Chapter 2
Timothy
"I don't mind having a child at early age, dad."
Humalakhak si mommy at napangisi naman si daddy dahil sa sinabi ko. Isang nakaw na tingin ang ipinukaw ko kay Melissa. Gusto kong matawa sa reaksiyon niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Her inner self is probably cursing me now.
"See? It doesn't matter if they're still young. In fact ay mas mainam iyon. Are you on pills hija?" Nakangising sabi ni mommy kay daddy bago bumaling kay Melissa.
"O..opo." Napakurap kurap ito bago utal na sumagot.
"Maayos na ba ang pag me'mens mo?"
"Yes po."
"Pwede ka nang mag stop kung ganoon." Sabay kindat ni mommy.
"Uh. Opo." Now, she looked constipated. Mukhang wala namang napapansing iba sina mommy.
Nagpatuloy ang aming dinner na tungkol sa 'future child' namin ni Melissa ang usapan. Mom said she wanted a girl while Dad wanted a boy. In the end, they both agreed with fraternal twins which I suggested. Throughout the dinner, Melissa tried so hard to make her smiles appear natural. I could easily read her though. Her eyes were screaming sarcasm. She never failed to send me telepathic curses every time she looked at me.
Napangisi ako. I didn't know that pissing someone off would be this pleasurable.
Lalong lumaki ang ngisi ko nang makita ko siyang papalapit sa balkonaheng kinaroroonan ko. Pinirmi ko ang kaliwang kamay ko sa konkretong barandilya habang pinagmamasadan siyang naglalakad papunta sa akin. Matalim ang mga titig. Kung mag aaway kami rito ay tiyak hindi kami gaanong mapapansin nina Mommy. Not that I wanted us to fight here. Nasa kwarto na sila, and there were 4 rooms between their room and mine. Ang kwarto ko kung nasaan kami ngayon ay ang pinakadulo.
"What were you thinking?" Tumigil siya isang dipa ang layo sa akin.
"Huh?" Kunwari'y hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.
"Yung kanina, ano iyon Timothy?"
"What about earlier?" I sported my usual blank face.
"Pinapaasa mo ang mga magulang mo, kahit alam mo namang malabong magka anak tayo."
"Mag asawa tayo, hindi naman iyon malabo." I said as a matter of fact."You think I'd let you do me? Over my dead body!" She looked disgusted. I smirked. Hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"You wouldn't just let me. You'd beg-"
"Shut up!" Gigil niyang sinabi kasabay ng paglipad ng kanyang hintuturo sa ere.
"Okay. Calm your ass. Nagbibiro lang naman ako kanina." I chuckled.
"Nagbibiro? Gago ka ba? This is why I don't like guys my age." Bahagya siyang natawa.
"Language Melissa." Umigting ang panga ko.
Hindi ko alam kung alin sa sinabi niya ang hindi ko nagustuhan. Iyong pag mumura niya ba o iyong sabi niya na ayaw niya sa mga lalaking kaedad niya.
"Umuwi na tayo." Her eyes turned cold. Bahagya siyang umatras at tinalikuran ako para lumabas. Hinagilap ko ang cellphone ko mula sa glass table bago sumunod sa kanya.
"Melissa." Tawag ko pero hindi man lang niya pinansin.
Hinuli ko ang kanyang siko nang makalabas kami ng bahay at sapilitan siyang iniharap sa akin.
YOU ARE READING
Matrimony Vine
RomanceMelissa was arranged to Jonathan, the man of her dreams. At the age of 23, she was so happy and ready to be wedded to this man. However, her world crumbled down when she ended up marrying Timothy, Jonathan's younger brother and a stranger. Could lov...