finale

12.6K 118 9
                                    

A/N: ibabalik ko na 'tong last part haha! pasensya na sa mga naghintay nang matagal if meron man. na-retrieve ko na 'yung notes ko about dito. another wait na lang ulit for further announcement. :) thank you! not sure if na-unpublish ko ba talaga 'to pero hayaan na, nandito na~


---

"NANA UNGGOY!"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Kuya Coco sa labas ng kwarto ko. At talagang tinawag niya pa akong unggoy, ha!?

Sa sobrang banas ko, hindi ako sumagot. Kaya biglang kumalabog ulit ang pinto ng kwarto ko.

Arrrgh! He's getting into my nerves! What does he want from me!?

"Hoy, Nana! Gumising ka na diyan!" Sigaw niya at nasundan pa ito ng sunod-sunod na katok.

Bwisit. Ang aga niya laging mambulabog!

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin ang nangungulangot kong kuya sa harapan ko. I suddenly grimaced at the sight of him.

"What the heck, kuya?! Get lost! You're so fucking annoying and disgusting! Eww." Isasara ko na sanang muli ang pinto pero pinigilan niya ito gamit ang lakas niya.

Humalakhak siya nang sobrang lakas na paniguradong rinig abot hanggang sa labas ng mansion. Tss!

Ngumisi ito. "Hahaha! Punas ko pa sa'yo 'to e. Arte mo."

"Isusumbong kita kay Ate Mina. Sasabihin ko, namumunas ka ng kulangot. Grrr!" Pagbabanta ko sabay suntok sa braso niya.

Sumeryoso ang mukha niya kaagad kaya kinilabutan ako. Pero muling bumalik ang init ng dugo ko nang magsimula siyang tumawa ulit at umutot pa!

Susuntukin ko sana siya ulit pero nauna na siyang tumakbo papalayo kaya hinabol ko siya hanggang sa dining room. Naabutan namin doon si Mom and Dad na nagku-kwentuhan lang.

"Dale, ano ka ba? Pati ba naman 'yung unan pagseselosan mo pa?"

"Hindi lang ako sa unan nagseselos, Lianna Ysabelle Montefilia!"

"Honey naman, 'wag ka ngang ganiyan. Alam mo namang ikaw lang love ko."

Yuck? Like what the hell. So cringeeey!

Hindi namin sila pinansin at takbuhan lang kami nang takbuhan ni Kuya Coco habang nagme-make face sa'kin.

"THIS IS SPARTAAAAA!" I roared.

Nagderp face siya bigla sabay sabing, "Wala kang originality, sis! Bleh!"

Natawa ako sa mukha niya kaya natawa na rin siya. Tumakbo siya ulit, at ako naman ay sige lang ang habol sa kabaliwan nito.

Pinapanood lang kami ni Mom at Dad sa gilid habang magkayakap silang dalawa. Nagulat kaming sabay-sabay nang makarinig ng parang may nabasag.

Nabaling ang tingin ko kay Kuya Coco na namumutla habang nakatingin sa sahig at may hilaw na ngiti sa labi. Umabante ako at tumabi sa kaniya. Inasar ko siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon