Chapter Eight

793 71 5
                                    

May usapan sina Maine at Alden na Lalabas ng araw na yun. Pumunta siya sa kwarto ni Alden ( oo, magkahiwalay pa din sila ng kwarto, wag kayong ano 😂✌) para itanong kung saan sila pupunta para alam niyang ibagay kung anung isusuot niya. Kumatok siya sa pinto ng binata.
  Wala yata siya, sabi niya sa isip nang makailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas. Wala sa loob na hinawakan niya ang doorknob at naitulak ang pinto pabukas. Naipasya niyang pumasok na para siguraduhin kung naroon nga o wala si Alden.
  Saglit lang niyang iginala ang paningin sa kabuuan ng silid. Pinakiramdaman niya kung may tao sa banyo at nang walany naulinigang kahit ano ay saka siya lubos na naniwalang wala nga roon ang lalaki. Nagkibit balikat na tinungo na lamang niya ang pinto para lumabas na. Pero natigilan siya nang may marinig na isang uri ng tunog na pamilyar sa kanya.
   Cellpy ko iyon, ah, aniya sa isip. Hindi niy itinuloy ang paglabas. Sa halip tinunton niya ang pinanggagalingan ng ring. Natagpuan niya ang phone sa bahagyang nakaawang na drawer ng bedside table. Napakunot noo siya nang masilip iyon. Nasiguro niyang iyon nga ang kanyang cellphone.
  Bakit na kay Alden ito? Aniya sa isip
  Nawalan siya ng pagkakataong pag isipan paang sagot sa tanong niya nang makita sa cellphone kung sino ang tumatawag sa kanya. Si Paolo! Mabilis niya iyong sinagot.
  "Hello" ani Maine
    "Maine!" Pabulalas na sabi ng kabipang linya. "Thank God, sumagot ka rin, at last! Ilang araw na akong tumatawag sayo. Minsan hindi ako makakonek. Minsan naman ring lang nang ring. Ano bang nangyari? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Ani Paolo
  "Eh, kasi nawala ko ang cellphone ko. Ngayon ko lang ito ulit nahanap," katwiran ni Maine " kumusta na? Ano nang nangyari?" Anito
  "Ako ang dapat na magtanong sa iyo niyan. Nasaan ka na? Bakit ka sumama kay Alden?" Ani Paolo
  Napakunit noo siya. "Anong ibig mong sabihin? Di ba nag usap kayo at ikaw ang may sabi sa kanya na ialis ako sa kanila?" Ani Maine
  "Maine, hindi totoo yan. Alam mo ba kung nasaan ako ngayon? Sa hacienda. I came here the other day para sunduin k dahil malapit ka nang maisalang sa witness stand at kailangang maihanda ka na ng abogado." Ani Paolo
  "I- ibig mong sabihin nagsinungaling sa akin si Alden?" Ani Maine
  "Ganoon na nga yon dahil wala akong sinasabi sa kanyang ialis ka sa hacienda." Ani Paolo
  "Pero.... Bakit niya ginawa yon?" Tanong ni Maine
  "Wala akong ibang maisip na dahilan kundi ang katotohanan na ayaw niya sa ginagawa natin. Katulad ng sinabi ko sa iyo noon, may roonsiyang masamang experience." Ani Paolo
  "Pero bakit pati tayo'y idadamay niya? Hindi tama itong ginawa niya." May galit sa boses ni Maine
   "Maine, are you still willing to testify against Congressman Trivino?" Tanong ni Paolo
  "Of course! Paolo, ayaw kong uabang buhay akong nagtatago at natatakot na anumang oras ay pwedeng may pumatay sa akin." Ani Maine
  "Kung ganoon susunduin kita. Sabihin mo sa akin kung nasaan ka." Ani Paolo

