Nari's POV
"Anong nangyari?" tanong agad ni Jeno dahil kakapasok niya lang sa pintuan.
Natutulog pa rin si Jaemin hanggang ngayon at halata sa mukha niya na pagod na pagod siya. Wala naman siyang ibang ginagawa kundi magpahinga lang pero kita talaga na pagod siya. Stress na stress na si Jaemin sa buhay niya.
"Pumunta ako dito kanina para i-check siya. Hindi kasi siya online ng ilang araw na, tapos hindi siya kumakain. Hindi niya rin iniinom mga gamot niya." mahabang explanation ko naman kay Jeno.
"He's frustrated nitong mga nakaraan. Mukhang gusto na talaga niyang makabalik sa dream." Jeno.
"Nagpakita ka na sa kaniya kanina. Ibig sabihin ba non magpapakilala ka na sa kaniya?" tanong ni Jeno.
"Sinabi ko pangalan ko sa kaniya kanina. I admitted that I was the sasaeng na gumugulo sa kaniya."
Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot akong malaman niya ang totoo pero gusto ko rin malaman niyang nandito ako para sa kaniya. Ayoko nang makita niya ako biglang isang sasaeng na umaaligid sa kaniya.
"Ano ba talagang plano mo? Pano pag nagtanong siya mamaya?" Jeno asked.
"Hindi ko alam. Bahala na. Kung tatanungin ka niya kung sino ako sabihin mo hindi mo kilala. Sabihin mo hindi mo ako naabutan." pabulong kong sabi sa kaniya.
"Eh bakit b-"
I cut him off.
"Basta ako na bahala dun. Alagaan mo siya. Message me kapag nagising na siya. Got to go."
***
Jeno's POV
Ibang klase talaga si Nari. Kung titignan mo sa pang-labas na katangian niya, hindi mo iisipin na mapagmahal siyang tao, na mabait siya. Mukha siyang papatay ng tao sa totoo lang. Sobrang sungit pa. Mukhang di nag-aaral pero matalino talaga siya.
Siya yung kinakatakutan ng lahat. Hindi mo gugustuhing makaaway. Hindi mo aakalaing isang Na Jaemin lang pala ang magpapataob sa kaniya. Kaya ko siya na-
"Buti naman gising ka na Jaemin. Kumusta pakiramdam mo?" nagising na kasi siya.
"Anong nangyari?" tanong naman niya.
"You attempted suicide Jaemin. Ano bang naiisip mo? Okay ka lang ba? Nandito lang naman ako kapag kailangan mo ng kausap." sunod sunod kong tanong sa kaniya.
"I'm sorry bro. Sino yung babaeng nandito kanina? Yung pumigil sakin." Jaemin asked.
"Meron ba? Wala akong nakitang babae dito." patay malisya naman ako.
"Baka yung sasaeng mo yun?"
"Baka siya nga. Thank you.." pabulong pero narinig ko pa rin ang huling sinabi niya.
"Salamat, Nari.."
BINABASA MO ANG
fake sasaeng ›› jaemin
Short Story❝uy jaemin ang galing mo talaga sa mv ng we young!❞ ➵ Na Jaemin ➵ neo series #2 ➵ epistolary x narration start: 17.11.28 completed: 18.05.16