Lianna's
limang taon na ang nakalilipas simula nang mangyari 'yon... pero hinding-hindi ko pa rin malimutan ang mapait na dinanas ko sa kaniya.
hanggang ngayon ay binabangungot pa rin ako ng presensya niya. feeling ko nga ay nandiyan lamang siya sa tabi-tabi at nagmamasid sa mga kilos ko.
sobra-sobra akong na-trauma sa mga pinaggagagawa niya sa'kin noon, pati ang attitude at behavior ko ay naapektuhan.
palagi akong nagagalit kahit wala silang ginagawang masama sa'kin. madikitan pa nga lang nila ako ay magwawala na ako bigla. hindi ko rin alam kung bakit, pero gusto kong makaiwas sa lahat... noon.
subalit lahat nang iyan ay binago ko ulit. unti-unti na akong nakakabangon at nakaka-recover sa masaklap na nangyari sa'kin.
masayahin na ulit ako, tumatawa na.
pinilit ko ulit ang sarili kong makisalamuha sa mga tao katulad noong ako'y inosente pa at wala pang nalalaman sa mundo na sa huli, nagawa ko naman nang matagumpay.
siguro nga na ang lahat ng problema ay malalagpasan mo kung tinutulungan mo rin ang sarili mo.
nangyari na ang dapat mangyari. wala nang dapat sisihin. siguro noon ay nakulong ako sa madilim kong karanasan, ngunit "past is past" na ika nga.
hindi na dapat pang balikan ang mga ala-alang kailangan na talagang ibaon sa limot.
kung may babalikan man ako sa past ko, iyon ay ang mga good memories ko noon and not the other way around.
kumbaga, gawin mong aral o inspirasyon at magsisilbing leksyon ang mga problema mong ito sa'yo and that's my choice.
kinabukasan ng biyernes ay maaga akong nagising para pumasok sa school.
as usual, tambay na naman ako rito sa classroom namin dahil ako yata ang nananatiling early bird sa klase namin.
mahirap talaga noong una akong makipag-sapalaran bilang isang senior high school. kahit papaano'y nakalagpas naman ako roon at ngayon ay grade 12 na ako.
nasa 2nd semester na kami, kaya malapit-lapit na rin akong grumaduate. finally!
asahan kong pahirap na nang pahirap 'yan pero kinakaya ko pa naman at kakayanin ko pa, para hindi ko mabigo 'yung mga taong naniniwala sa galing ko.
unti-unti nang nagsisidatingan ang mga classmates ko habang binabati ako, kaya ginagantihan ko sila ng isang matamis na ngiti.
maaga pa naman kaya lumabas muna ako sa classroom namin at balak kong tumambay sa soccer field para magpahangin at magpalipas ng oras.
habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko ang classmate kong si Nikka Nuñez na mukhang kagigising lamang habang bitbit 'yung backpack sa likod niya, maging sa buhok nitong basang-basa pa. kumaway ako rito.
siya ang babaeng masungit at palagi akong tinatarayan.
kagaya ko, parehas kami ni Nikka na walang kasa-kasamang kaibigan sa classroom. pinapansin lang namin ang mga kaklase namin kapag may importanteng sasabihin o ipagagawa.
ang iba pa nga'y ubod ng ingay na parang nakalunok ng mikropono, at mayroong sobrang kulit na parang kiti-kiting 'di mapakali sa iisang tabi.
nang magkasalubong ang mga mata namin ay inirapan niya lang ako at mabilisang nilagpasan kaya nilagpasan ko na lang rin siya.
kibit-balikat ko siyang nilingon, nalilito sa pagiging bad mood nito kahit hindi pa naman nagsisimula ang kaniyang araw. kahit ganoon ang ugali niya ay naiintindihan ko pa rin siya. pareho siguro kaming may issue sa mga tao kaya iwas kami sa kanila, but we're still entirely different.
maybe i'm an ambivert? socially awkward but sometimes friendly. haaay! kung ano-ano na namang pumapasok sa isipan ko.
dumiretso ako banda sa pinaka-malapit na bench, saka ako pumwesto roon sa may lilim ng puno. suminghap ako ng hangin at kinalma ko ang sarili bago napatitig sa kawalan.
ito na yata ang pinaka-boring na moment sa buhay ko! kinuha ko na lang 'yung ipod ko na may nakasaksak pang earphone sa bulsa ng skirt ko.
in-open ko naman ito at nakita kong ala-sais y media na ng umaga. mamaya pang 7:30 AM magi-start ang klase kaya mahaba-habang panahon pa ang igugugol ko sa pagmumuni-muni.
sinuot ko ang earphone sa magkabila kong tainga at saka nagpatugtog ng mga favorite songs ko. i-idlip na lang muna ako sandali.
3rd Person's
habang nakapikit si Lianna sa may bench na ino-okupa nito, lingid naman sa kaalaman niyang may nagmamasid sa kaniya mula sa ikatlong palapag ng building sa harap niya habang naka-ngisi. makikita mula sa mga mata ng lalaki ang pagkasabik siyang makita ulit pagkalipas ng limang taon...
nanumbalik ang nagsi-silakbong galit niya sa pamilya ng dalaga dahil sila ang nagpahuli sa kaniya at ipinakulong siya ng limang taon sa kasong rape at kidnapping.
ngayon ay nagbabalik na siya upang makuha ulit ang iniibig nito kahit pa sa anong paraan niya naising angkinin ang babeng kinababaliwan niya.
pinagplanuhan na niya itong mabuti at sa pagkakataong ito ay sinisigurado niyang magta-tagumpay ang kaniyang inaasam na paghihiganti ayon sa kaniyang maitim na hangarin na ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan dahil wala sa kahit sino man ang makapipigil pa sa kanila...
...sapagkat nagsisimula pa lamang siya.
♡♡♡
your votes and comments are highly appreciated. ;)
don't forget to follow me too~
sooo thank you for reading,
and stay tune for the next chapter! =>

BINABASA MO ANG
𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨 💯
Romance"bakit kung kailang gusto na kitang kalimutan, ay saka mo pa ako babalikan?" -Lianna Ysabelle Watson. © 2018 by whyjam.