   Nang mga sandaling iyon ay pabalik na si Alden sa kwarto niya sa hotel. Galing ito sa pangongontrata sa bangka na gagamitin nila ni Maine. Gusto niyang ipasyal ang dalaga sa dagat.
  Natanaw nito si Maine na naglalakad nang nakataas ang balikat at nakakunot ang noo palapit dito. Napangiti pa ito sa pag aakalang nainis soya sa pag alis nito nang d nagsasabi.
"Hi, Maine." Aniya
"May kailangan kang ipaliwanag sa akin, Alden." Seryosong sabi ni Maine
  "Oo, alam ko galing ako sa-------"
"Wala akong pakialam kung saan ka galing!" Sigaw niya. "Bakit ka nagsinungaling? Bakiy sinabi mong kailangan kong umalis sa hacienda nyo para sa kaligtasan ko?" Galit na sabi ni Maine
  Sinundot ng pagkabahala ang dibdib ng binata. "Ano bang sinasabi mo? Totoong-----"
  "Huwag mo nang bilugin ang ulo ko, pwede ba?" Inilabas ang cellphone mula sa bulsa. Hindi nalingid sa pansinniyang nagulat si Alden nang makita iyo. "Sinadya mo itong itago sa akin diba?" Galit na tanong ni Maine
  "Maine, let me explain----"
  "Itinago mo ito sa akin dahil ayaw mong makausap ko si Paolo. Pero nakita ko ito nang hindi sinasadya sa kwarti mo at nakausap ko si Paolo. Kaya buko na kita." Galit na galit pa ding sabi ng dalaga.
  Napabunting hininga ito. "Okay, inaamin ko, nagsinungaling ako. Sinadya kong ilayo ka sa hacienda para hindi ka makabalik ng Maynila." Ani alden
  "Bakit mo ginawa yon Alden? I trusted you." Ani Maine
  "Sa oras na maupo ka sa witness stand ay manganganib na ang buhay mo. Intindihin mo, Maine. Gusto kitang iligtas sa tiyak na kapahamakan." Ani Alden
  "Gusto mo akong iligtas o ayaw mo lang na ilabas ko ang katotohanan?" Umiling iling siya. "Isa ka pa naman abogado. You are supposed tobe the defender of the truths. You are supposed to be---" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil napahikbi na siya.
  "Unawain ko ako. Ayaw kong mapahamak ka. Dahil mahal kita" ani Alden
  Mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Kung sa ibang pagkakataon niya narinig ang mga salitang iyon mula kay Alden ay baka naglulundag siya sa tuwa. Pero hindi malinaw sa kanya ang motibo ng pagsisinungaling nito.
  "Kung totoo yan, dapat ay naiintindihan mo ako. At imbis na ginawa mo ito, sana sinuportahan mo ako." Ano Maine
  "Ayaw ko lang na maulit sa iyo ang nangyari kay Johanna." Ani Alden
   Tumango tango siya. Sa narinig ay hindi na niya napigilan ang tuluyang mapaluha. "Hindi ka pa nakakalaya sa nakaraan. Sinasabi mo lang na napamahal na ako sayo pero ang totoo, si Johanna pa rin ang mahal mo. Iniisip mo pa ring kasalanan mo ang nangyari sa kanya at ngayong nakilala mo ako, isang babaeng nasa sitwasyon ng dati mong nobya, ang tingin mo sa akin ay isang paraan para makabawi sa iniisip mong pagkukulany mo noon. Iyon ang dahilan kaya mo ako pinipigilan na gawin ang nararapat. Sarili mo lang ang iniisip mo." Umiiyak na sabi ni Maine
  Bumagsak ang balikat ni Alden sa narinig na akusasyon ni Maine. "Hindi totoo yan Maine." Aniya at tinangka niyang lapitan at hawakan si Maine pero umiwas ito.
   "Hindi ko apam kung maniniwala pa ako sayo pagkatapos ng pag sisinungaling mo sa akin." Aniya at mabilis nang bumalik sa hotel.
  Naiwan ang napapailing na lalaki. Akala ko maiintindihan niya ang ginawa ko. Para sa kabutihan niya iyon, sa loob loob ny binata. Pero hindi siya nawalan ng pag asa. Alam nitong nagulat lang ang dalaga sa natuklasan kaya uminit ang ulo niya. Kapag lumipas iyon ay saka lamang ito magpapaliwanag.

  Kinabukasan ay maagang kumatok si Alden sa pinto ng kwarto ni Maine. Hanada na siyang magpaliwanag at sisimulan kaagad sana niya iyon nang bumukas ang pinto. Natigilan siya nang hindi ang babae ang bumungad sa kanya kundi isa sa mga housekeeping staff ng hotel.
  "Yes sir?" Tanong nito
  "Ah, yung babaeng occupant ng room, nanjan ba?" Tanong nito
  "Wala na sir, kaya nga ho nandito ako kasi inaayos ko ito para maihanda sa susunod na occupant." Anang staff
  Napakunot noo siya. What are you talking about? Hindi siya aalis ng hindi ko alam" ani Alden
  "Pero umalisna nga ho sir, yun hong sumundo sa kanyang lalaki ang nagbayad ng bill niya." Anang babae
  Si Paolo! Kaagad niyang naisip. "Kanina pa ba nakaalis?" Tanong niya
  "Kakaalispang ho. Baka nga nasa ibaba pa----"
Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng staff.
Dali dali siyang tumakbo papunta sa elevator pero nang makitang malayo layo  pa iyon sa palapag niya niya, tinakbo Ang kinaroroonan ng hagdan.
  Sa labas ng hotel ay hindi siya nahirapang makita ang hinahanap. Nasa aktong pinapasakay ni Paolo sa likuran ng taxi si Maine. Pagkataposay ito naman ang sumakay sa kabilang pinto.
  Gusto niyang pigilang ang pag alis ng dalawa pero para siyang napagkit sa kinatatayuan niya. Hindi tinanggap ni Maine ang kanyang paliwanag. Sa halip ay kay Paolo siya sumama ngayon. Patunay lang na mas may tiwala siya sa kaibigan niya kesa sa kanya.
  Bagsak ang balikat na tumalikod siya at bumalik sa hotel.
 



To be continued......

Hello everyone!
   Kumusta na kayong lahat? Pasenciya na po dko nasasagot ang mga comments nyo at sobrang bagal ng update nitonb story natin. 😊 Thank you for waiting, sorry for the grammar and typo errors, salamat sa inyong lahat.
 

Set Me FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon