last.

2.2K 100 115
                                    

Nari's POV

Three o'clock na pero pinag-iisipan ko pa rin kung makikipag-usap ba ako kay Jaemin. Alam niyo yung pakiramdam na gusto ko pero parang wag na lang dahil natatakot akong harapin ulit ang mga nararamdaman ko para sa kaniya.

Masyado ng masakit. Nakakapagod.

Nandito na ako sa point na parang ayoko na. Nasa point ako na tinatanong ko na ang sarili ko kung tama pa bang ipilit ang gusto ko, na kung tama pa ba ang nararamdaman ko.

Isang oras. May isang oras pa para gumawa ng desisyon kung pupunta ba ako o hindi. Isa pa sa dahilan kung bakit sa tingin ko ay kailangan kong pumunta ay dahil hindi aalis si Jaemin dun.

Kahit naman gulong-gulo na ako nag-aalala pa rin ako kay Jaemin. May pake pa rin ako sa kaniya.

Ngayon lang ako naliwanagan sa lahat ng mga ginawa ko. Nakakatawa na lang dahil hindi ko inakalang gagawin ko lahat ng yon para sa pagmamahal. Para kay Jaemin.

Iba pala talaga kapag mahal mo ang isang tao. Lahat gagawin mo sumaya lang siya. Maraming babaeng naghahangad kay Jaemin, akalain ko bang isa ako sa mga maswerteng magugustuhan niya.

Tinignan ko ang orasan at thirty minutes na pala ang nakalipas. Pupunta na ako para matapos na ang lahat. Sana lang ay matapos to ng maayos at hindi namin masasaktan ang isa't isa.

***

Ten minutes bago mag four o'clock. Naglalakad na ako papunta sa park. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Ilang linggo rin kaming hindi nagkita ni Jaemin dahil iniiwasan ko siya.

Habang palapit ako nang palapit lumalakas ang kabog ng dibdib ko. At habang palapit ako nang palapit, natatanaw ko na si Jaemin na nakaupo sa swing.

Hindi ata napansin ni Jaemin na nandito na ako sa harap niya kaya umupo ako sa katabing swing.

"Pumunta ka." Akala ko hindi niya ako napansin.

"Anong pag-uusapan natin Jaemin?" Tumingin siya sakin ng diretso.

"I'm sorry. Sorry sa lahat ng ginawa at nasabi ko sayo Nari. Mali ako." Hindi naman ako masamang tao para hindi magpatawad.

"Wala na yun Jaemin. Apology accepted." Natahimik namaman kami kaya ako na ang nagsalita.

"Congrats nga pala nakabalik ka na sa dream. Masaya ako para sayo. Masaya rin ako na okay ka na kahit papaano." Mukhang wala naman siyang balak magsalita kaya sasabihin ko na lahat ng gusto kong sabihin.

"Sorry kung naging makulit ako noon ah. Mukha tuloy akong sasaeng kahit hindi niyo naman talaga ako fan. Yun kasi ang nakita kong paraan para mapansin mo ako noon." Kung tatanungin niyo kung pinagsisihan ko ang mga nangyari, hindi naman.

"Di ka fan. Citizen lang?" Ay aba.

"Hoy ang kapal mo! Malay ko ba sa fandom name niyo no. Basta hanggang ngayon citizen pa rin ako." Natawa na lang kaming dalawa dahil sa kalokohan namin.

Naalala ko nga yun, sabi ko citizen ako. Malay ko bang nctzen pala yun. Narinig ko lang naman dun sa mga fangirls nila na nag-uusap na nctzen daw sila. Rinig ko talaga dun citizen eh.

fake sasaeng ›› jaemin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon