Chapter 4

29 10 0
                                    

Chapter 4

Beautiful.

Isang salita na tanging naisip ko nang lumantad sa aking harapan ang buong beach ng Siargao. White sand, pristine waters. Siargao is definitely a beaut! Hindi ko maipagkakaila na totoo ang sabi ng mga taong nakakapunta dito.

This is gonna be fun.

“Like what you see?” Si Timothy, nang tumabi ito sa akin sa balkonahe. Ang suite na napili niya ay nagpapakita ng pinaka magandang tanawin nitong resort. Nilingon ko siya at ngumiti.

“Yes.” I’m excited. Tila nawala ang pagod ko mula sa byahe. Gusto ko na lamang tumalon at maligo sa dagat.

“Bumaba muna tayo para makakain na. Sabay tayo nina mommy.”

“Sige. Magbibihis muna ako.” Itinuro ko ang banyo at mukhang nakuha niya naman ang gusto kong ipahiwatig. I feel sticky, I badly need a shower.

Nagpaalam si Timothy na bababa na muna at doon na maghintay sa akin. Tinanguan ko lamang siya bago tinungo ang banyo. Lumantad sa akin ang marmol na sahig. Malaki ang banyo at pupwede itong maging isang kwarto. Hinawi ko ang shower curtain at maliban sa shower ay may Jacuzzi roon. Napanganga ako dahil sa pagka mangha.

I stripped down my clothes before stepping into the shower. Binuksan ko iyon at hinayaan ang malamig na tubig na umagos sa aking katawan. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri. The water is so refreshing. Gustuhin ko man magbabad sa jacuzzing naroon ay hindi maari. Kailangan ko ng mag madali dahil baka naghihintay na pati sina Tita at Tito.

Isang puting bestida na hanggang tuhod ang napili kong isuot. Naglagay din ako ng kaunting kolorete sa mukha para hindi ako magmukhang maputla. Ang aking buhok ay hinayaan kong umalon sa aking likod. Nagsuot ako ng flats bago tuluyang bumaba galing sa suite.

Nadatnan ko si Timothy habang kausap nito ang babaeng receptionist sa front desk. Humagikgik iyong babae dahil sa sinabi ni Timothy.

Tumaas ang kilay ko. Flirt.

Iba rin pala itong si Timothy. Ang bilis mamingwit ng babae. Ang bilis lumandi! Akala mo kung sinong matino. Tsk. Kaya siguro ito pumayag mag bakasyon ay baka sawa na to sa mga babae niya sa office! Damn.

Teka, bakit ba ako nag iisip ng ganito? The hell I care.

Gusto ko sanang lampasan na lang siya kase parang hindi niya naman ako napansin pero baka magtaka sina Tita na hindi kami magkasama. Kaya naglakad nako palapit sa kanya. Pero imbes na si Timothy ang tingnan ko ay dumirekta ang tingin ko sa receptionist. Sa ganito kalapit ay kapansin pansin ang kapal ng kanyang makeup. Clown lang ate? Ganito siguro ang mga tipo niya. Di hamak na mas maganda naman ako kaysa sa babaeng ito.

“Timothy.” Tawag ko nang sa wakas ay natapos nako sa pagcheck out sa receptionist.

“Ah. Tapos kana pala.” Medyo nagulat pa ito sa pagdating ko. “Rossetti, this is my wife, Melissa. Mel, si Rossetti, kaklase ko noon.” Pagpapakilala sa amin ni Timothy.

Kaklase mo? Eh bakit siya receptionist hindi architect? Liar.

“Nice to meet you Melissa! Grabe ang ganda mo pala. Pinag uusapan ka lang namin nitong si Ibañez.” Masiglang sabi ni Rossetti na parang nahiwagaan yata sa akin. They were talking about me?

“N-nice to meet you too, Rossetti.” Ngumiti ako.

“Rose na lang.” Malaki ang ngiti nito. She seemed nice.

Naguilty ako sa mga iniisip kong masama tungkol sa kanya, sa kanila. Of course, pwede silang maging classmates kahit hindi parehas ang kanilang kurso. Sa mga minors. O kaya high school or elementary. Ang tanga mo Melissa!

Matrimony VineWhere stories live. Discover now