Chapter 6"He's here." Siniko ako ni Aris habang kinikilig na inginuso ang entrance ng cafeteria. Awtomatiko naman akong napatingin doon.
And there I saw my crush, striding through the cafeteria. He looked like some runway model in our school uniform. And no, I'm not exaggerating. He has clean cut hair, body features that girls would drool over, and eyes that would captivate anyone. Isama mo pa ang pagiging mabait niya, he's nice to everyone. He is the prince charming type to some girls. But he is Mr. Perfect to me.
Makisig siyang naglalakad patungo sa isang bakanteng table. Naupo siya doon at nagsimulang kinalikot ang kanyang cellphone. Why is he alone? Is he texting someone? It's very unusual of him to be seen alone. Kadalasan kasi ay kasama niya ang kanyang mga barkada.
"Ano? Puntahan natin?" Suhestiyon ni Aris.
"Sira ka ba? Hindi naman tayo kilala. Atsaka, baka parating na din ang mga kaibigan niyan." Sabi ko naman.
"Hindi ako, pero ikaw oo."
She's right, he knows me. Ilang sandali pa ay narinig ko nang tinawag ang pangalan niya ng isang lalaki. May kasama itong babae na agad namang naupo sa tabi niya.
"Jonathan!" Sabi ng lalaki at nakipag high five ito kay Jonathan bago naupo rin. May ibinulong iyong lalaki sa kaniya dahilan para mapalingon siya sa amin. Kumunot ang noo ko. Ano kaya yung ibinulong sa kanya?
Nagtama ang aming paningin dahilan para makaramdam ako agad ng hiya. He caught me watching him! Nag iwas ako ng tingin at humarap na lamang kay Aris.
"Ang dami talagang hot at gwapo sa engineering department." Bahagya pang napahawak si Aris sa kanyang dibdib.
"Sayang nga lang at ga'graduate na sila. Bilang nalang ang araw na makikita natin sila." Malungkot na sabi niya.
"Kung makapag salita ka naman parang mamamatay na sila." Natawa ako sa reaksyon niya.
"Alam mo, iyang si Salcedo bakla daw yan eh. Sayang ang hotness." She said, referring to the guy who's with Jonathan right now.
"Bakit mo nasabi?"
"Hindi kasi nag gi'girlfriend. Tsaka hindi din masyadong lumalapit sa girls."
Napaisip ako sa kaniyang sinabi. It could also be that he's in a relationship with someone we don't know or he's reserved.
Bumalik ang tingin ko kay Jonathan at nakita siyang naglalakad papalapit sa direksyon namin. His eyes were directed to me. Bahagya pa akong napalingon sa likod dahil baka hindi talaga ako ang tinitingnan niya.
"Omg. Papunta na si papa Jonathan mo! Alis nako girl ah? Kwentuhan mo na lang ako. Enjoy!" Bulong ni Aris sa akin habang nakangiti ng nakakaloko. Agad din siyang tumayo at hinablot ang kanyang bag. Nag madali siyang umalis para siguro hindi siya abutan ni Jonathan. Baliw talaga.
I was a little bit surprise when Jonathan pulled the chair in front of me and sat there.
"I assumed this seat isn't taken." He said in a deep baritone voice.
Napangiti naman ako saka tumango. But deep inside, naghuhuramentado na ang puso ko dahil masyado siyang malapit.
"How are you coping?"
YOU ARE READING
Matrimony Vine
RomanceMelissa was arranged to Jonathan, the man of her dreams. At the age of 23, she was so happy and ready to be wedded to this man. However, her world crumbled down when she ended up marrying Timothy, Jonathan's younger brother and a stranger. Could lov...