chaos 12 - jealous monster

14.6K 220 30
                                    

dedicated to @ozzymarg, @JennyManaog, @sweetcrazyjoey, @dyiwelll, and @apanopio21. love you guys xx

Lianna's

one week later...

"ano nang gagawin mo ngayon?"

nandito kami ngayon nila Warren, Nikka, at Ricci sa isang coffee shop five blocks away mula sa bahay namin na madalas na naming tambayan the past few weeks.

since then, naging kaibigan na namin 'tong si Warren kung nagtataka kayo, eventhough he's one of the girls. he doesn't care about that, actually. para niya na raw kaming mga little siblings. which is adorable and so sweet of him.

Nikka frowned. "aba'y ewan ko."

"saan mo ba huling nakita 'yong phone mo?" tanong ni Warren habang sumisimsim sa mocha frappe niya.

"doon sa— hala! naaalala ko na... naiwan ko sa library 'yon!" mula sa mukha niyang parang pinagsakluban ng langit at lupa hanggang sa mukha niyang mas maliwanag pa sa araw noong naalala niya na kung saan niya naiwan 'yung phone niya.

real quick si ate mo girl.

napakamot na lang ako sa ulo ko dahil makakalimutin na siya. sus!

ngumiti sa kaniya si Ricci. "ayon naman pala."

"sige na, mauna na kayong tatlong umuwi. dadaanan ko pa 'yung phone ko do'n. siguro naman naitabi 'yon ng librarian. hehe." nauna na siyang tumayo at kumaway sa'min saka siya lumabas sa coffee shop na 'to.

nagkwentuhan muna kami saglit habang tinatapos namin 'yung iniinom namin saka na rin kami lumabas.

pare-pareho lang kami ng daraanan pauwi at doon pa rin naman ako umuuwi sa mansion nila Dale.

ayaw niya akong paalisin eh. hays.

naglakad na lang kami dahil malapit na lang naman. walking distance lang kasi.

nauna sa'min si Ricci kaya sabay na kami nito ni Warren. nagku-kwentuhan lang kami nang may makita kaming fishball vendor kaya bumili kaming dalawa.

"mag-kasintahan ba kayo?" biglang tanong ni manong habang pinupunasan 'yung mga natapong sauce sa cart niya.

nagkatinginan kaming dalawa ni Warren at mabilis na itinanggi 'yung sinabi ni manong.

"hala kuya, hindi po." mariing tanggi ni Warren at kabadong tumawa sabay tingin sa'kin.

napatingin sa'min si manong sabay ngiti.

"mga kabataan talaga, ikinakaila pa kahit halata na." naiiling na sabi ni manong habang natatawa.

"manong, magkaibigan lang po kami." sabay kaming nagtawanan ni Warren saka na kami umalis pagkatapos.

nang makarating kami sa tapat ng malaking gate ng mansion nila Dale, nagpaalam na sa'kin si Warren at biglang ginulo ang buhok ko.

sinamaan ko siya ng tingin. "what the heck! aso mo na ba ako niyan?"

humalakhak siya kaya natawa na rin ako.

"sige na, aalis na ako." huling paalam niya at hinagkan ang noo ko.

napangiti na lang ako. "lumayas ka na, mag-ingat ka sa daan."

tumango siya saka naglakad palayo kaya pumasok na rin ako sa gate.

nagulat ako nang makita ko si Dale na nakasandal sa gilid ng malaking wood-crafted na pinto habang masamang nakatingin sa'kin.

para akong tinakasan ng bait sa hitsura niya.

feeling ko tuloy nagdilim ang paningin ko. hallucination lang ba 'to?

parang makakapatay na siya sa hitsura niya... at mas lalo siyang gumwapo diyan.

"D-dale! nauna ka na pala. b-bakit nariyan ka pa sa labas?" kabado kong tanong at lumapit sa kaniya.

hindi siya umimik at mariing nakatitig lang sa mga mata ko.

nakaramdam ako ng hilo kaya mabilis na lang akong pumasok sa loob saka dumiretso sa salas para makapag-pahinga saglit.

para akong lalagnatin nito...

"hindi ba't estudyante ko 'yon? bakit may kasama kang lalaki? blah, blah, blah..." hindi ko na halos maintindihan 'yung sinasabi niya dahil parang anytime ay mawawalan ako nang malay.

umiikot at gumigiling na rin 'yung tiyan ko sa sakit at para akong maduduwal—

"Lianna? anong nangyayari—"

tumakbo ako papuntang kusina at itinapat ko ang mukha ko sa lababo saka ako doon sumuka.

a pair of concern and loving eyes met mine after kong linisin ang sarili ko.

mabilisan niya akong niyakap kaya napasandal ako sa dibdib niya.

"i won't be jealous for now, i'm going to take care of you first."

♡♡♡

your votes and comments are highly appreciated. ;)

don't forget to follow me too~

sooo thank you for reading,

and stay tune for the next chapter! =>

𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon