chaos 3 - called out

17.6K 258 3
                                    

Lianna's

natapos ang recess time at next na ang psychology subject namin.

dito sa subject ni ma'am Chen, iba na ang seating arrangement. sa kaniya lang kami nagli-lipatan ng upuan.

unfortunately, ang upuan ko ay nasa bandang gitna kaya medyo nakaka-conscious sa sarili.

mabuti na lang at hindi nalalayo ang upuan naming dalawa ni Ricci. nasa unahan ko siya kaya nakahinga ako ng maluwang.

dalawang makukulit at mada-daldal na lalaki ang pinapagitnaan ako kaya sobrang sakit sa ulo.

kapag tititigan ko silang dalawa, bigla na lang silang mananahimik. hahaha!

si Warren ang nasa kaliwa ko at si Kiel naman sa kanan. minsan ang sarap nilang bigwasan kapag may time na para silang nakawala sa mental hospital sa sobrang ingay.

tahimik kaming nakikinig kay ma'am Chen sa topic namin sa kaniya at maya-maya rin ay nagpa-quiz siya agad.

mabuti na lang kahit mai-ingay 'tong dalawang katabi ko, matalino naman sila at may ibubuga.

natapos ang time namin, kaya nagsi-balik kami ulit sa mga dati naming upuan kanina.

habang hinihintay namin ang next subject, inilabas ko muna 'yung baon kong tubig at kanin na hindi ko nakain nu'ng recess dahil kasalukuyang 1 hour lang 'yung break time namin ngayong araw.

pero ang totoong break time namin ay hanggang 2 hours tuwing 12:30 noon to 2:30 pm.

nag-review lang kasi ako ng nag-review sa math at english subject sa library kanina dahil malapit-lapit na rin 'yung test namin doon sa dalawang nabanggit kong subject.

pwede namang kumain dito sa loob ng classroom kahit may teacher man o wala, basta makikinig ka lang o 'wag kang magka-kalat ng mga pinagkainan mo.

sinimulan ko ng kainin 'yung bacon saka ko sunod-sunod na sinubo 'yung kanin. nilunok ko muna lahat bago uminom ng tubig para 'di ako mabulunan.

mabilis kong tinapos ang pagkain ko nang walang kalat at sakto namang dumating 'yung teacher namin kaya tumayo kaming lahat at binati namin siya pagpasok niya sa classroom.

hanggang sa mabilis nang lumipas ang oras at hindi ko namamalayang uwian na pala namin.

dahil maraming pinauwing handouts sa'min 'yung last period teacher namin para i-review daw, kailangan ko pa itong ayusin pati na 'yung mga ginamit kong libro at mga notes.

nagsi-alisan na 'yung mga kaklase ko kaya pagkatapos kong magligpit ng gamit ay hinablot ko na agad 'yung walis.

medyo nahuli ako sa pag-aayos ng gamit ko, eh kasama pa naman ako sa mga maglilinis dito ng classroom. kaya baka gabihin na rin ako.

tatlo-tatlo lang ang mga naka-assign na maglilinis. ngayon ay mga girls ang cleaners.

kapag daw kasi maramihan 'yung naglinis, hindi na tumutulong ang iba.

dahil friday ngayon at random pa ang mga piniling pangalan, kasama ko si Nikka at si Claire Sy.

"Lianna, ako na ang magwa-walis diyan. ikaw na lang ang magbura dito sa blackboard para mabilis." sabi ni Claire sabay lapit sa'kin kaya binigay ko na sa kaniya 'yung walis tambo na hawak ko.

binigay niya rin naman sa'kin 'yung basahan na hawak niya at nagpalit kami ng pwesto.

si Nikka naman ay nagwa-walis din at paminsan-minsang nag-aayos ng mga upuan.

nang matapos akong magpunas ng blackboard, tumulong na rin ako sa pag-aayos ng mga upuan kaya mas lalo pang napadali ang paglinis namin.

natapos kami agad kaya kinuha ko na 'yung backpack ko. isinuot ko na 'to sa likod ko sabay labas ng classroom.

sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan at tinaasan ng balahibo. hindi ko naman alam kung bakit.

si Nikka 'yung magpa-patay ng ilaw saka magla-lock ng pinto habang si Claire ay nauna na sa'min umuwi.

nagsimula na rin akong maglakad sa hallway kahit ako lang mag-isa at baka mas lalo pa akong gabihin sa pag-uwi.

madilim na rin kasi kaya medyo nakakatakot.

napalunok na lang ako ng laway ko habang mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko.

naramdaman ko ring may nagmamasid sa'kin sa paligid pero 'di ko na lang ito pinapansin.

hanggang sa pagbaba ko ng hagdan ay nagulat ako nu'ng biglang may humablot sa'kin at tinakpan ang bibig ko.

automatic na nanlaki ang mga mata ko at nagpu-pumiglas sa taong mahigpit na nakayakap sa'kin mula sa likod ko habang hinihila ako sa hindi ko alam kung saang lugar.

"hmm... hmm! asdfghjkl!" sinusubukan kong magsalita but to no avail.

"subukan mong kumawala, malilintikan ka sa'kin." tumaas ang balahibo ko sa buong katawan nang makilala ko ang boses ng nagsalita sa likod ng tainga ko...

si sir Filia...

alam kong nakikita niya ang reaksyon ko kahit hindi ko siya makita kaya humagikgik siya.

mas lalo pa akong kinabahan at natakot sa kaniya.

"that's right darling, matakot ka sa'kin. hahaha!" bulong niya sabay evil laugh.

pero mas nagulat ako dahil may biglang sumigaw sa likuran namin.

"LIANNA!"

'di ko alam pero napangiti ako...

...dahil dumating siya.

𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon