Ricci's
hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
kanina ay pa-sikreto kaming dumiretso sa bahay ng auntie at uncle ko na may bar business na pinayagan naman kami agad.
magkatabi lang 'yung mansion nila at 'yung bar kaya madali silang nakakapag-negosyo.
magkasama din kaming dalawa ni Nikka dahil kami ang partner sa project doon sa history class namin.
si Warren 'yung isa pang kasama sa group namin. hindi siya kasama sa'min dahil may nai-ambag na siya sa'ming mga materials.
kinuwento lahat ni Lianna sa amin ang nangyari sa kaniya at kung anong meron sa kanila ni sir Filia dati. na ex-boyfriend niya pala.
nai-kuwento rin nilang dalawa sa'kin ni Nikka 'yung tangkang pag-kidnap daw dapat kay Lianna nu'ng friday, mabuti na lang at dumating si Nikka.
at ang masaklap pa... wala na daw ang birhen niya five years ago pa. dahil nagalaw na siya no'n ni sir ng unang beses.
sikreto lang naming tatlo 'yun dahil masyadong private na 'yon.
no'ng tinanggal niya 'yung cap at mask niya, napasinghap kaming pareho ni Nikka sa nangyari sa mukha niya.
puro sugat at may mga pasa pa. 'yung iba ay may mga natuyo at nagdu-dugo pang sugat.
Diyos ko! anong nangyari sa maganda niyang mukha?
"oh my! bakit naging ganyan ang mukha mo?! sinong gumawa--- ugh!" biglang nag-hysterical sa galit si Nikka nang ma-realize kung sino ang bumugbog sa kaniya.
'yung ex niya syempre--- si sir Filia.
wait nga lang, ba't ba siya ang galit na galit diyan?
napayuko naman si Lianna. "g-ginalaw niya ako k-kahapon..." nanginginig niyang sabi sabay hagulgol.
"at m-mukhang may tsansang m-ma... m-mabuntis ako..." giit niya pa habang umiiyak.
nanlaki ang mga mata namin ni Nikka sa sinabi niya.
ipinatawag ko 'yung isang kasambahay nila auntie at pinakuha ko ang medicine kit nila.
pagka-bigay niya sa'min noon ay ginamot namin agad 'yung mga sugat at pasa ni Lianna.
'yung braso at wrist niya ay puro pasa at maliliit na hiwang sugat.
may nakita pa nga kaming malalaking hickeys sa leeg niya. parang naging scarf niya na 'yon dahil buong leeg niya ay sobrang pula at may mga namuo pang dugo doon na kulay ube na.
grabe ang mga nangyari sa kaniya... may sira yata sa utak 'yon si sir. Diyos ko.
sabay-sabay na rin kaming tatlong kumain ng tanghalian dito sa mansion nina auntie at hindi daw muna uuwi si Lianna, baka kasi hinahanap na siya no'n ni sir ngayon.
pumayag naman sila uncle at magi-stay muna siya rito ng mga ilang weeks.
si Nikka ay sumama muna sa'ming dalawa ni Lianna.
"tara, punta tayong bar niyo, Ricci. inom tayo!" suggest ni Nikka.
tumango rin si Lianna bilang sang-ayon kaya pumayag na rin ako.
siguro pampa-tanggal stress na rin.
Lianna's
dumiretso kaming tatlo sa kalapit na bar ng mansion ng auntie at uncle ni Ricci.
kahit mga ala-una pa lang ng hapon, ang dami na agad na mga tao ditong nagkaka-siyahan.
pumwesto naman kami sa may counter at um-order ng maiinom. nasa gitna si Nikka habang kaming dalawa ni Ricci ay sa magkabilang gilid niya.
nang makita kami ng bartender at napatingin kay Ricci, binati niya ito na tinanguan naman ng huli.
"ano sa inyo?" tanong ni Ricci sa'min.
"isang martini sa'kin." ani Nikka.
"mine's vodka," tugon ko.
"copy," inalis ni Ricci ang tingin sa'min at lumingon siya sa bartender. "you heard them. sa'kin naman ay orange juice lang."
dali-daling tumango ang bartender at inihanda niya agad 'yung order namin.
naghintay pa kami ng konti at ako naman ay inilibot ang paningin sa paligid.
kahit madilim dito ay nakikita pa rin namin 'yung ibang tao na nagsasayaw sa dance floor dahil sa disco ball with matching loud music pa syempre.
'yung iba naman ay umiinom lang sa sulok, sa gilid, o sa gitna. meron din sa 2nd floor nitong bar na nag-iinuman at nagku-kwentuhan o nagta-tawanan.
ilang saglit pa ay ibinigay sa'min 'yung kani-kaniyang order kaya sabay kaming tatlong uminom.
tinanggal ko muna pansamantala 'yung mask ko at hindi ko na rin sinuot 'yung cap kasi mainit.
napapikit pa ako ng malasahan ko ang pamilyar na likidong dumaloy sa lalamunan ko. matagal-tagal na rin simula nang uminom ako ng alak.
oo, kahit bata pa ako ay nagsu-sunog na ako ng baga.
biglang tumayo si Nikka sa stool na inuupuan niya kaya napatingin kaming dalawa ni Ricci sa kaniya.
"makiki-sasayaw lang ako du'n ha? babush!" paalam niya at sumabay na din siya sa agos ng mga tao roon.
"Lianna, magsi-C.R muna ako ha? ang sakit na talaga ng tiyan ko eh! okay ka lang ba dito?" tanong ni Ricci habang nakahawak sa tiyan niya.
tumango ako kaya tumakbo siya papuntang C.R.
maya-maya pa'y naramdam kong may tumabing matangkad na lalaki sa'kin at may in-order.
lumagok ako ulit sa baso ko at wala sa sariling napalingon sa katabi ko.
pinagmasdan ko siya at napakunot ako ng noo dahil humihikbi siya.
pero halos manginig ako sa takot nang makilala ko kung sino ito kahit medyo madilim...
dahil siguro naramdaman niyang may nakatitig sa kaniya kaya napalingon din siya sa'kin sabay punas sa pisngi niya.
nanlaki ang mga mata niya nang makita rin ako...
...s-si Dale!
♡♡♡
your votes and comments are highly appreciated. ;)
don't forget to follow me too~
sooo thank you for reading,
and stay tune for the next chapter! =>
BINABASA MO ANG
𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨 💯
Roman d'amour"bakit kung kailang gusto na kitang kalimutan, ay saka mo pa ako babalikan?" -Lianna Ysabelle Watson. © 2018 by whyjam.