Kabanata 2: Lost Memories [Missing]
"Uy, Reign. Nakatulala ka na naman d'yan." napa-tingin ako kay Mikky na nasa may harapan ko, kasama niya yung iba pa. Ibinalik ko yung tingin ko dun sa kinatatayuan nung lalaki pero wala na siya. Kahit saan sa hallway, wala na siya.
Weird.
"Ano na, 'teh? Nakasalubong lang natin si Mr. Jacket, natulala ka na?" sabi ni Josh kaya huminga nalang ako ng malalim at inalis sa isip ko ang mga pares ng mga mata niya.
Baka namamalikmata lang ako.
Tumakbo ako palapit kanila Mikky at saka kami nagsimulang pumunta ng canteen at kumain ng lunch. Pinipilit kong mai-alis sa isip ko ang mga mata niyang 'yon pero, hindi talaga mawala.
Kahit hanggang nung kumakain na kami, maiingay sila pero nanahimik lang ako na kumakain. Para kasing nakita ko na yung mga matang 'yon... kaso hindi ko matandaan kung saan o kung nakita ko na nga ba talaga.
May parang problema kasi ako sa utak. Ewan, pero kulang-kulang kasi ang nasa memorya ko. Hindi ko alam kung makakalimutin ba yon o ano kasi meron talagang kulang sa memorya ko. Dissociative amnesia ata 'to. Yung kahit pilitin ko na lapatan ng mga impormasyong sinasabi sa akin ni Tatay tuwing nagtatanong ako, parang hindi pa din tama.
Parang may napakalaking puzzle at may mga kulang na puzzle pieces tapos inaabutan ako ni Tatay ng puzzle piece pero hindi naman yun nagkakasya.
3 years ago nagsimula ang sakit kong 'to o kung sakit ba talaga 'to. Kasi yung memorya ko lang kasama ang Nanay ko ang natatanging naiisipan ko na parang may mali at parang may kulang.
3 years ago kasi, 15 ako, sa pagkakatanda ko, namasyal kami ni Nanay sa isang beach sa Batangas. Kaming dalawa lang nun kasi may trabaho si Tatay. Tapos ang natatandaan ko nalang, nagising ako non na nasa ilalim ng puno at sakto na patakbo si Tatay papalapit sa akin.
Gumising ako ng wala akong naalala sa mga nangyari. Ni hindi ko alam kung paano ako napunta sa gubat at sa ilalim ng puno na 'yon. Basta ang naalala ko lang nun, kasama ko ang Nanay ko.
Tinanong ko kay Tatay kung nasaan si Nanay pero ang sabi niya patay na daw. Namatay daw kasi nalunod si Nanay sa dagat. Naiyak ako shempre. Pero parang hindi ako naniniwala na nalunod si Nanay. Hindi ko alam pero parang hindi kasi yon ang dahilan.
Sa tuwing inoopen-up ko kay Tatay ang topic na yon, umiiwas siya at sinasabi na ayaw na niyang maalala ang pagkamatay ni Nanay. Tumitigil nalang ako kasi alam ko naman na masakit pa din hanggang ngayon.
"REIGN!" napaigtad ako sa gulat at saka tumingin sa mga kasama ko na siyang sumigaw. Napa-hawak ako sa dibdib ko kasi lahat sila sinigaw ang pangalan ko. Baka nga lahat ng tao sa canteen, sa amin na nakatingin.
"Bakit ba kayo sumisigaw?" sabi ko habang humihinga ng malalim. Parang mga tanga! Kailangan talaga sumigaw?! Para akong aatakihin sa puso kahit wala naman akong sakit sa puso!
"Girl! Kanina ka pa namin tinatawag pero nakatulala ka ng bongga d'yan. Si Josh at Mikky na, nagsabay na tumawag sa'yo, wala pa din. Kaya finull force na namin." sabi ni Risa. Binaba ko naman yung kamay ko at saka huminga ng malalim.
"Sorry, may iniisip lang." sabi ko nalang sa kanila. Masyadong lumalim yung iniisip ko kaya hindi ko napansin na tinawag nila ako.
"Oo nga, 'teh. Halata namin. Ingat sa sobrang lalim ng pag-iisip, baka malunod ka." sabi ni Josh kaya natawa nalang ako ng mahina. Nagtuloy na kami sa pagkain at iniiwasan ko ng matulala.
"Nako, Reign. Iniisip mo siguro si Jake." sabi bigla ni Krane kaya napatingin ako sa kanya. Napakunot naman ang noo ko habang inaasar naman nila ako.
"Oo nga! Miss mo na siguro bebe mo!" sabi naman ni Hubert at saka pinagpatuloy nila ang pangaasar. Anong Jake ang sinasabi ng mga 'to?! Parang mga tanga talaga!
"Sows! Selos ka lang, Krane eh! Isa ka pa, Hubert!" sabi ni Mikky kaya nanlalaking mata naman akong tumingin sa kanya. Ano ba 'tong bunganga ni Mikky!
"Ay tro! Krane diba matagal ka ng may gusto kay Reign? Ang alam ko since Grade 7 pa eh. Mula nung nanalo siya as Muse ng klase nyo." sabi ni Josh habang may nakakalokong ngiti sa labi niya. Pinagsasabi nito?!
"Uy, Josh tumigil ka nga! Kung ano-ano lumalabas sa bibig mo!" sabi ko at saka tumingin kay Krane na nakayuko lang. Bakit hindi niya dinedeny?!
"Tas ito ding si Hubert! Simula nung maging kaklase niya si Reign nung Grade 9 tas nanalo si Reign na Prom Princess!" sabi naman ni Risa at nagtawanan sila. Nanlalaki yung mata ko sa mga nalalaman ko. Paano nila nalaman yung mga yon?!
Simula kasi Grade 7, magkakaklase na kami nila Risa, Josh, Anna, Mikky, Krane, Hubert, at Jake. Kaya hindi ko alam kung totoo ba o kung saan ba nahagilap nila Josh at Risa yung mga pinagsasabi nila ngayon.
Napatingin ako kay Hubert ng bigla siyang tumayo. "Hindi tayo bati, Risa." parang bata na sabi ni Hubert sabay labas ng canteen. Napatingin naman ako sa likod niya. Bakit nagwalkout yun?!
"Hindi din tayo bati, Josh. Hindi na kita bibigyan ng mga half-naked photos ko." sabi ni Krane sabay walk-out din. Parang mga tanga talaga!
"Guilty!" sigaw nila Risa at Mikky habang natawa. Natawa nalang din ako sabay iling-iling. Seryoso nga? May crush sakin yung dalawang heartthrob ng school?! Wtf! HAHAHA! Laking joke.
"Waaaaah!! Nagsisi ako!! Matitigil na sa 678 yung half naked photos ni Krane sa phone kooo!!" sabi ni Josh kaya binatukan naman siya ni Risa. Kadiri 'tong baklitang 'to! HAHAHAHA!
Hindi naman siguro totoo yung mga sinasabi nila Josh kanina. Paano magkakagusto sakin yung mga yon eh ang taray-taray ko nung Grade 7-9. Tas simula pa Grade 10, madalas akong tulala. Natigil lang nung last 2 months nung Grade 10 at bumalik na naman ngayon.
Kumain nalang ako ulit at hinayaan na magasaran sila Josh doon.
Kahit na anong gawin ko, hindi ko padin talaga maiwasang mapatulala at maalala na naman yung mga nangyari 3 years ago. Hindi naman ako babalik sa pagkatulala kung hindi ko lang nakita yung golden eyes ng lalaking hoodie na yon.
Speaking of which, saan kaya talaga siya nagpunta? Bigla nalang siyang naglaho kanina sa hallway.
Sumali ako sa kwentuhan nila Josh para na din maiwasan ang pagkatulala. Inaasar namin si Josh kasi nagsisisi talaga siya sa pang-aasar kanila Krane kanina. Hindi ko alam bakit nila sinasabi yon kasi ang alam ko, at ng buong school, nililigawan ni Krane ang muse namin ngayon na si Zhy.
Pero ewan ko ba. Baka nga hindi totoo yung sinasabi ni Josh kanina. Imposible naman kasi. Kung totoo ngang may gusto si Krane kay Zhy, lalong walang gusto si Krane sakin. Ang layo-layo ko kay Zhy, ang layo ko sa mga tipo ni Krane.
Habang nagtatawanan kami, napatingin ako sa labas ng canteen at nakita ko na saktong paliko si Mr. Jacket papunta sa gilid ng canteen. Kilala ko agad na siya yon kasi sya lang ang nakasuot ang hoodie at naka-yuko na naglalakad.
Pinagtitinginan na siya pero wala siyang pake. Na para bang hindi niya nakikita ang mga matang nakatingin sa kanya. Baka mamaya naka-pikit pala yan habang naglalakad.
Sa hindi malamang dahilan, bigla nalang akong tumayo at sinundan si Mr. Jacket na medyo malayo na sa akin. Ang haba kasi ng legs nya kaya ang lalaki ng hakbang. Musta naman sakin na 18 na pero 5'4 lang ang height.
Sinundan ko siya at hindi ko alam kung bakit. Narinig ko pang tinawag ako nila Risa pero hindi ako lumingon.
Anong ginagawa mo, Reign? ARGH, DIKO DIN ALAM. Hindi ko alam bakit ko siya sinusundan pero, isa lang ang naiisip kong maaring dahilan.
Dahil gusto kong malaman kung totoo ba yung nakita kong kulay ng mata niya.
BINABASA MO ANG
The Werewolf's Cure
WerewolfHighest Rankings: #1 in Cure #5 in Fear #25 in Werewolf #95 in LoveStory [COMPLETED] "Kahit ba imortal siya at mortal ako. Handa akong sumugal sa relasyon naming 'to." - Reign Flores Naniniwala ba kayo sa mga 'werewolf' o mga 'man-wolf'? Ako, dati...