37

2K 81 27
                                    

Nari's POV

"Okay class dismissed." buti naman at tapos na magturo tong panot na teacher namin. Inom na inom na ako ng milktea sa tapat ng school namin.

"Ikaw si Nari diba?" luh bat ako kinakausap netong sungki na 'to?

"Oo, ano naman sayo?" oras na para mag-sungit 'di naman kami close neto.

Pagtingin ko sa likod niya may limang lalaki pang kakapasok lang sa pinto. Wala ng ibang estudyante bukod saming pito. Nandito rin si Jeno. Anong trip nitong mga to?

"Sungit." rinig kong bulong ni boy sungki.

"Tumabi nga kayo sa dadaanan ko." nakaharang kasi sila sa pintuan.

"Hindi ka lalabas sa room na to hanggat hindi ka nakikipag-usap ng maayos." kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito ni Haechan.

"Wala akong balak makipag-usap ng maayos kaya tumabi kayo." napansin kong nandito pala buong dream maliban kay Jaemin.

Hindi naman talaga ako fan ng grupo nila eh. Nung nagustuhan ko si Jaemin noon malay ko bang parte pala siya ng grupong 'to. Pero okay lang naman. Hindi lang talaga kami close nitong mga 'to.

"Mga hyungs, kausapin niyo kasi ng maayos si noona. Hindi pa naman niya tayo kilala eh. Noona, ako po si Jisung." ito ata yung pinaka bata sa kanila eh.

"Tinanong ko ba kung ano pangalan mo?" sabay irap sa kaniya.

'Wag niyo akong inaasar gusto ko na talagang uminom ng milktea. Ano ba kasi talagang pakay nitong mga 'to sa akin.

"Ikaw yung fake sasaeng ni Jaemin hyung diba?" tanong nung... Chenle ata?

"Oo, ano naman sayo?" daming tanong eh.

"I'll get straight to the point. Layuan mo na si Jaemin. Nahihirapan lang siya sayo." sabi ni Mark.

"Eh pano kung ayoko? Well, ayoko naman talaga kaya tumabi ka diyan."

Maglalakad na sana ako palabas ng pinto pero biglang hinawakan ni Jeno yung braso ko.

"Bitaw." ano bang ginagawa neto ni Jeno? mapapalayo lang ako lalo kay Jaemin sa ginagawa niya eh.

"Bitaw sabi." tinaliman ko ang tingin sa kaniya pero hindi pa rin siya bumibitaw.

"Oras na para malaman nila kung sino ka Nari." bulong niya sakin.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon para sakin Jeno." hinatak ko na ang braso ko sakaniya.

Lumabas na ako ng pinto pero may biglang humatak sa kamay ko. Ano ba meron!? Bat ba ang hilig nilang mang hatak? Sino ba 'tong poncio pilato na to? Nilingon ko naman at..

"Jaemin." anong ginagawa nitondito?

Hinila niya ako kung saan pero hindi siya nagsasalita. Nakita kong nandito pala kami sa likod ng school.

"Kim Nari? Ikaw yung sasaeng ko na chat nang chat sakin diba?" sabay bitaw niya sa i.d kong tinignan niya.

"Bakit mo ba ako hinahabol? Tigilan mo na ako please. Tiyaka mukhang hindi ka naman talaga fan kaya iba na lang pag tripan mo." Hindi mo pa maiintindihan jaemin.

"Hindi naman talaga ako fan kasi ikaw ang hinahabol ko. Bat kita hinahabol? Kasi gusto ko at gusto kita noon pa, bago pa maging kayo ni Skye." Hindi ata tama na pinasok at binanggit ko ang pangalan ni Skye sa usapan namin.

"'Wag mong pinapasok si Skye sa usapan. Wala siyang kinalaman dito." Malamig na sabi ni Jaemin. Napayuko na lang ako dahil hindi ko talaga alam kung bat ko siya pinasok sa usapan. Pero at least alam niyang noon pa siya na ang gusto ko.

"Hindi naman masama ang intensyon ko sayo. Gusto lang talaga kitang alagaan kasi mula nung nangyari yung kay Skye... Hindi ka na ngumingiti.. Hindi na ikaw yung dating Jaemin. Gusto ko lang namang maging masaya ka ulit kasi mahal kita." Matigas akong tao pero pag dating kay Jaemin lumalambot talaga ako.

"Salamat pero hindi ko maibabalik sayo yang pagmamahal mo para sakin." Umalis na si Jaemin.

Sino ba kasing nagsabi na mapapalitan ko si Skye sa puso niya? Hahahahaha. Hindi pa rin ako susuko Na Jaemin. Wala na akong pake kung kilala na nila kung sino ako. Basta ang importante bumalik si Jaemin sa dating Jaemin na masiyahin at laging nakangiti. Napabuntong hininga na lang ako at naibulong sa hangin ang mga salitang

"Ang hirap mo naman palitan Skye.."

fake sasaeng ›› jaemin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon