54

1.9K 80 17
                                    

Nari's POV

Ano kayang pag-uusapan namin ni Jaemin? Sana hindi na siya galit sakin. Nung una hindi ko naman talaga ginustong mapalapit ako sa kaniya ng ganito. Pero nung naging malungkot siya ayaw ko na siyang mawala sa paningin ko.

Sa ngayon ay lunch time pa lang at may dalawang subject pa na natitira. Minsan masaya rin talagang mag-isa, o baka nasanay na lang talaga ako.

"Nakakainis talaga si mama ayaw akong bilhan ng bagong damit. Tapos gulay pa yung ulam kagabi." Narinig ko lang sa kabilang table.

"Kaka-pabili mo pa lang nung isang araw ah?" Sabi naman nung kaibigan niya. Kilala ko tong mga to eh, ito yung classmate kong feeling mayaman kahit hindi naman talaga. Ang arte pa.

Ang sarap sapakin nung mga ganong klaseng anak eh. Pasalamat nga siya may nanay siyang bumibili ng mga bagong damit niya. Hindi marunong makuntento sa kung anong meron sila.

Hindi ba nila alam na yung buhay nila na yun maraming naiinggit. Parang ako, kailanman hindi ko naranasan magkaron ng pamilya. Magkaron ng nanay na hindi naman ako tinuring na anak, oo naranasan ko na. Magkaron ng tatay? Kailanman hindi ako nagkaroon non. Mapapa-iling ka na lang talaga eh.

Kung tatanungin niyo ako kung pano ako nakakapag-aral, meron akong scholarship. Buti na lang may utak ako.

Tinignan ko ang orasan at time na pala. Mabilis na lang lilipas ang oras at mag-uuwian na rin.

***

"Class dismissed." Tinapos naman agad ng teacher namin ang klase niya at hindi na nag-overtime pa.

Inayos ko na agad ang mga gamit ko at lalabas na sana pero tinawag ako ni boy sungki.

"Nari.. totoo bang na sayo ang puso ni Skye?" Pano niya nalaman? Sabagay, magkaka-grupo nga pala sila.

"Oo. Ano naman sayo?" Ano naman kasi talaga sa kaniya diba? Akala ko aalis na siya pero huminto siya sa gilid ko at bumulong.

"Wala naman.. sana hindi ka makita ni Jaemin bilang si Skye. Magka-hawig pa naman kayo." At tuluyan na siyang umalis.

Ano yun? Binabantaan niya ba ako o ano? Lagi ngang sinasabi ni Jeno na may hawig ako kay Skye pero parang hindi naman.

Pumunta na ako sa music room para makipag-usap kay Jaemin. Habang papalapit ako nang papalapit kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

Nandito na ako sa tapat ng music room at sana pag lumabas ako dito okay na ang lahat. Pagkapasok ko ay nakita ko namang naka-upo si Jaemin sa isa sa mga armchair.

"I'm sorry." Tumayo siya at lumapit sakin. Wait, bakit siya nagso-sorry?

"Wala kang dapat ipag-sorry Jaemin."

"Hindi. May kasalanan din ako. Hindi ko inintindi ang mga sinabi niyo kahapon at naging makasarili ako. I'm sorry Nari." Niyakap ko siya para malaman niyang okay lang ang lahat. Nagulat siya pero niyakap niya rin naman ako pabalik.

"Ingatan mo ang puso ni Skye.."

"Syempre naman, pangalawang buhay ko na ata to." Totoo naman dahil kung wala si Skye, aba matagal na akong wala dito sa mundong ito.

"Thank you, dahil hindi ka napapagod na intindihin ako." Bakit naman ako mapapagod?

"Hindi ka mapapagod basta mahal mo ang isang tao Jaemin."

Hindi nga ba?

fake sasaeng ›› jaemin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon