Chapter Nine

785 75 15
                                    

"Para saan ang luhang yan Maine?" Tanong ni Paolo habang sakay sila ng eroplano pabalik ng Maynila.
  Pinunasan niya ang sulok ng kanyanb mga mata sa hawak na panyo. "Wala ito" aniya
  "Umiiyak ka ba dahil iniwan natin si Alden nang walang paalam?" Tanong ni Paolo
  "Hindi. Hindi naman ako umiiyak eh. Isa pa, hindi natin kailangang magpaapam pa sa kanya. Nakita niya nang umalis tayo." Mahabang sagot ni Maine.
   Bago kasi umandar ang taxi na sinakyan nila ay nakita nila si Alden na lumabas ng hotel. Sinabihan nga ni Paolo ang driver na huwag munang paandarin ang taxi sa pag aakalang lalapitan sila ng lalaki. Pero hindi iyon nangyari.
  "At iyon ang ikinalulungkot mo, hindi ba?" Ani Paolo
Hindi na niya napigilan ang mapahikbi. "Masama ang huli naming pag uusap kahapon. Gusto ko sanang mag apologize sa mga nasabi ko at tuloy ay magpasalamat sa lahat ng naitutulong niya sa akin pero...."
   Bumuntong hininga ito. "Sa isang banda, mabuti na rin yon. Gusto ko siyang makausap pero ayaw ko rin. Baka magkasumbatan lang kami at kung saan mauwi ang pag uusap namin."
  Pinahid niyang muli ang luha. "Siguro mga tama ka. Kahit ano pa yata ang mangyari, hindi na matutuwid ang bumaluktot na paniniwala ng kaibigan mo."
Umiling iling ito. "Hindi ako nawawalan ng pag asa. Babalik din siya sa dati. Ang kailangan lany ni Alden ay makalimot sa naging pagkamatay ni Johanna. At mapapadapi iyon kapag nakakita na siya ulit ng babaeng totoong mamahalin niya." Ani Paolo
  Pagkarinig niyon ay napatungo siya. Ang sinabi ni Paolo ay para na ring patunay na hindi siya totoong minahal ni Alden dahil hindi niya naituwid ang baluktot nitong paniniwala. Nakakulong pa rin ito sa nakaraan. Si Johanna pa din ang mahal nito.

  Nagpalipas pa ng isang araw at isang gabi sa Samal si Alden bago umuwi ng hacienda. Inaasahan niyang kagagalitan siya ng kanyang Lolo Fausto kapag nagkausap sila, pero hindi iyon nangyari.
  Sinubukan niyang ibuhos ang pansin sa mabibigat na gawain gaya ng ginawa niya noong bago pa lang namamatay si Johanna. Pero hindi rin siya  nakapag concentrate. Palaging may pangamba sa isip kung ano na ang maaring nangyayari kay Maine sa Maynila. Alam niyang hindi naman pababayaan ni Paolo ang dalaga pero para sa kanya mas ligtas ito kapag malapit sa kanya.
  "May gusto ka nanamang kalimutan ano Alden?" Ani Don Fausto habang mabagal na naglalakad, gamit ang tungkod, palapit sa apo na nagpapalipas ng oras sa pag inom ng alak sa pahingahan sa likod bahay.
  "Lolo, bakit kayi naglakad? Baka mapagod kayo. Mayroon naman kayong wheelchair--"
  "Ma malakas na ako ngayon kesa dati. Iiwan ko na ang wheelchair dahil nagmumukha lang akong inutil sa kakaupo roon." Naupo ito paharap sa kanya. Nakapagitan sa kanila ang hilog na mesang kinapapatungan ng bote ng alak. "Naglalasing ka yata, naninigarilyo ka pa. Masama sa kalusugan yan, ah." Anang Don
  "Konti lang naman, lolo." Sagot ng binata
  "Sinabi mo na rin yan sa akin noong bago pa lang namamatay si Johanna. Sabi mo gusto mo lang makalimot. Ngayon may gusto ka nanamang makalimutan, tama ba ako?" Anang Don
  Bumuntong hininga ang isinagot ng binata.
  "Alam mo noon ay naiintindihan kita," patuloy ni Don Fausto. "Namatay si Johanna at sinisisi mo ang sarili mo dahil sabi mo naging pabaya ka. Pero ngayon, hindi ko yata magagawang unawain ka. Buhay si Maine, hindi mo siya kailangang kalimutan."
  Ngayon naman ay blangkong tingin ang ibinigay niya sa abuelo.
  "Hindi mo maikakaila sa akin na si Maine ang dahilan minamahal mo na siya. Maliwanag na iyon ang dahilan kaya mo siya tinangkang itago." Sabi ng Don
  "Salamat at naniniwala kayong may maganda akong dahilan sa ginawa ko. Hindi ko na itatanggi sa inyo ang totoo. Mahal ko nga siya at gusto ko siyang protektahan. Pero hindi niya iyon pinahalagahan." Ani Alden
  "Dahil mali ang paraan ng pagpoprotekta mo sa kanya. At alam mo iyon." Anang abuelo
  "Useless nang pag usapan kung tama or mali ang ginawa ko. Hindi naman iyon naging importante sa kanya. Mas gusto niyang ilagay sa kamay ni Paolo ang buhay niya kaysa sa ipaubaya iyon sa akin." Ani Alden
  "Sa tono ng pananalita mo, parang may paninibugho ka para sa kaibigan mo."  Ani Don Fausto
  Ibinaling ni Alden angbtingin sa ibang panig.
  "Wala akong karapatang makaramdam ng ganyan." Aniya
  "At wala kang batayan. Alam mo bang ikakasal na si Paolo sa susunod na bwan? Kilala mo raw ang babae, anak ng director nila sa NBI. Kaya kung iniisip mong may interes ang kaibigan mo kay Maine, nagkakamali ka." Mahabang kwento ng Don
  Hinithit niya ang sigarilyong nakaipit sa mga daliri. Kaunti lang ang iniluwag ng paghinga niya sa nalaman. Wala rin namang halaga iyon, aniya sa sarili, dahil magkalayo na kami ni Maine.
  "Madalas kong Sabihin sayo noon na wala kang kasalanan sa nangyari kay Johanna." Itinukod ng matanda ang tungkod at saka tumayo. "Pero ngayon, kung mababalitaan natin bukas o makalawa na napatay si Maine, hindi na kita kokontahin kung sisihin mo ang sarili mo. Alam mong nasa peligro ang buhay ng babaeng mahal mo pero wala kang ginawa. May ginawa ka nga pero hindi naman tama." Pagkasabi nyon ay lumakad na ito palayo.
  Napasabunot sa buhok si Alden kasabay ng pagdutdut ngbhawak niyang sigarilyo sa ashtray. Nang makitang padaan sa tapat niya si Cerilo na papunta sa kwadra ay tinawag niya ito.
  "Ano po yun sir?" Tanong ng lalaki.
  "Tawagin mo si Ka Pidiong at ang iba pang tauhan sa hacienda. Kailangang makausap ko kayong lahat. Marami akong ipagbibilin sa inyo."
  "Aalis ho ba kayo sir?" Tanong nito
  "Oo. At sa pagkakataong ito mas matatagalan bago ako makabalik." Aniya.





To be continued..............


  Hello everyone, alam ko po matagal ang update nito. Pero salamat pa din po sa mga nagbabasa at matiyagang naghihintay. Nalalapit na po ang ating pagtatapos dahil nahihiya na ako sa inyong palaging matagal na naghihintay ng update, maraming salamat po ulit sa pagtyaga at paghihintay,  God bless us all 😊

Set Me FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon