Lianna's
hindi ako makapaniwala!
paano siya napunta dito? bakit siya nandito? ano ring ginagawa niya rito sa bar? bullshit naman!
napakurap na lang ako sa kawalan nang makita ko ang kulay putik niyang mga mata na mariin at masamang nakatitig sa'kin. halo-halong emosyon ang makikita sa mga mata niya.
"there you are, sweetheart."
kinilabutan talaga ako ng bongga nang sabihin niya 'yon.
hindi ako umimik. natatakot ako na bumalik sa kaniya. feeling ko mahihimatay na ako.
pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa.
napangisi na lang siya dahil damit niya ang suot ko.
"you look so cute yet so hot in my clothes, baby." inirapan ko siya.
pasimple namang hinanap ng mata ko ang mga kasama ko.
nakita ko si Nikka na nandoon sa dulo na sumasayaw sa may harap ng dance floor malapit sa stage at natatabunan na talaga siya ng mga taong gano'n rin ang ginagawa, kung hindi ko pa makikita 'yung headband niyang umiilaw-ilaw pa.
samantalang si Ricci ay nakikipag-usap doon sa grupo ng mga babaeng mukhang kakilala niya. at ang layo-layo niya pa sa pwesto ko! pareho sila ni Nikka!
dahil no choice ako, kailangan ko ng tumakbo sa exit.
wala na akong pake kung maiwan ko na 'yung mga kasama ko, basta makatakas lang sa lalaking 'to na kanina pa nakatitig sa mga braso kong pinuno niya ng pasa na may gamot na.
siya naman ang may kasalanan niyan!
hahawakan niya na sana ako pero bigla akong tumakbo nang pagkabilis-bilis.
wala ng lingon-lingon pa!
feeling ko nga lumilipad na ako sa sobrang bilis ng pagtakbo ko, ni hindi ko na rin iniinda 'yung mga nababangga o naaapakan ko.
dumiretso ako sa likod ng mall na may bakanteng lote.
tumakbo pa ako ng tumakbo hanggang sa puro puno na lang ang nakikita ko sa paligid.
unti-unting bumagal ang takbo ko sabay lingon sa likuran ko kung may nakasunod pa rin sa'kin pero wala.
tumigil na ako sa pagtakbo at buong atensyon kong itinuon ang pinanggalingan ko kanina.
akala ko ay wala na talagang nakasunod sa'kin, pero parang tinakasan na ako ng bait dahil biglang may lumitaw na ulo ng lalaking tinataguan ko na 15 meters ang layo sa'kin.
huminto rin siya sa pagtakbo nang makita akong nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya.
ngumisi siya ulit.
"YOU CAN RUN, BUT YOU CAN'T FUCKING HIDE! NOT BY ME, BECAUSE YOU'RE MINE!" sigaw ni Dale ng malakas para marinig ko tapos bigla siyang humalakhak na parang baliw.
"NO! HINDING-HINDI MO AKO MAKUKUHA AT MAA-ANGKING SA'YO! NOT BY YOU!" sigaw ko pabalik kaya nabura ang ngiting naka-paskil sa mukha niya.
hindi na ako nagsayang pa ng oras at tumakbo na ako ulit.
parang lahat ng sakit sa katawan ko ay bumalik dahil kanina pa ako tumatakbo.
BULLSHIT! NOT NOW!
unti-unti akong nakakakita ng isang malaking bahay na gawa sa salamin or should i say, isang green house?
tinungo ko 'yon papasok sa loob at naghanap ng matataguan.
nanginginig na ako sa sobrang panic dahil walang pwedeng mataguan dito.
plus, i can't think straight because of my adrenaline.
shit, shit!
Lianna, think!
unless...
tatakbo na sana ako at magtatago sa naisip kong plano pero biglang sumulpot sa labas si Dale na halata namang nakita na ako at dito talaga ang direksyon ng takbo niya.
dahil gawa ito malamang sa glass ay makikita niya talaga ako.
na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. ano ba 'yan!
naging mabilis ang mga pangyayari at nasa harapan ko na siya mismo.
"p-papaanong... paano ka nakapasok dito?! 'di mo ako makukuha! 'wag na 'wag mo akong lalapitan!" histerikal kong bulyaw sa kaniya sabay atras.
umabante naman siya palapit sa'kin habang seryoso siyang nakatitig sa mukha kong takot na takot dahil sa kaniya.
"why not? sana naisip mo 'yan bago mo sabihing hinding-hindi kita makukuha at maa-angking sa'kin. ngayon pa nga lang 'di mo na ako matakasan eh."
"h-hindi mo ba n-naiintindihan na ayoko na sa'yo?! s-sana hindi ka na bumalik!"
"are you done blabbing? talk to my hand instead." ABA?!
sinamaan ko siya ng tingin kaso bigla niyang hinagip ang dalawang kamay ko gamit lang ang isang kamay sabay lagay nito sa likod ko.
sinubukan kong kumawala, kaya lang nakalimutan kong mas malakas pala siya sa'kin.
may inilabas siyang panyo sa bulsa niya at itinakip sa ilong ko.
huli na para manlaban pa dahil bigla akong nakaramdam ng hilo sa sistema ko at nawalan ng malay.
♡♡♡
your votes and comments are highly appreciated. ;)
don't forget to follow me too~
sooo thank you for reading,
and stay tune for the next chapter! =>
(sorry for the long wait, guys! follow naman diyan para proceed na sa next chapter! mwah~)

BINABASA MO ANG
𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨 💯
Romance"bakit kung kailang gusto na kitang kalimutan, ay saka mo pa ako babalikan?" -Lianna Ysabelle Watson. © 2018 by whyjam.