Chapter 1

48 2 0
                                    

Chapter 1


Marriage is the union between individuals who commit to one another in the name of God, and in the name of love. Marriage is sacred, and marriage without love is immoral... or so I thought.

When I was a kid, I was treated like a princess and so I dreamt of having a prince. Someone like Superman who's strong enough to protect me. Someone like a best friend whom I could share my secrets with. Someone that will love and cherish me like how my parents did. Someone that I will marry and spend the rest of my life with.

But reality was far from my fictitious dream. I am no princess. Superman was only a hero existed in movies. I don't have a best friend. And now, I am even doubting the love of my parents.

Andito ako ngayon, kaharap sa hapag kainan ang lalaking hindi ako makapaniwala na pinakasalan ko. Ang lalaking hindi ko mahal at hindi ako mahal. Hindi siya ang prinsipeng pinangarap ko. At mas lalong hindi ang Superman na poprotekta sa akin.

"If you're not planning to eat then at least don't play with the food."

Malamig na sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Malimit lamang siya mag salita. In fact, may mga araw nga na wala talaga kaming interaksyon. Well, most of the days he's out for work. Noong bagong kasal nga kami ay dalawang linggo siyang nawala. Not thaf I care.

Bumagsak ang tingin ko sa aking plato at nadismaya nang nakitang durog na durog na ang hotdog dito. Ibinaba ko ang kubyertos na hawak ko at uminom na lamang ng tubig.

Tumikhim ang lalaking nasa harapan ko at tumayo na para umalis. He's already wearing his office attire kaya paniguradong dederetso na siya sa office. Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng dining area.

Hindi man lang nagpaalam. How rude.

It's been a month. Hindi ako makapaniwala na kasal na ako sa lalaking iyon. Isang buwan na akong parang wala sa sarili. I can't believe my parents deceived me. Masakit sa akin iyon. Hindi ko kailanman ginusto na maging ganito ang buhay ko. But I'm powerless.

Hanggang ngayon, galit parin ako sa mga magulang ko. I haven't talk to them since god knows when. And I cannot see them yet. Hindi ko pa sila kayang harapin ngayon lalo na't hindi naging maganda ang huling pag uusap namin. I felt like I was sold by my parents. They didn't even give me the explanation I deserved.

I was arranged to a guy alright. Tinanggap ko iyon. I was even happy because he's someone I knew. Pakiramdam ko ay umaayon sa akin ang tadhana. We were engaged. I like him and I think he felt the same.

Pero hindi ko makuha kung bakit ang tumanggap ng kamay ko sa altar ay ibang lalaki! What the hell?! I was furious and crying throughout the ceremony. I wanted to run away that time. Pero yung matatalim na titig ni papa ang pumigil sa akin. As for the man I married, parang wala lang sa kanya. He gave me blank stares at di man lang nagsasalita.

Kung sana lumaban kami pareho hindi sana kami naikasal. Kung sana tumutol din siya, hindi magiging ganito. Ramdam ko naman na labag din sa kalooban niya ang kasal namin. Pero hindi ko mahinuha kung bakit hindi siya nagsasalita tungkol doon.

Hanggang ngayon ay napakarami ko paring tanong na gustong masagot. Why did I end up marrying that man? What happened to him?

Asking the man I married won't do much. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ko at mas lalo lamang naiirita sa akin. He's rude most of time. Dapat nga ay rude ang ipinangalan sa kanya ng kanyang mga magulang.

"Nasaan nga si Jonathan?" Minsang tanong ko sakanya habang nagdidinner kami.

"I said I don't know. Bakit ba ang kulit mo?" Iritadong sabi ni Timothy.

Matrimony VineWhere stories live. Discover now