Chapter 3
I hit the sack wearing a pair of purple pants and a matching loose-fitting long sleeves top. Hinila ko pataas ang comforter hanggang sa leeg ko at sinubukan matulog.
Timothy’s voice echoed inside my head. The way his eyes lingered on me, I knew exactly what he was thinking. Pity. Naawa iyon sa akin. He probably found me desperate too. And I hate to think that I am right. He wanted us to get along but I refused. Masyado ba akong matigas? Minsan, kahit ako ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. I’m becoming hard and irrational. This isn’t me.
Tumingin ako sa pintuan ng bathroom. Ang lagaslas ng tubig mula sa shower ay pahiwatig na naliligo siya. Binalot ko ang katawan ko ng comforter hanggang sa ulo ko. I squeezed my lids close. Pero mukha yatang hindi na ako dadalawin ng antok.. This is probably because I slept during noon. Dahil nga doon.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng bathroom. Nag kunwari akong tulog. Siguro ay tapos na siyang maligo. Naramdaman kong umuga ang kama kaya kinabahan ako. Pasimple akong tumalikod sa gawi niya. Nakapatay na ang ilaw ngunit ang lampshade sa tabi niya ay naka on pa rin. Hindi na siya muling gumalaw, siguro’y nakatulog na.
Pinakiramdaman ko siya ng ilang minuto pero hindi na talaga siya gumalaw. Dahan dahan akong bumangon at tumingin sa gawi niya. Ang ilaw mula sa lampshade na nasa gilid niya ang tanging nagbibigay liwanag para makita ko ang maamong mukha niya. Naka puting sando siya habang ang kanyang bewang pababa ay natatakpan ng comforter. Mukhang tulog na tulog na yata siya. Medyo nairita ako ng kaunti. Mabuti pa siya ay sarap na sarap na sa tulog samantalang ako ay mukhang tinakasan na ng antok.
Hindi ko maipagkakaila na gwapo ang napangasawa ko. He got his skin from his mom. Maputi para sa isang lalaki. Ang buhok ay itim na itim at bahagyang natatabunan ang kanyang noo dahil sa haba. Matangos ang kanyang ilong, makapal ang kilay, mahaba at makurba ang pilik mata at mamula mula ang nakaawang niyang labi. Bumaba ang tingin ko sakanyang panga. His angled jaw clenched a bit and then relaxed. Matipuno at matikas ang kanyang pangangatawan. Mayroong gym equipment dito sa bahay kaya siguro niya napapanatili ang hubog ng katawan.
Unfortunately, I don’t fall for good-looking features.
Bigla kong naalala ang itsura ng kuya niya. May pagkakahawig sila ngunit kaunti lamang. Jonathan’s features were more firm than him. Jonathan looked more mature too, definitely my type. Hinding hindi ko makakalimutan ang paraan ng pagtitig niya sa akin. His eyes were expressive and full of gentleness. Isa sa pinagkaibahan nila at nitong napangasawa ko. Timothy’s eyes were dark and hard to read.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Nalulungkot ako para sa aming dalawa. Kasal kami pero hindi namin mahal ang isa’t isa. Kasal kami pero ni hindi namin kilala ang isa’t isa. How can our relationship work out? Can love be learnt? Our story is not fiction. We are married and that’s the painful reality.
Akmang hahaplusin ko na sana ang kanyang pisngi nang bigla siyang gumalaw. Tumalikod siya sa akin at niyakap ang unan sa gilid niya. Bumilis ang pintig ng puso ko dahil doon. Akala ko ay nagising siya. Nakakahiya naman kasi pag nahuli niya akong pinagmamasdan siyang natutulog. Baka iba pa ang maisip niya. Naalala ko tuloy ang usapan naming noon.
“Sa iisang kwarto tayo matutulog? Are you fucking kidding me?!” Namumula nako sa frustrations. Tinanggap ko ang kasal, ngayon required na naman kaming magsama sa iisang kwarto. Sobra na to.
“I wish.” He lazily answered.
“I would never sleep with you.”
“Same here.” He shot me a blank stare.
YOU ARE READING
Matrimony Vine
RomanceMelissa was arranged to Jonathan, the man of her dreams. At the age of 23, she was so happy and ready to be wedded to this man. However, her world crumbled down when she ended up marrying Timothy, Jonathan's younger brother and a stranger. Could lov...