Nari's POV
Hindi ko alam kung anong trip ni Jaemin at pinapapunta niya ako sa bahay nila. At dahil si Jaemin siya, edi syempre pupunta ako.
*ring* *ring* *ring*
Sasagutin ko muna to bago ako pumunta kay Jaemin. Unknown number? Sino kaya to?
"Hello?"
"Nari?"
"Tita kayo po pala."
"Napadala ko na ang pera for this month sa bank account mo. Kunin mo na lang."
"Thank you po. May gusto po sana akong sabihin."
"Ano yun iha?"
"Tita hindi niyo na po ako kailangang bayaran. Eto na po sana ang huling beses na magbabayad kayo saakin. Pang-bili na lang po ng gamot niya ang ipadala ninyo. Aalagaan ko pa rin naman po siya kahit walang bayad. Mahal ko po ang anak niyo."
"Ganon ba? Sige kung ayan ang gusto mo. Pero kapag kinailangan mo ng pera tawagan mo na lang ako. Gusto kita para sa anak ko. Maraming salamat at nandiyan ka."
"Walang anuman po basta para kay Jaemin."
"Malaki ang utang na loob ko sayo. Mag-iingat kayo diyan."
"Kayo din po. Bye po."
Binaba ko na ang tawag at pumunta na sa bahay nila Jaemin. Hindi naman malayo ang bahay nila dahil katapat lang ng bahay namin.
Binuksan ko ang pintuan nila at nakita ko naman na nasa sala si Jaemin.
"Jaemin." Tawag ko sa kaniya dahil hindi niya ata napansin na naka-pasok na ako sa loob ng bahay nila.
"Upo ka." Umupo naman ako. Nakakapagod kayang tumayo.
"Anong kailangan mo? Bat mo ako pinapunta dito?"
"Wala naman. Ang boring kasi kaya pinapunta kita para maging aso ko." Ano daw?
"Gago ka ba!?" Alam kong si Jaemin tong nasa harap ko pero sasapakin ko talaga to.
"Gwapo lang hindi gago." At talagang kumindat pa siya ha!?
"Lul mo." Feeling nanaman tong lokong to. Hinampas ko nga ng unan.
"Aray! Oh bakit hindi ba? Kaya nga patay na patay ka sakin eh."
"Ang kapal mo ha!" Gwapo siya naman talaga siya pero syempre pabebe muna ako.
"Ang totoo niyan.. gusto lang talaga kitang mas makilala pa." Ako? Kelan pa siya naging interesado sakin?
"Talaga ba?"
"Oo. Hindi pa naman kasi kita kilala masyado. Kwento ka naman." Wala naman sigurong masama kung mag-kekwento ako.
"May kapatid ka?" Tanong naman niya.
"Wala. Wala akong pamilya Jaemin."
"Wala? As in wala? Pano ka nabubuhay?" Good question.
"Nagta-trabaho ako. Tapos may scholarship ako sa school." Kahit ako hindi ko alam kung pano ko nagagawang mabuhay mag-isa. Pero eto nakaka-survive naman.
"Oo nga pala, matalino ka." Matalino dahil kailangan para mabuhay.
"Nasaan mga magulang mo?" Nasaan nga ba sila? Tanong ko rin sa sarili ko na hindi ko alam ang sagot.
"Hindi ko alam. Pinalayas ako ng mama ko noon eh. Masakit pero mabuti na rin yun kasi sinasaktan niya lang naman ako tiyaka hindi niya ako tanggap." Masakit pero kailangan tanggapin.
"Isa yun sa mga dahilan kung bakit gusto ko ng mamatay noon. Papasok ako ng school puro pasa at latay ako. Pag-uwi ko naman ganon ulit. Pero kahit ganon ang nanay ko, mahal ko pa rin siya." Dagdag ko pa. Naluluha ako pero pinipigilan ko agad.
"Pero kahit naging ganito ang buhay ko.. na-realize kong masayang mabuhay." Tinignan ko naman siya at nakatingin lang diya ng diretso sa harap.
"Eh nasan tatay mo?" Hot seat ako dito kay Jaemin ah.
"Wala rin. Kahit kailan hindi ko nakilala ang tatay ko. Hindi ko nga alam ang feeling ng may tatay eh. Ang swerte niyo ngang may mga tatay eh." Hindi ko alam kung bakit pero tumulo na lang ang mga luha ko.
Basta pamilya talaga ang pag-uusapan nalulungkot na lang ako bigla.
"Pano mo nakakaya lahat ng yun?"
"Sanayan na lang Jaemin. Kailangan kasi nating tanggapin kung anong nangyayari sa paligid natin." Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong niyakap ni Jaemin.
"Wag ka na mag-tanong kung bakit. Baka kasi kailangan mo eh." Si Jaemin ba talaga to?
"Jaemin.." Hindi ko na alam kung anong nangyayari at bigla ko na lang din siya niyakap. Humahagulgol na ako dito sa harap niya.
"Pag mag-kasama tayo lagi ka na lang umiiyak. Nakakaiyak ba kagwapuhan ko?" Hinampas ko siya. Lalo akong pinapaiyak neto eh.
"Sige ilabas mo lang. Nandito lang ako." Si Jaemin ba talaga nag-sabi nun? Lalo lang lumakas ang iyak ko. Isa lang ang alam ko ngayon, at yun ay mahal na mahal ko si Jaemin.
Tumigil naman na ako sa pag-iyak at sobrang gaan ng pakiramdam ko. Naging komportable ako sa yakap ni Jaemin kaya ramdam ko na safe ako at siya na lang ang taong nandiyan para saakin.
Jaemin's POV
Dati inis na inis ako kay Nari. Akala mo siya ang nagiging hadlang sa buhay ko. Na isa lang siyang panggulo. Akala ko nga noon napaka-lakas niyang babae. Pero hindi pala. Dahil sa likod ng matapang niyang mga mata, nandoon ang mga lungkot na pinipilit niyang itago sa lahat.
She's so fragile. Gusto kong ibalik sa kaniya ang pag-mamahal na binibigay niya saakin. Ayokong unahan ang sarili ko sa gusto kong maramdaman para sa kaniya.
Hanggang ngayon may lugar pa rin si Skye sa puso ko. Hindi ko itatanggi na hindi pa ako naka move-on kay Skye. Kaya kung mamahalin ko man si Nari, gusto ko yung mahal ko siya bilang siya at hindi lang dahil nasa kaniya ang puso ni Skye o dahil lang sa kahawig niya si Skye.
Ayokong madaliin ang lahat.
Tumigil na rin si Nari sa pag-iyak at ngayon ay magang-maga ang mga mata niya. Ang lakas netong babaeng to. Nakakaya niyang mag-isa. I admire her.
This girl is so fragile. Ayoko ng makaramdam siya ng kahit ano pang sakit. Masaya ako dahil sa existence ko lang sa mundong to eh nagkakaroon na siya ng rason para mabuhay.
Isang bagay lang ang alam ko ngayon. I want to keep her.
BINABASA MO ANG
fake sasaeng ›› jaemin
Short Story❝uy jaemin ang galing mo talaga sa mv ng we young!❞ ➵ Na Jaemin ➵ neo series #2 ➵ epistolary x narration start: 17.11.28 completed: 18.05.16