76

1.6K 79 17
                                    

Jeno's POV

Monday ngayon at hindi pa rin sumasagot si Nari sa mga message ko. Sana hindi niya pinapabayaan ang sarili niya. Hindi ko pa nakikita si Jaemin pero kakausapin ko talaga siya pag nakita ko siya.

Hindi ko napuntahan agad si Nari dahil buong weekend practice lang namin at hindi kami pinayagang umalis. Hindi pa naman kami magka-klase ni Nari hindi ko tuloy makikita agad kung pumasok ba siya o hindi.

Alam ko na. Si Renjun.

Huang Renjun
active now

Jeno: renjun pumasok ba si nari?

Renjun: oo nandito siya sa room

Jeno: kamusta naman siya?

Renjun: usual self tahimik pero parang may iba ngayon

Renjun: teka bakit pala tinatanong mo? close kayo?

Jeno: ah hindi wala lang

Tinago ko na sa bulsa ko ang phone ko at mamaya ko na lang siya pupuntahan. Pumasok na ako sa room namin at nakita ko si Jaemin na nakaupo sa upuan niya. Mamaya ko na lang siya kakausapin.

Umupo na ako sa upuan ako. Magkalapit lang ang upuan namin pero hindi niya ako pinansin kahit tignan man lang. Siya pa galit ngayon?

***

Mabilis lang natapos ang morning class namin at lunch na ngayon. Naglalabasan na lahat ng mga kaklase namin pero ako hinihintay kong lumabas silang lahat at maiwan kami ni Jaemin dito.

"Jaemin!" Lalabas na sana siya pero tinawag ko agad siya. Tumigil siya pero hindi niya ako nilingon o sinagot man lang.

"Mag-usap tayo Jaemin. Wag mong sabihin na ikaw pa ang galit?" Lumingon naman siya.

"Bakit? May iba pa ba dapat na magalit dito? Sino? Ikaw? Si Nari?" Nginisian niya ako at lumapit sakin.

"Puro kayo kasinungalingan mag-sama kayong dalawa." Hindi ko inaasahan pero bigla niya akong tinulak. Anong problema nito?

"Ano bang problema mo ha?" Tinulak ko rin siya dahilan para mapa-atras siya.

"Ikaw? Anong problema mo Jeno? Alam mo kung may gusto ka kay Nari sayo na siya. Wala akong balak pumatol sa babaeng mukhang pera." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasapak ko na lang siya sa mukha niya.

"Bakit? Anong alam mo sa buong kwento ha!? Akala mo basta pera lang yun? Ginawa niya yun dahil mahal ka niya! Mama mo ang nag-pumilit na bayaran siya para tulungan siya!" Pero mukhang hindi talaga siya magpapatalo dahil sinuntok niya rin ako.

"Anong kasinungalingan nanaman ba yan ha Jeno!?" Ilang sapak ba ang kailangan niya para makinig naman siya?

"Lahat yun ginawa niya para sayo! Ginawa niya yun dahil sa pagmamahal niya! Napaka-swerte mo pero sinasayang mo! Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na maging ikaw gagawin ko Jaemin!" Sinabihan ko na siya. Mag-kaibigan kami pero pag si Nari na ang pinag-uusapan umayos siya.

fake sasaeng ›› jaemin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon