Lianna's
nagising ako nang marinig ko ang school bell na hudyat na magsisimula na ang klase.
medyo nagulat pa ako at napatayo kaagad mula sa pagkakaupo ko kaya pinatay ko na muna 'yung tugtog na nagmumula sa ipod ko.
pinasok ko ito sa bulsa ng aking palda sabay takbo pabalik ng classroom sa second floor.
nakarating ako sa harap ng classroom namin na hinihingal at nakasabayan ko pa ang aming class president na walang iba kung hindi si Giovanni Perez.
binati niya ako pero nginitian ko na lang siya nang pilit dahil hinihingal pa ako sa pagtakbo.
"tara, pumasok na tayo." sabi niya kaya tumango naman ako saka kami dumiretso sa mga seats namin.
wala pa pala kaming teacher na supposed to be ay ang adviser namin.
nasa second to the last row ang seat ko. saka seatmate ko rin si Nikka. katabi niya 'yung bintana sa kaliwa namin at ako naman 'yung nasa kanan niya.
nang mapalingon si Nikka sa direksyon ko ay tinaasan niya ako ng kilay saka ako inirapan ulit. pinabayaan ko na lang siya saka ako umupo sa upuan ko. wala na naman siya sa mood, huh?
ang nasa kanan ko naman ay si Ricci Vermudez. ang geek-nerd kong kaklase. siya lang 'yung babaeng pinaka-close ko.
kaibigan na ang turing ko sa kaniya at gano'n na rin siguro ang turing niya sa'kin, kaso bestfriend niya yata 'yung mga librong tungkol sa biology at calculus, e.
while the rest na katabi pa ni Ricci ay sila Billy, Josh, Terrence, Caleb, at Pauleen. i'm not gonna mention them one by one, because i have no business with them.
kinilabit ko agad si Ricci para makipag-kwentuhan sa kaniya na ngayon ay nagbabasa ng makapal, as in isang dangkal na ng kamay ko, na libro sa history.
lumingon naman siya sa'kin bigla. saktong pagharap niya sa'kin ay biglang nag-reflect 'yung liwanag na nagmumula sa bintana, na against sa ilaw doon sa salamin niya.
"bakit?" tanong nito.
"nasaan daw ba si ma'am Julio?" tanong ko naman.
mukha naman siyang napa-isip sa tanong ko. "hindi ko rin alam, pero sa pagkakarinig ko kay Pres, nag-resign na raw ito kahapon."
nanlaki naman ang mga mata ko.
WHAT?!
"h-hala! bakit?" nauutal ko pang tanong sa kaniya, ngunit nagkibit-balikat lang siya sa'kin sabay tingin ulit sa libro niya.
e, 'di kung gano'n... sino na ang papalit kay ma'am Julio—?!
napalingon kaming lahat sa unahan nang may biglang pumasok na matangkad at medyo may malaking katawang lalaking may hawak-hawak na mga papel, folders, o kung ano man 'yung hawak niya sa kaniyang bisig.
naka-clean cut ang buhok nito at nakasuot siya ng eye glasses. mukhang mga nasa mid-20s pa lang siya. well, who cares? and why do i even bother checking him? he's quite... intimidating, believe me or not.
unang tingin pa lang dito, mababalutan agad ng misteryo ang kaniyang pagkatao. saktong narinig ko naman ang mga bulung-bulungan ng mga kaklase ko.
"omg girl, sino siya?"
"hindi ko rin alam, 'te."
"mukhang bagong teacher lang rito sa SHU."
"agree!"
inilapag niya ang kaniyang mga gamit sa teacher's table saka niya kami tinitigan isa-isa, na bigla na lang huminto ang mga nang-uudyok niyang mga mata sa'kin kaya napayuko ako dahil sa pagkapahiya.
"goodmorning, class. i'm sorry if i'm late. are you curious as to why on earth did i appeared in front of you, all of a sudden?" aniya kaya napa-angat ako ulit ng tingin sa harapan.
nilingon niya 'yong mga kaklase kong babae na nagbubulungan kanina, kaya natahimik kaming lahat.
"okay, i will introduce myself. i am Zaiki Genesis Fillia. you can call me sir Filia or sir Gen. alam niyo na rin naman siguro ang balita sa adviser ninyo, right? she resigned as a teacher because she needs to help her husband in the latter's business. so, ako na ang papalit sa kaniya bilang bagong adviser niyo." sabi niya pa.
napa-'oohhh' naman ang lahat maliban sa'kin at sa dalawang kong katabing babae.
i don't know why i'm feeling this right now, but i honestly sense some familiarity with our so-called new teacher. his voice, his face, his presence, and anything about him. all seems familiar.
"are you alright?" napalingon ako kay Ricci na nag-aalalang nakatingin sa'kin and i immediately nodded as a response.
she smiled at me timidly then, ibinalik niya na 'yung tingin niya sa harapan namin at gano'n din ako.
natapos agad ang oras sa'min ni sir Filia. i-diniscuss niya lang sa'min 'yong last lesson namin kay ma'am Julio at may quiz daw kami sa monday. hanggang sa sunod-sunod na ang pagpunta ng mga subject teachers sa'min.
naalala ko pa kanina, palabas na no'n si sir Filia sa room namin nang matapos ko nang ayusin ang gamit ko noon.
napatingin ako sa kaniya at nakita ko siyang tinitigan ako ng mga ilang segundo na kataka-takang hindi nahahalata ng mga classmates ko.
kinindatan niya lang ako sabay ngisi bago siya tuluyang lumabas ng classroom.
kinilabutan talaga ako nang todo sa ginawa niya kaya napatulala na lang ako sa gilid.
okay, what was that for?
♡♡♡
your votes and comments are highly appreciated. ;)
don't forget to follow me too~
sooo thank you for reading,
and stay tune for the next chapter! =>

BINABASA MO ANG
𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨 💯
Romansa"bakit kung kailang gusto na kitang kalimutan, ay saka mo pa ako babalikan?" -Lianna Ysabelle Watson. © 2018 by whyjam.