Chapter Six

871 80 9
                                    

   Para wala nang gulo, sinikap na lang ni Maine na iwasang gawin ang alam niyang ikakainis ni Alden. Ang totoo, nitong huli ay ayaw na rin niyang palagi silang nagtatalo.
  "Hija, nabasa mo na ba itong newspaper?" Tanong ni Don Fausto nang lapitan nito ang dalaga na nagdidilig ng mga halaman sa pahingahan nito sa likod bahay.
  Lumingon siya. "Hindi pa po." Sagot ni Maine
  "May nakasulat dito na tiyak kong ikatutuwa mo." Ani Don Fausto.
  "Ano ho?"  Muling tanong ni Maine
"May isang taga Customs na nag expose tungkol sa malawakang smuggling activities. Marami siyang idinawit na pangalan. Isa roon ang pangalan ng kalaban nyong Congressman." Anang matanda.
  Palapit na sana si Alden para kamustahin ang abuelo pero napahinto ito nang marinig ang sinabi ng matanda.
  "Talaga ho?" Nagulat na sagot ng dalaga
  "Oo. Halika, basahin mo itong front page." Mabilis niyang kinuha ang diyaryo kay Don Fausto habang ang binata naman ay ipagpapatuloy ang paglapit sa kanila.
  "Kumusta, lolo?" Bati ni Alden
  "Mabuti, hijo." Sagot ng matanda
  "Ang gamot nyo nainom nyo na ba? Tanong ng binata
"Oo" sagot ng Don
"Mabuti naman kung ganoon." Dumako ang tingin ni Alden kay Maine na patuloy na nagbabasa ng newspaper.
"Naiipit na pala ito ng taga bureau of customs na ito at nakakatanggap na ng death threats kaya lantaran nang nagsasalita sa media," maya maya ay sabi niya.
"Hah! Isa na namang gustong magpakamatay," sabat ng binata.
  Sulyap lang ang ibinigay niya rito at saka itinuloy ang pagbabasa. "Matalino rin ang taong ito. Media ang una niyang nilapitan. Ngayon may Protection na siya from the press, bukod pa sa protection na ibibigay ng government." Saglit niyang ibinaba ang newspaper. "Kung naging malakas lang ang loob ko, baka ganito rin ang ginawa ko noon. Pero natalo ako ng takot at pag aalalang hindi sapat ang salita ko para maakusahn ang isang tulad ni Congressman Trivino."
  "Kung ganyan din ang ginawa mo noon, siguradong patay ka na ngayon,"  muling sabad ni Alden. "Sa akala mo ba ay may magagawa ang media kapag ginusto ng mga taong dinawit niya na patayin siya.?"  Anang binata
   "May halaga pa ba yon kung patay na siya? Kapag ba naparusahan ang mga may kagagawan, mabubuhay ba siya ulit?" Sarkastikong saad nito.
"Hindi nga, pero at least..." Sagot ni Maine
  "Nai serve ang justice? Lumitaw ang katotohanan?" Putol nito. "Anong halaga niyon kung hindi naman na maibabalik ng buhay ang mga namatay na.?" Ani Alden
  "Siya, siya. Tama na yang pagtatalo nyo." Awat ng Don. "Ano kaya ang plano ni Paolo tungkol sa pangyayaring iyan."
  "Tiyak na pakikialaman rin niya iyan. Isa rin ang taong iyon na gusto na ring magpakamatay," paasik na sabi ng binata.
  "Opportunity na ito para madala sa korte si Congressman Trivino. Hindi iyon pagpapakamatay kundi pagmamalasakit sa mga biktima at mabibiktima pa," kontra ng dalaga. "Siguro ilang araw na lang at kukunin na ako ni Paolo." Baling niya sa matandang lalaki.
  "Palagay mo?" Anito
  "Kapag sinampahan na ng kaso si Congressman, tiyak na sisikapin ni Paolo na maisama sa complaint ang murder. At kakailanganin niya ako para mapatunayan iyon." Aniya
"Kahit sa ibang illegal activities ni Trivino ay may alam ka, di ba? Talagang kailangan ka para ma convict ang taong iyon."
  "Tama ho kayo." Hinawakan niya ang isang kamay ng matanda. "Lolo Fausto, hindi pa man ako aalis ay gusto ko nang magpasalamat sa mga kabutihan nyo sa akin. Hinding hindi ko ho kayo makakalimutan." Ani Maine
  "Ikaw na ang may sabing hindi ka pa naman aalis bakit parang nagpapaalam ka na?" Anang Don
  "Alam ko ho kasing sa mga susunod na araw ay darating si Paolo para sunduin ako." Ani Maine
  Tumingin ang dalaga kay Alden para subukang dito naman magpasalamat, pero hindi pa siya nakakapagsalita ay pumihit na ito patalikod pagkatapos siyang saglit na tignan. Sa kabila ng pagpapalitan nila ng di magandang salita, kakatwang hindi inis o galit ang nakita niya sa mga mata nito bago ito tumalikod. Ang naroon ay tila isang di maipaliwanag na emosyon.

  Hindi pa man nakikipag communicate si Paolo kanya ay nakakaramdam na ng kung anu ano si Maine. Naghalo halo sa isip niya kung ano ang mangyayari sa oras na maupo siya sa witness stand. May mga tanong din siya kung magagawa kaya nilang maipakulong si congressman Trivino at kung gaano kalaki ang maitutulong ng kanyang testimonya.
  Sumunod na dumako ang isip niya kay Alden. Kahit palagi silang nagtatalo, may mga pagkakataong napapabilis nito ang tibok ng kanyang puso at tila napahinto ang pag ikot ng mundo niya, lalo na kapag nagkakalapit sila.
   Inaamin niyang kay Alden lamang siya nakaramdam ng ganoon. Nagkaroon din naman siya ng karelasyon, dalawang lalaki sa magkaibang panahon, bago pa siya nakapagtrabaho kay Congressman Trivino pero hindi tumatagal ang mga iyon.
   Posible kayang may gusto ako sa lalaking iyon? Naitanong niya sa sarili. Pero kaagad din niya iyong kinontra. Hindi siya pwedeng magkagusto at hindi siya dapat na magkagusto kay Alden. Hindi lang dahil sa magkaiba nilang paniniwala kundi dahil hindi naman magtatagal ang kanilang pagsasama.
   Dahil sa pag iisip lalo siyang hindi makatulog. Aburidong bumangon siya para kumuha ng tubig na inumin. Nang mapadaan sa tapat ng bintana ng kanyang silid, naagaw ang pansin niya ng liwanag mula sa labas. Mula iyon sa siga pero nang dumungaw siya ay wala siyang nakitang tao.

Set Me FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon