70

1.6K 74 24
                                    

Jaemin's POV

Ang aga-aga pa pero pinapunta ko si Nari dito sa bahay. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pero gusto ko siya kasama. Ang saya kasi ng may pinagtitripan. Halos ilang linggo na rin kaming mag-kasama dalawa.

Wala naman talaga akong balak gawin ngayon kung hindi tumambay. Gusto ko lang mag-chill ng may kasama. Hindi rin naman gala si Nari kaya okay lang din sa kaniya na nasa bahay lang lagi.

"Hoy Jaemin." Narinig ko naman na pumasok na si Nari.

Okay lang din naman sakin na may susi siya ng bahay dahil may tiwala naman na ako sa kaniya. Tiyaka kung may plano siyang nakawan ako edi sana noon pa ginawa na niya.

Totoo kaya yung sinabi nung babae kagabi? Kilala niya kaya si Raven?

"Nari may kilala ka ba-" Wag na lang. Baka mamaya pinagtitripan lang naman ako nung babaeng yun.

"Kilalang ano?"

"Ah wala wala... may gusto ka bang gawin?" Baka kasi meron siyang gustong gawin since wala namang pasok.

"Wala naman. Start na pala ng foundation week this monday no?" Oo nga pala next week na yun.

"Oo, bakit?" Ang gusto ko lang naman sa foundation week dahil walang klase eh.

"Naalala ko lang ibig sabihin wala tayong gagawin. Free time."

"Hoy nasan na yung necklace na binigay ko sayo?" Mahirap na baka mamaya nawala na pala.

"Suot ko. Wag ka mag-alala iingatan ko to no." Good dog.

*ring* *ring* *ring*

May tumutunog na phone at malamang hindi saakin yun dahil naka mute ang phone ko.

"Babae may tumatawag sayo!" Sigaw ko sa kaniya dahil nasa cr siya.

"Paki-sagot baka si Jeno yan!" Tinignan ko ang caller's id at hindi naman si Jeno. Unknown number lang.

"Hello?"

"Hello Nari? Kinuha mo na ba ang perang pinadala ko ngayon? Kamusta si Jaemin?"

Teka parang kilala ko ang boses na to..

"Eomma?"

"Jaemin! Bakit na sayo ang phone ni Nari!?"

Bakit parang gulat na gulat siya?

"Anong pera sinasabi mo eomma?"

"Yung.. yung para sa gamot mo.."

"Eh bakit sa kaniya mo pinapadala? Diba saakin mo binibigay?"

Totoo ba yung sinabi ni Raven? Na pineperahan lang ako ni Nari?

"Eh kasi.."

"Eh kasi ano!? Tiyaka bakit kilala mo siya!?"

"Kasi diba siya ang nag-aalaga sayo?"

*end call*

"Jaemin sino daw?" Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon pero hindi ko gusto to.

"Bakit magkakilala kayo ng nanay ko?" Halata naman sa mukha niya na nagulat siya.

"Kasi.."

"Kasi ano!?" Hindi ko na mapigilan na masigawan siya dahil sa mga oras na to eh naniniwala na ako na totoo nga ang mga sinabi ni Raven.

"Kasi binabayaran ka niya!? Kasi ginagamit mo lang ako para sa pera!?" Akala ko pa man din totoo lahat ng mga ginagawa at sinasabi niya, isang malaking kasinungalingan lang pala ang lahat.

"Hindi! Hindi ganon." Eh ano?

"Eh ano pang ipapalusot mo ha!? Puro kasinungalingan na lang ba ha!?" Ano nanaman ba tong mga nalalaman ko?

"Jaemin hindi kasi ganon.. ano.. kasi.."

"Oh ano? Wala ka ng masagot? Wala ka ng maisip na rason? Ano pa mga tinatago mo ha? Bakit mo ba ginugulo buhay ko?" Ano bang meron sa babaeng to bakit puro sakit sa ulo na lang.

"Jaemin.. sorry. P-pakinggan mo a-ako." Siya pa talaga ang may ganang umiyak ngayon ah.

"Magkano ba lahat ng nagastos mo saakin? Nakakahiya naman baka nabawasan pa sweldo mo mula sa nanay ko. Babayaran ko na lang mukha kang pera." Sobrang bilis ng mga pangyayari at naramdaman ko na lang ang palad niya sa mukha ko. Sinampal niya ako.

"Wala kang alam Jaemin! Bago mo ako sabihan ng mukhang pera alamin mo muna ang buong kwento!" Hindi pwedeng ako mag mukhang masama dito. Siya ang nauna. Siya ang rason ng lahat kung bakit nangyayari to ngayon.

"Hindi na ako maniniwala kahit kailan sayo puro ka kasinungalingan! Baka naman pati yung puso ni Skye na nasayo eh hindi totoo. Alam mo? Umalis ka na. Dahil isa ka lang malaking panggulo sa buhay ko. Mali ang pagkakakilala ko sayo."

Umalis na lang siya bigla habang umiiyak at wala ng sinabi pa. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay ko. Puro kasinungalingan na lang.

Akala ko pa naman totoo lahat ng nararamdaman niya para sakin. Pero mukhang totoong wala talaga siyang puso at ginawa niya lang lahat para sa pera.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari lahat ng ito sakin. Akala ko si Nari na ang magiging rason para bumalik na ako sa dating ako. Unti-unti na akong bumabalik eh. Pero parang mas binigyan niya ako ng rason para mas lalong hindi na ako bumalik sa dati.

Mas binigyan niya ako ng rason para hindi na magtiwala pa kahit kanino, kahit kailan.

fake sasaeng ›› jaemin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon