65

1.7K 74 15
                                    

Nari's POV

Papunta na kami ni Jaemin sa cafe para sa shift ko. Sa totoo lang, medyo naninibago pa ako na sa cafe na ako nagta-trabaho pero mas okay to kesa sa noon.

Masaya rin ako na nagiging mag-kasundo na kami ni Jaemin. Kung hanggang kaibigan lang talaga kami, okay lang din naman. Pero hindi magbabago ang pag-mamahal ko sa kaniya. Ayoko lang talaga ipilit ang sarili ko sa ibang tao. At gusto ko na dun siya sa babaeng masaya siya.

"Jaemin dito ka lang. 5 hours lang naman shift ko pero pag nainip ka na, uwi ka na." Pinaupo ko siya doon sa isang table.

Pumunta na ako sa lockers namin para makapag-palit.

"Nari ikaw ah.. may boyfriend ka pala. Di mo sinasabi saakin." Bulong saakin ni Ysabel, workmate ko na kasing-edad ko lang din.

"Alam mo gustuhin ko mang jowain yan, eh hindi ko boyfriend yan." Wag natin madaliin ang lahat malay mo kami pa rin talaga sa dulo diba.

"Ganon ba? Akin na lang." Ay nako, pag si Jaemin ang pinag-uusapan hindi pwede.

"Hindi pwede, naka-reserve sakin yan. Kaya kung ayaw mong gilatan kita ng leeg, lumabas na tayo." Reserved for Kim Nari na talaga yan.

"Eto naman pag-babantaan pa buhay ko, halika na nga." At sumunod na nga ako kay Ysabel sa labas.

***

Mabilis lang naman lumipas ang oras at tapos na rin ang shift ko. Si Jaemin kanina ayun pinanood lang ako buong shift ko.

Ngayon naman ay pauwi na kami ni Jaemin. Ang swerte ko naman ata lagi akong may kasabay pauwi. Nung nakaraan si Jeno, ngayon si Jaemin.

"Nana, di ka nainip kanina?" Tanong ko naman sa kaniya dahil hindi siya nagsasalita.

"Hindi naman. Mas okay nga yun kasi napapaligiran ako ng mga tao." Wow. Parang dati lang ayaw niya sa mga tao. Pero mabuti na rin na unti unti na siyang bumabalik sa dating Jaemin.

"Alam mo.. masaya akong naging close tayo." Actually feeling ko nga ang swerte swerte ko na eh. Dati kasi di ako makalapit sa kaniya.

"Masaya rin naman ako na naging kaibigan kita." Kinikilig ako.

"Kaibigan lang? Ayaw mo girlfriend? Charot!" Tumawa naman siya ng mahina. Shet ang gwapo naman netong nilalang na to. Pero grabe nagiging walang hiya na talaga ako.

Habang naglalakad kami pauwi may nakita kaming necklace shop. Wala naman akong balak bumili kaya dadaanan ko lang sana pero tumigil si Jaemin.

Tumingin-tingin ako ng mga necklace at in fairness ang gaganda nila. Bawat pendant may meaning.

Lumabas na si Jaemin kaya naman lumabas na rin ako. Tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Jaemin.. thank sa pag-hintay at pag-sama saakin sa work." Papasok na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Talikod." Bat niya ako pinapatalikod? Sumunod na lang ako.

Hinawi niya ang buhok ko at naramdaman kong may kinabit siya sa leeg ko. Necklace. Pero bakit?

"Ano to?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Tanga ka ba? Kwintas yan." Nasabihan pa ako ng tanga. Grabe talaga.

"Ang ibig kong sabihin para saan? Bakit mo ako binigyan ng necklace." Hindi siya nag-salita at inabot lang sakin ang isang maliit na papel kung san kasama sa box nung necklace.

" love and light
angels are messengers who love, protect, and comfort. wear your necklace as a reminder that you are loved, you will heal and you are never alone. "

Yun pala ang meaning nung pendant. Ano nga bang pendant nito? Hindi ko kasi tinignan. Tinignan ko at nakita kong isa itong dahon. Isang magandang leaf. Ang ganda ng necklace na to, maliit lang pendant at maganda ang meaning.

Pero bakit nga pala ito ang napili niya?

"Jaemin.. bakit ito yung napili mo? Tiyaka bat mo ako binigyan ng necklace?" Kailangan ng kasagutan para kiligin tayo ng sobra.

"Kasi ikaw yan. Ang corny man pero naging angel ka para saakin o sa ibang tao. Lagi kang nagbibigay ng pagmamahal. At ikaw, dahil sa dami ng problema mo, gusto kong malaman mo na may nagmamahal sayo•" Hindi ko alam kung anong dapat sabihin pero sobrang kong na appreciate yung necklace.

"Thank you Jaemin. Iingatan ko talaga tong necklace na to promise." Ngiting-ngiti naman na sabi ko sa kaniya.

"Sige na. Pumasok ka na sa loob." Nag eye smile naman siya kaya shet gusto ko ng maglupasay dito.

"Thank you talaga. Goodnight Nana."

fake sasaeng ›› jaemin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon