Lianna's
tanghali na nang magising ako sa kinahihigaan ko dahil sa sumisiwang na liwanag na nanggagaling sa glass door ng terrace.
wala rin namang pasok kaya nakakatamad pang bumangon.
saka wala din dito si mommy para gisingin ako mag-breakfast at sasabihan akong mag-general cleaning ng kwarto ko.
ngayon, kumakain ako sa sala ng ice cream habang nanonood ng mga cartoon network.
hanggang dito, naiisip ko pa rin ang nangyari kagabi sa school. kung hindi dumating si Nikka--- baka kung ano na ang nangyari sa'kin sa kamay ni sir Filia.
tuluyan nang nawala ang attention ko sa pinapanood ko sa TV at mas lumalim pa ang iniisip ko sa mga nangyari kagabi.
saka nagtataka rin ako at natatakot at the same time sa mga posibleng consequence ng ginawa namin ni Nikka kay sir pati na rin 'yung naging action niya sa medyo pagdukot sa'kin. tsk! kinilabutan tuloy ako!
hmmm... hindi kaya---
---no, hindi 'yun maaari.
baka nagkataon lang na na-attract lang siya sa'kin... joke! o baka naman gusto niya akong---
SHIT NO WAY. NO!
feeling ko bumabalik na naman ang trauma na naramdaman ko five years ago.
akala ko ba tapos na ako doon? shit, bakit?!okay... erase!!!
napa-paranoid lang siguro ako. bwisit na teacher 'yon!
dahil sa kaniya, naalala ko na naman 'yung ginawa sa'kin no'ng... no'ng e-ex ko.
wait nga--- para ngang may
pagkaka-hawig silang dalawa ni sir at nu'ng ex ko.tss! tama na nga! ayoko na!
so, baka kailangan ko na ng maka-kasamang kaibigan simula sa lunes hanggang matapos ang school year.
baka pag-initan na kami no'n ni sir Filia simula sa monday.
nakaramdam ako ng pagka-bored dahil wala naman na akong ginagawa.
at alam ko na ang magandang gawin... mag-SHOPPING!
ala una pa lang naman ng hapon kaya naligo na ako at nagbihis para mag-shopping mag-isa.
si yaya Linda kasi ay nasa kabilang bahay para mag-asikaso sa bahay nila. gabi-gabi ay nandoon siya sa bahay nila. pero tuwing weekends, nandoon siya buong magdamag.
kapag kailangan lang namin ng tulong sa gawaing bahay ay pupunta na lang siya sa'min.
ibig sabihin, pinatira na namin sila doon sa katabing bahay sa'min para malapit lang sila dito at hindi na mahirapan pang bumyahe si yaya Linda pauwi sa kanila.
sabi niya ay babayaran na lang nila kami sa mga tulong na ginawa namin sa kanila kapag may pera na pero tumanggi kami rito.
sinuklay at pinatuyo ko ang buhok ko bago naglagay ng light makeup sa mukha. kumuha ako ng sling bag sa dresser ko saka ko doon nilagay ang wallet ko, cellphone, earphones, pouch para sa pang-retouch sa makeup, saka ng panyo.
dahil ready na ako, pinatay ko 'yung kuryente sa bahay at ini-lock ng mabuti 'yung backdoor, windows, ang main door, at 'yung gate.
sumakay ako ng bus na didiretso sa mall na pupuntahan ko. dahil malapit lang naman, nakarating ako doon agad.
pagkapasok ko sa loob, dumiretso ako sa mga department store na nakikita ko.
syempre 'yung abot-kaya lang na presyo 'yong mga binili kong bagong damit. baka pagalitan ako nila mommy at daddy niyan.
namili rin ako ng bagong sapatos at makeups. naalala kong paubos na 'yung mga tinta ng ballpen ko saka 'yung mga booklet pads ko kaya dumaan ako sa isang bookstore para bumili.
medyo napagod ako sa paglalakad kaya sumaglit ako sa isang fast food chain para kumain muna.
naglaro rin ako sa arcade para magpakawala ng inip. nagsawa ako agad kaya naisipan kong umuwi na.
habang naglalakad papuntang escalator, naramdam kong parang may nagmamasid sa'kin. napatigil ako agad sa paglalakad.
luminga-linga pa ako para malaman kung may nakatingin sa'kin kaso nagulat na lang ako nang may dalawang pares ng kamay ang humawak sa magkabilang balikat ko kaya napatalon pa ako sabay harap sa likod ko.
"bwisit ka, Warren! bakit mo ako ginulat? may topak ka ba?!" bulyaw ko sa kaniya.
humalakhak siya bago niya ako hinila sa gilid dahil nakaharang kami sa daanan. "ang priceless ng mukha mo! saka para kang tanga kanina do'n. mukha kang nawawalang paslit hahaha!"
hinampas ko naman siya at napagdesisyunan niyang ihatid na daw ako since nabanggit ko sa kaniya na pauwi na din ako.
"nako, 'wag na. salamat na lang!" ani ko.
"hindi! ihahatid na kita sa in---" naputol ang sasabihin niya no'ng biglang tumunog ang hawak niyang phone. may tumatawag yata kaya sinagot niya ito.
"oh pre, napatawag ka?... ha? nasa mall ako ngayon may ihaha--- ano?! weh, 'di nga?... putcha sige papunta na ako diyan... oo na, bye!" pagkatapos maputol ng linya ay napatingin siya sa'kin sabay kamot sa ulo niya.
ipinaalam niya sa'kin ang nangyari kaya pinauna ko na siya.
habang naghihintay ako ng masasakyan, may naramdaman akong presensya sa likod ko.
pero bago pa ako makaharap ay may biglang nagtakip ng panyo sa ilong at bibig ko.
nakaramdam ako ng hilo sa amoy kaya tuluyan na akong nawalan ng malay.
♡♡♡
your votes and comments are highly appreciated. ;)
don't forget to follow me too~
sooo thank you for reading,
and stay tune for the next chapter! =>
BINABASA MO ANG
𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨 💯
Romance"bakit kung kailang gusto na kitang kalimutan, ay saka mo pa ako babalikan?" -Lianna Ysabelle Watson. © 2018 by whyjam.