Chapter 5

19 4 0
                                    

Chapter 5

Naupo ako sa lounger at tinanggal ang aking sunglasses. Pinasadahan ko ng tingin ang dagat pati na ang mga taong nag e'enjoy sa paliligo. The sea is very tempting. Mamaya ay maliligo ako. I'm already wearing a pair of bikini beneath my summer dress.

Napangiti ako sa dalawang maliit na bata, they're probably around 3 or 4 years old. Pinipilit nilang bumuo ng sand castle sa shore, pero sa tuwing sinisimulan nila ay tinatangay naman ng alon ang gamit nilang buhangin. Dapat ay hindi sila masyadong malapit sa dagat dahil hindi talaga sila makakabuo ng sand castle niyan.

"Ehem." Pagpapansin ni Timothy nang naupo ito sa katabing lounger. Napatingin ako sa kanya. He's wearing a navy blue shirt and gray shorts. Ang kanyang buhok ay magulo at medyo basa pa. He doesn't look like he's going for a swim. Siguro ay hindi siya maliligo.

"You seemed to be enjoying the view." Nakataas kilay niyang sabi.

Nagtaka ako sa kanyang sinabi kaya tinaasan ko na lang din siya ng kilay at ibinalik ang tingin sa mga bata.

"You might wanna join those men." Sabi nito na punong na puno ng sarcasm.

Men?

Lumampas ang tingin ko sa mga bata papunta sa mga... Men. Anim na nakatopless na lalaki na nagkakatuwaan di kalayuan sa amin. Mga mukhang foreigner silang lahat, o baka may kalahating pinoy ang iba. May itsura at makisig ang mga pangangatawan. Dalawa sa kanila ay may hawak na surf board. Nakilala ko ang isa na Caspar ata ang pangalan, yung sa bar kagabi.

Wait. Timothy thinks I've been staring at them? The heck is wrong with this guy? Sige. Tutal yun naman ang iniisip niya, mabuti pang totohanin na.

"Yeah. Those guys are so hot." I smirked.

"What the fuck?"

"Did you just curse on me?" Pagtataray ko.

"You know what, let's go!" iritadong sabi niya.

"Saan naman?"

"Pool area."

"No. I'll stay. The view's quite great here." Maarte kong sabi. Hindi pa nga ako tumatagal ng halos sampong minuto dito ay dadalhin niya na ako sa pool area.

I want to stay here. I like it here. Am I not allowed to enjoy this vacation? Isa pa, kung ang ipinuputok ng butchi nitong si Timothy ay ang pagtitig ko sa mga kalalakihan ay hindi naman talaga ako nakatingin. But I wouldn't tell him that. Makitid lang talaga ang utak niya. I don't even know why it bothers him.

"Melissa!"

"What?"

He's mad. Tumayo siya at akmang kukunin ang kamay ko.

"Ano, kakaladkarin mo na naman ako gaya kagabi? Nakalimutan mo na ba ang 'no touching policy' natin?" Litanya ko. Noong isang araw pa siya hawak ng hawak. Akala niya ba hindi ko napapansin?

"Cut the crap Melissa. We both know that this isn't the kind of 'touching' we meant." I saw a ghost smile flashed on his face before he grabbed my wrist.

Sa sobrang lakas niya, wala akong nagawa kundi magpatianod. Naglalakad na kami noong narealize ko kung anong 'touching' ang ibig niyang sabihin.

"I can walk alone!" Inalis ko mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay nakaramdam ako ng kuryente. Nag init ang pisngi ko sa di malamang dahilan.

"Fine."

Pagdating namin sa pool area ay kaunti lamang ang tao. Kalimitan ay pilipino. Nakasimangot akong umupo sa isang lounger. Iniwan din ako kaagad ni Timothy. That jerk. Nakakainis naman. Hindi ko rin pala mae'enjoy ang bakasyong ito.

Matrimony VineWhere stories live. Discover now