nito sa kanya ngayon. Pinangarap at inasam niya na sana ay sundan siya nito sa Maynila para suportahan at protektahan dahil sa mas malalim na dahilan, tulad halimbawa ng damdamin nito sa kanya, kung mayroon man.
"Gagawin ko ang lahat para maipanalo ang kasong ito," saad ng binata. "That's one thing I can assure you. Now, iwan mo na kami para maidiscuss ko kay Maine ang mga paraan para maipakulong natin ng tuluyan si Congressman Trivino." Anang binata
"Okay. Naniniwala naman ako na hindi mo na siya itatakas kaya iiwan ko siya sa iyo." Kumilos si Paolo para lumabas na. Pero nang nasa pinto na ay lumingon ito, pinuntirya ng tingin ang kaibigan. "Bago ako tuluyang lumabas, gusto ko munang sabihin sa iyo na... Welcome back, Compañero." Ani Paolo
Tumango si Alden. "Thank you, Compañero." Sagot niya
Halos limang minuto nang nakakalabas si Paolo, pero wala pa ring salitang namamagitan kina Alden at Maine. Bumalik ang una sa pagbuklat buklat ng libro samantalang nanatili namang nakatayo ang huli.
"Please sit down Maine." Maya maya ay sabi ng binata
Sumunod naman siya, walang imik na naupo sa isa sa dalawang upuan na nada harapan ng desk. Inaasahan niyang mauupo rin ito sa swivel cahir na nasa kabilang panig ng lamesa perosa kanya ito lumapit at naupo sa silyang kaharap niya.
"Kumusta ka na?" Taning nito sa dalaga.
"H - heto, hindi parin mapakali. Di matahimik, laging nag aalala at kinakabahan," mahabang sagot nito.
"Sikapin mong ipanatag ang sarili mo. Marami rami na din akong napag aralan sa kasong naisampa kay congressman Trivino at naniniwala akong sa huli ay guilty ang magiging hatol sa kanya ng korte. Di ba iyon ang gusto mong mangyari?" Ani Alden
Tumango siya pero humugot ng malalim nabuntong hininga. Kung alam lang nito na anuman ang maging hatolng korte sa kaso ay hindi na babalik sa dati ang buhay niya. Kung sana ay hindi kita nakilala, sa loob loobniya pagkatapos na saglit na sulyapan ito.
Ang paghihinagpisna iyon ng kanyang kalooban ay nabakas ng binata sa kanyang mga mata. Inabot nito ang kanyang kamay pero mabilis niya iyong binawi.
"Galit ka pa ba sa ginawa kong pagsisinungaling at pagtatago sa iyo sa samal?" Tanong nito. "Hanggang ngaykn ba ay hindi mo pa rin naiintindihan kung bakit ko iyon ginawa?" Dagdag pa ng binata
Inilayo niya ang tingin dito. "Bakit ka ba lumuwas dito? Bakit gusto mong pakialaman itong kasong kinasasangkutan ko?" Anang dalaga
"Minsan sinabi ko sa iyong di kita pababayaan, di ba? Ito ang gusto kong gawin simula nang umalis ka sa Samal at sumama kay Paolo. Inaamin kong sadya kong pinigilan ang sarili ko na gawin ito. Pilit kong inisip na hindi kita talagang mahal at makakalimutan din kita. Pero ako lang ang nahirapan. Nagsawa ako sa katitikis sa sarili ko. Doon ko natiyak kung gaano ka kahalaga sa akin. At kung gaano kita kamahal." Ani Alden
"A-- Alden..."
"Sumunod ako rito para suportahan ka at protektahan." Muli nitong inabot ang kanyang kamay. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya iyon binawi. "Handa akong mamatay na kasama mo dahil habang na rin akong mawawalan ng silbi kapag may nangyaring masama sa iyo na wala akong ginagawa." Anang binata.
Napaluha siya sa labis na kaligayahan. "T--totoo ba yan? Ang akala ko si Johanna pa rin ang mahal mo hanggang ngayon." Ani Maine
Tumayo ito at hinila rin siya patayo. "Hindi ko makakalimutan si Johanna kahig kailan. Pero bahagi na lang siya ng nakaraan. Kailangan kong magpatuloy sa buhay at ikaw ang gusto kong makasama, ngayon at bukas." Hinalikan nito ang likod ng kamay niya. "Mapapatawad mo na ba ako sa ginawa ko?" Tanong ng binata.
"Paanong hindi, mahal na mahal kita," anang dalaga at muling napaluha.
Hudyat ang pag aming iyon ni Maine para yakapin siya nito ng mahigpit at siilin ng halik sa labi. Ngayon mas malaya na ang damdamin niya nang tugunin iyon.
"Alam mo bang naghihinayang ako?" Anito nang maghiwalay ang mga labi nila
"Saan?"
"Dahil sa ngayon, hindi ko pa pwedeng sabihin sa lahat na mahal kita. Baka makaapekto iyon sa kaso." Aniya
"Hindi na importante yon. Ang mahalaga alam kong mahal mo ako. Mas nararamdama. Kong ligtas ako ngayon at ang lahat ng panganib ay maliligtasan ko rin dahil narito ka na." Ani Maine at muling naglapat ang mga labi nila ta muling pinagsaluhan ang tamis ng kanilang pagmamahalan.

BINABASA MO ANG
Set Me Free
FanfictionAlam ni Alden na nagiging unreasonable na siya sa madalas na pag susungit kay Maine, pero ito lang ang paraan para mailayo niya ang sarili rito. Eyewitness si Maine sa isang murder at itinatago sa kanilang hacienda ng kaibigan niyang NBI agent. ayaw...