Lianna's
"LIANNA!"
napangiti ako agad at alam kong naramdaman 'yon ni sir dahil sa hawak niya ang bibig ko.
hulog talaga ng langit si Nikka dahil dumating siya.
naramdaman kong na-stiff si sir sa kinatatayuan niya habang unti-unti niyang tinatanggal ang mga kamay niya sa pagkaka-yakap sa'kin at pagkaka-takip niya sa bibig ko.
humarap naman siya sa direksyon ni Nikka at napatalikod kaya kinuha ko na ang chance na 'yon para kumawala.
dali-dali akong humiwalay sa kaniya dahil akala ko ay ligtas na ako, pero pasimple niyang nahawakan ang kamay ko nang hindi nahahalata ni Nikka.
sinusubukan kong kumawala kaso sobrang higpit talaga ng hawak niya sa'kin to the point na sumasakit na 'yung wrist ko.
"miss? bakit nandito ka pa? hindi ba't uwian na?" tanong bigla ni sir Filia kay Nikka.
sumilip ako mula sa likod ni sir kaya nakita ako ni Nikka sa likod nito ni sir. binigyan ko siya kaagad ng 'nikka-tulungan-mo-akong-makatakas-kay-sir-look', at mukhang naintindihan niya naman ako.
ibinaling ni Nikka ang tingin niya kay sir at tinignan ito ng matalim. "cleaners po kasi kami kaya ngayon pa lang po ako uuwi."
"oh, really? kaya pala. nakasalubong ko din kasi itong si miss Watson kaya kinausap ko na siya since mababa siya sa subject ni ma'am Julio." sabi naman sa kaniya ni sir sabay pakita sa'kin mula sa likuran niya.
mukhang nahalata niya ang palitan namin ng tingin ni Nikka kanina kaya pinakita niya na ako.
kumunot naman ang noo ni Nikka sa sinabi ni sir. alam niya kasing honor student ako ni ma'am kaya mas lalo pa siyang nagtaka sa sinabi nito.
magsasalita pa sana si Nikka pero naunahan na siya ni sir. "sige at mauna ka na. ingat sa pag-uwi, hija." sarkastikong sambit niya kay Nikka.
pero hindi natinag si Nikka sa sinabi nito. "eh sir, kasabay ko po kasi itong si Lianna umuwi." lumapit siya sa'min at hinila ako kaso hinawakan pa rin ako ni sir sa braso.
"hindi ba nauna siya sa'yong maglakad at nahuli ka? so paanong sabay kayo no'n?" pangha-hamon pa sa kaniya ni sir Filia sabay ngisi.
shit! kinikilabutan na ako dito kay sir!
hindi naka-kibo si Nikka kaya mas lalo pang lumawak ang ngisi niya sa'min. mukha ngang nainis siya sa sinabi nito ni sir eh.
dahil gustong-gusto ko ng tumakas ay nag-isip na ako ng sasabihin dahil mas lalo pa akong kinakabahan habang lumilipas ang oras.
"sir, s-sabay po talaga kami ni Nikka umuwi! d-doon po kasi ang hintayan namin sa waiting shed dahil s-siya pa po ang naglock ng pinto at nag-patay ng kuryente. k-kaya sinabi niya na lang po sa'kin na hintayin ko na daw po siya sa s-shed." paliwanag ko naman.
natameme kaagad siya kaya bago pa siya maka-angal ay hinila na ako ng tuluyan ni Nikka sa tabi niya dahilan upang mabitawan na ako ni sir.
halatang nacaught-off guard siya sa ginawa ni Nikka pero 'di na siya ulit gumalaw.
"paano ba 'yan, sir. aalis na po kami. ingat ho sa pag-uwi!" sarkastiko namang banat ni Nikka sa kaniya at halatang inaasar si sir.
nag-tagumpay nga siya dahil sinamaan siya ng tingin ni sir pero inirapan niya lang ito ng palihim sabay ngisi.
biglang tumakbo ng sobrang bilis si Nikka habang hila ako kaya pati rin ako ay napatakbo pero 'di ako umangal sa ginawa niya.
nakalabas kami ng school kaya parehas kaming nakahinga ng maluwang habang hinihingal kami sa pagtakbo.
nang mahimasmasan kaming pareho ay biglang napatingin si Nikka sa kamay niyang nakahawak sa'kin kaya binitawan niya ito agad.
namula ang mukha niya pero hindi masyadong halata dahil medyo madilim na saka lumingon siya sa kabilang direksyon para hindi ko iyon makita.
ngumiti ako sa kaniya ng malungkot. "N-nikka, salamat nga pala k-kanina ah? s-sorry dahil nadamay ka pa."
humarap naman siya sa'kin pero inirapan niya lang ako at naglakad na siya palayo. ako naman ay sumakay ng jeep pauwi sa'min.
pagkapasok ko pa lang sa bahay ay sinalubong na ako ni yaya Linda.
"nako kang bata ka! bakit ang tagal mong umuwi?" aniya.
umiwas naman ako ng tingin sa kaniya. "cleaners po kasi kami. nga po pala, nasaan po sila mom at dad?"
"nako hija, hindi mo na sila naabutan kanina. umalis na ang mommy at daddy mo pabalik ng Canada. kailangan na daw ulit nila magtrabaho doon." aniya.
malungkot akong tumango bago umakyat sa taas ng kwarto ko.
nagpalit ako kaagad ng damit saka ako bumaba ulit para kumain.
nang matapos, umakyat ako ulit sa kwarto ko para magpahinga.
pasalampak akong humiga sa kama ko. dahil na rin siguro sa pagod ay mabilis akong naka-tulog.
♡♡♡
your votes and comments are highly appreciated. ;)
don't forget to follow me too~
sooo thank you for reading,
and stay tune for the next chapter! =>

BINABASA MO ANG
𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨 💯
Romance"bakit kung kailang gusto na kitang kalimutan, ay saka mo pa ako babalikan?" -Lianna Ysabelle Watson. © 2018 by whyjam.