Lianna's
kinabukasan, pumasok na si Dale sa school dahil kailangan niya pa ring magturo.
naghabilin ako sa kaniyang papuntahin dito sila Ricci at Nikka. gusto ko silang makita at makausap.
naiwan akong mag-isa rito sa mansion niya kasama 'yung mga katulong pati 'yung guards.
wala akong magawa rito sa bahay kaya nanood na lang ako ng netflix sa laptop ni Dale habang kumakain ng lunch.
naghintay ako nang ilang oras bago ako tumawag kay Dale via facetime.
sinagot niya naman agad at kita ko 'yung background niyang nasa loob siya ng faculty office. siya lang mag-isa roon.
“hey... ipatawag mo naman sila Ricci at Nikka, please? alam kong breaktime na ngayon.” sabi ko.
bumuntong-hininga muna siya bago tumango.
nagpasalamat naman ako at naghintay. narinig kong tumawag siya ng isa sa SSG member at kinausap tungkol sa request ko na papuntahin sila Nikka at Ricci.
pero syempre hindi niya sinabi na ako ang may utos. hahaha!
ibinaba ko muna 'yung phone sa kama nang hindi hina-hung up bago ako bumaba sa may kitchen para mag-merienda ng iced tea saka chips.
umakyat ako ulit para tignan 'yung phone ko.
bumungad sa'kin agad 'yung mukha ni Dale na halatang hinihintay akong bumalik sa screen.
"baby, nasa meeting pa daw 'yung dalawa para sa darating na annual party ng school. pero promise, isasama ko sila mamaya diyan para makausap mo na sila. okay?" sumimangot ako sa sinabi niya.
"sige na nga..." nanghihinayang kong sabi kaya nagbuntong-hininga siya ulit.
"baby naman... 'wag ka nang magtampo. half day lang naman ngayon ang pasok eh. puro meetings kasi ng bawat clubs rito sa school, stress nga ako ngayon dahil alam mo namang may advisory class ako, right? pina-handle ko na lang sila sa class president." aniya nang may paglambing sa boses. sumimangot ako lalo.
"share mo lang?" binara ko siya pero pinigilan kong matawa. nagstraight face ako.
lumukot ang mukha niya sa sinabi ko.
"hayyy nako, ang kulit mo darling. sige, mamaya na lang. i love you~~"
"i hate you too, bye." i said then i hanged up.
napatingin ako sa kawalan saglit bago humalakhak nang pagkalakas-lakas.
HAHAHAHAHA! LAUGHTRIP!
nagselfie-selfie na lang ako habang kumakain.
pinag-isipan ko pa nga kung magba-vlog ako or hindi. kaso tinatamad ako kaya 'wag na lang. hmmmp.
lumipas ang oras na sobrang bagot na bagot nang biglang may bumusina sa labas nang mansion.
mabilis akong napatayo sa sofa bago sinilip 'yung bintana.
nakita kong unang lumabas ng kotse si Dale mula sa driver seat habang sabay na lumabas sa passenger seat sina Ricci at Nikka na nagmamasid-masid sa paligid.
napatalon ako sa tuwa at excited na lumabas sa malaking pinto. kapwa napalingon ang dalawang babae sa'kin at natuwa rin nang makita ako.
"LIANNA!"
inabangan ko sila bago sila pinagbuksan ng dalawang guard ng gate.
si Dale ay ipinark 'yung kotse niya sa malaki nilang garahe. sinunggaban nila ako ng yakap nang makita ako.
"Lianna! mabuti naman at ayos ka lang! nag-alala kami nang todo sa'yo no'ng nawala ka sa bar!"
natawa ako at pinapasok sila sa loob.
dumiretso kami sa salas habang nagku-kwentuhan. cease fire na kami ngayon ni Nikka at masayang nagtatawanan na.
pero nagtataka pa rin talaga ako kung bakit niya ako sinusungitan gayong wala naman akong ginagawa sa kaniya noon.
umupo kaming tatlo sa malaking sofa at binigyan sila ng kinakain ko. nahihiya naman nilang tinanggap 'yon.
kahit saglit lang kaming nagkasama-sama, parang may bond na nagdikit saming tatlo na para bang matagal nang magka-kaibigan.
maya-maya ay pumasok si Dale sa mismong malaking pintuan at harap-harapan akong ginawaran ng halik sa noo. pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ko at nagpatawag ng mga yaya para ihatid 'yung merienda sabay paalam na aakyat para magbihis.
siniko naman nila akong dalawa at tinignan nang nagdududa. humagikgik ako bago ko ikinuwento sa kanila 'yung buong pangyayari.
"wow," sabay nilang bigkas at natawa na lang ako ulit sa kanila.
ramdam ko ang saya nila para sa'kin.
"masaya ako para sa'yo, little sis—" she froze on her spot upon realizing what she just said.
ngumiti siya nang alanganin sa'min.
"m-may hindi ba kayo sinasabi sa'kin?" tanong ko sa kaniya. nanatiling naging tahimik si Ricci sa tabi ko at narinig ko ang mga yabag ni Dale sa likod ko papalapit sa'min.
nakatingin lang ako kay Nikka nang hindi pinapansin ang presensya ni Dale.
kinabahan ako bigla. para akong binuhusan ng malamig na tubig sa 'di malamang dahilan.
"hey, mukhang seryoso ang usapan niyo diyan ah— oops! sabi ko nga eh. sige, doon muna ako sa kusina." paalam ni Dale at nawala na sa paningin namin.
"a-ano kasi... uhm, wala 'yon! i treat you na kasi as my l-little sister—"
"N-Nikks, i thought this is the right time to confess the t-truth." putol ni Ricci sa kaniya.
papalit-palit ang tingin ko sa dalawa habang nakatingin ako sa kanila nang naguguluhan.
"g-guys? can someone explain to me what the hell is happening? w-what do you mean? what truth are you talking about?" i groaned.
sabay silang napatingin sa'kin.
i'm so doomed.
♡♡♡
your votes and comments are highly appreciated. ;)
don't forget to follow me too~
sooo thank you for reading,
and stay tune for the next chapter! =>
![](https://img.wattpad.com/cover/145926442-288-k690882.jpg)
BINABASA MO ANG
𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨 💯
Roman d'amour"bakit kung kailang gusto na kitang kalimutan, ay saka mo pa ako babalikan?" -Lianna Ysabelle Watson. © 2018 by whyjam.