Chapter 7

12 4 0
                                    

Chapter 7

Iniwasan ko si Timothy pagkatapos ng umagang iyon. Kahit nakauwi na ulit kami ay hindi ko parin siya pinapansin. It’s either nag papanggap ako na hindi ko siya narinig o sasagutin ko lamang ng oo o hindi ang mga tanong niya.

Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin pagkatapos noon. I let him kissed me and I even kissed him back and that was the most embarrassing part. Hinalikan niya ako dala narin siguro ng hangover niya. May ganoon ba? Siguro nga.

The kiss was never really a big deal to him as it was to me, because that was my first! I never had a boyfriend before. Kung mayroon man lalaking nakahalik sa akin ay sa pisngi at noo lamang. Kahit nga noong mismong araw ng kasal namin ay sa noo niya lamang ako hinalikan. Not that it bothers me.

Kung hindi lang talaga required maghalikan sa kasal ay hindi ko talaga siya papayagan noon. Sino ba naman ang gustong mag pahalik sa isang di mo kilala diba?

Hindi ako nahirapan sa pag iwas kay Timothy dahil noong nakauwi na kami ay ibnuhos niya ang kanyang oras sa pagtatrabaho. He probably needed to make amends for his absence for four days. Siguro ay marami siyang naiwang trabaho. Late na siyang umuuwi sa gabi at maaga namang umaalis sa umaga. At kapag nakakauwi naman siya ay palagi siyang nasa kanyang mini office upang mag trabaho.

Mahirap ba maging isang architect? I don’t even know what Timothy does. I haven't done any research about him. Sa pagkakaalam ko ay siya ang nag ha’handle ng firm o kompanyan nila. Siya kaya ang CEO? But isn’t he too young for that? At kapapasa niya pa lang ng board. How about his older brother? Kung birthright ang pag uusapan ay dapat panganay ang namamahala dito. Pero sabagay. Wala naman siya dito ngayon.

He ran away. He left.

Damn it Melissa. You’re thinking about him again.

Napapikit ako ng maalala na naman siya. Pilit kong inalis siya sa isipan ko at nag focus na lamang sa ginagawa ko ngayon.

I started stirring the ingredients vigorously of the cheesecake I’ll bake. Cooking has become my hobby ever since I got married. Doon lang kasi ako nalilibang dahil wala naman akong ibang magawa dito sa bahay. Hindi ko rin naman hilig gumala at mag mall. Paminsan minsan lamang akong lumalabas para mag grocery at mag shopping.

Inalagay ko ang mixture ng cake sa oven at pinihit ang timer sa tamang oras pati narin ang tamang temperatura para maayos ang pagkakaluto ng cake. Sinunod kong ginawa ang frosting para roon katulad sa video na nakita ko sa youtube. Madali lang naman iyon. Pagkatapos kong gawing iyon ay inilagay ko naman ito sa ref.

Nagsimula na akong magligpit ng mga materyales na ginamit ko kanina nang sumulpot si Aling Tilda sa kusina.

“Ma’am, ako na po riyan. Magpahinga na po kayo.” Alok niya sa akin.

Si Aling Tilda ay isa sa mga kasambahay namin dito sa bahay, siya rin ang kadalasan na nagtuturo sa akin na magluto ng anu anong klase ng mga putahe. Mostly sa mga tinuturo niya ay Filipino cuisine. Naging specialty ko ang tinolang manok na siya rin ang nagturo sa akin.

“Salamat po Aling Tilda.” I smiled at her.

“Tatawagin ko na lang po kayo kapag luto na ang cake.”

Tumango ako sa kanya at tinungo ang aking kwarto. Naupo ako sa kama at hinagilap ang remote ng TV sa side table. Binuhay ko ang TV at nag browse ng channels para maghanap ng magandang palabas.

Sakto naman na may nadatnan akong movie na pinagbibidahan ni Alex Roe, entitled Forever My Girl. I am a fan of him kaya pinanood ko iyon. Namangha ako dahil sa galing nitong kumanta. What a talented man.

Matrimony VineWhere stories live. Discover now