Soeul: OI BAKIT KA PINAGPAPAWISAN DIYAN HAH? NAKA-AIRCON NAMAN ANG BAHAY NAMIN AHKairo: Wala. Ang hina ng aircon niyo tss
Kairo: at saka wag ka nga mag-chat sa akin magkatabi lang tayo oh!
Soeul: aba ba't kita kakausapin eh ikaw tong may pakay sa akin
Soeul: just spill it Kairo
××
I sensed him looking at me kaya nilingon ko siya at tiningnan ng matalim. Napakunot naman ang noo niya.
××
Soeul: uy ano na?
Kairo: maghintay ka kasi tangina
Soeul: bakit mo ba ako minumura?! 😢
Kairo: hindi kaya kita minumura 😟
Kairo: ang alam ko lang kasi ay ng mahalin ka 😉
Seen 10:34 AM
××
I sat there beside him, frozen. Frozen but my cheeks... i think they're ready to boil something.
"Pft."
Agad akong napatingin sa kanya.
"Anong nakakatawa hah?!" Tiningnan niya ako at umiling.
"You're too cute." I think he said that unaware. He realized what he said then froze. Like me. Pero siya ang unang natauhan. I just found myself being dragged by him out of the house.
"Oi, paa! Saan mo ako dadalhin hah?!" Tanong ko pero hindi niya man lang ako tiningnan para sagutin. Binuksan niya ang pinto sa passenger seat ng kotseng dala niya.
"Get in." Sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.
"Ayoko." At doon siya napatingin.
"Sakay na kasi!" Inis na sabi niya.
"Bakit ba kasi ako sasakay diyan?!" Inis na tanong ko din sa kanya.
Napasabunot siya sa buhok niya saka ginulo iyon. I found it hot. Tungunu, paano?! Nagulat ako nang hawakan niya ang mga balikat ko at tiningnan ako diretso sa mata.
"I'll.. i'll explain it to you. I promise. Just promise me you will accept my offer and.. trust me, okay?"
His eyes are so deep. Parang gusto kong dekwatin. But I just found myself again, nodding and getting inside the car.Nagseatbelt na ako at sakto naman na pumasok siya sa driver's seat. Nagseatbelt na din siya at ini-start na ang engine.
"Explain. Now."
"Okay.. whoo!" Nag-exhale siya ng sobrang oa. Pa'no kasi para siyang kinakabahan na parang natatae o ano. Pero ang masasabi ko lang.. Mukha siyang tanga. "Blue told my cousin that I have a girlfriend," palagi naman ah. "Tapos sabi ng cousin ko nalaman yun ng lola ko tapos pinapapunta ako ngayon don para daw ma-meet siya. Kasi pupunta din daw doon yung parents namin ni Kaile."
Napataas naman ang kilay ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. "So.. anong point nun? Bakit mo sinasabi sa akin to ngayon?"
Tumingin siya sa akin with his apologetic eyes. Nangunot naman ang noo ko dahil don. Anong problema nito?
"Soeul, can you be my fake girlfriend? Just this day, please?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil doon.
"Ano?!"
"Trust me, please! Ngayong araw lang then papalabasin ko na lang na nagkaroon tayo ng misunderstanding then nag-break tayo. Easy as that." Nakatingin lang ako sa mga nangungusap niyang mga mata. Fake... fake lang naman pala eh hahahaha! Patawa siya bakit ako pa?
"Bakit ako?"
"Blue told Xyro that you're my girlfriend." Inis na sabi niya. Probably, sobrang nainis siya kay Blue dahil doon at ako rin. Kaya lagot siya sa akin sa Lunes.
"Sige na. Tutal nandito na din ako."
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa sinabi ko. "Pero!" Dinuro ko siya. "Wag na wag kang mananantsing sa akin! Nakoo! Sinasabi ko sayo.. malalagot ka sa akin!"
Ngumisi siya. "Asa ka naman na mananantsing ako sayo."
ABA! Inirapan ko na nga lang. Baka humaba pa lalo yung baba ni Hoseok-este, baka humaba pa yung bangayan, tinatamad ako. Napatingin ako sa kanya. He's smirking. Parang buang lang. Tsk. Kaya pala bihis na bihis tong bugok na to. Naka-white polo lang kasi siya tapos jeans and sneakers. Napatingin naman ako sa sarili ko. Nangunot naman ang noo ko. Pa'no naka oversized t-shirt lang ako tapos shorts.
"O-oi! Kairo, teka lang. Balik tayo sa bahay." Sabi ko habang pinapalo palo yung balikat niya.
"Aray! Bakit ba?!"
"Magpapalit ako ng damit, gagi! Basta basta ka na lang nanghuhugot dyan eh! Ni hindi pa ako nakakabihis ng maayos!"
"Pft. Whahahahaha!"
"Walanghiya ka! Tinawanan mo pa ako eh! Mag-U turn ka na, bilis! Lexhe kasi!" Patuloy pa rin ako sa pagpalo sa kanya pero siya tawa lang ng tawa. Luh. Nabubuang na siya.
"Ayoko na mag-U turn noh! Babalik na naman. Sayang gasolina!"
"Ahh~ so gusto mong mapahiya ako sa magulang mo?! Kahit dumaan na lang tayo sa mall. Bili mo ako ng damit tutal kasalanan mo naman to!"
I saw him grinned kaya lalong napakunot ang noo ko.
"Mapahiya sa magulang ko? Hmm.. that'll do." Naka-ngisi niyang sabi sa sarili niya kaya napalo ko siya ng malakas pero wala naman siyang reaksyon.
"Hoy, tukmol! Para kang tanga 'lam mo?"
"Tanga sayo." Naka-ngisi niya pa ring sabi kaya pinalo-palo ko siya. Lexhe, ganito ba talaga ka-loose ng turnilyo niya sa utak?
"Fishti ka talaga! Ibaba mo na nga ako!" Sigaw ko sa kanya.
"So, here's the plan.." sabi niya na para bang hindi niya ako naririnig. "Act your worst side there."
I arched my brow. "Kairo.."
Para namang nagulat siya sa pagtawag ko sa pangalan ko pero binalewala ko lang iyon. "B-bakit?"
"Are you sure about this?"
"O-of course. Bakit naman hindi ako sure?" Natatawa niyang sabi.
Napangisi naman ako. "You owe me big time for this."
×♡×
BINABASA MO ANG
soeul (ᴊ'ᴡᴡ) ×
Short Story× 𝘪𝘵 𝘢𝘭𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘵𝘦𝘥 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘸𝘩𝘰 𝘸𝘢𝘪𝘵𝘦𝘥 𝘧𝘰𝘳 𝘩𝘦𝘳 𝘥𝘢𝘵𝘦 𝘵𝘰 𝘤𝘰𝘮𝘦 𝘣𝘶𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘯 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥 𝘶𝘱 𝘸𝘢𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘭 𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘭𝘢𝘺𝘨𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥 Epistolary #3 - Sequel