Nari's POV
Nakakaloka na lang talaga. Pano nakita nung panot na yun yung phone ko sa libro ko? Okay lang din naman ma-detention kasi si Jaemin naman kasama ko tapos makakapag-skip pa ako ng class nakakaantok kasi klase niya. Pero yung phone ko huhu.
Inabot ko naman ang detention slip dito sa nagbabantay dito at nagulat ako ng makita ko si Jeno na nakaupo sa loob.
"O anong ginagawa mo dito Jeno?" Nagtatakang tanong ko naman. Parang sa ilang beses ata akong na detention, ngayon ko lang siya nakita dito.
"Nahampas ko ng libro yung teacher namin kasi natutulog ako tas sumigaw sa tenga ko na may sunog ayun napalo ko." Natatawa pa niyang sabi. Loko-loko talaga to.
"Sira ka talaga Jeno, buti di ka sa guidance pinapunta hahahahahaha!" Hindi naman na siya sumagot pa sa sinabi ko.
Ilang minuto na rin ang lumipas at wala pa rin si Jaemin. Ano na nangyari dun?
"Nari..."
"Hmmm??"
"Alam na ba ni Jaemin?" Yun ba ang sasabihin niya? Tumingin muna ako sa paligid at wala namang ibang tao bukod sa nagbabantay na tulog.
Yumuko ako bago sumagot. "Hindi pa... hindi ko pa sinasabi."
"Tingin ko dapat mo na talagang sabihin sa kaniya Nari. Tumatagal na rin at mas mahihirapan kang sabihin sa kaniya ang tungkol dun." Bakit ba napakalaking bagay para sa kaniya yun?
"Bakit ba napaka big deal sayo nun Jeno?"
"Dahil kaibigan ko siya Nari. Mas mabuting alam niya ang bagay na yun." Tama nga naman siya pero kasi..
"So anong gusto mong mangyari Jeno? Sabihin ko sa kaniya na 'Uy Jaemin na saakin puso ng girlfriend mo.' Ganon ba Jeno?" Ang hirap kasing sabihin kay Jaemin baka mamaya kamuhian niya lang ako.
"Hindi ganon Nari.." Kalmado pa rin siya sa mga sinasabi niya.
"Eh ano!? Sabihin ko na binigay ni Skye ang buhay niya para sa katulad kong gusto nang mamatay noon? Ipaliwanag mo sakin Jeno!!!" Halos sumisigaw na ako dito. Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit ba gustong gusto niyang sabihin ko agad kay Jaemin.
"Anong sabi mo?"
Jaemin's POV
Papasok na sana ako ng detention room nang may marinig akong nag-uusap. Natagalan ako kanina dahil inutusan pa ako nung teacher namin.
Hindi ko naman talaga ugali ang makinig sa usapan ng ibang tao pero dahil narinig ko ang pangalan ko, hindi muna ako pumasok at nakinig. Sinilip ko kung sino ang nasa loob at nakita kong si Jeno at Nari ang nandoon.
Teka, magkaibigan ba sila?
"So anong gusto mong mangyari Jeno? Sabihin ko sa kaniya na 'Uy Jaemin na saakin puso ng girlfriend mo.' Ganon ba Jeno?" Boses ni Nari yun ah. Pero anong sabi niya? Puso ng girlfriend ko?
"Hindi ganon Nari.." Si Jeno naman ang nagsalita.
"Eh ano!? Sabihin ko na binigay ni Skye ang buhay niya para sa katulad kong gusto nang mamatay noon? Ipaliwanag mo sakin Jeno!!!" Nagsisigawan na sila sa loob pero nag-pintig ang tenga ko sa mga narinig ko.
BINABASA MO ANG
fake sasaeng ›› jaemin
Short Story❝uy jaemin ang galing mo talaga sa mv ng we young!❞ ➵ Na Jaemin ➵ neo series #2 ➵ epistolary x narration start: 17.11.28 completed: 18.05.16