Kabanata 8

1.7K 32 2
                                    

Kabanata 8: Off The Grid

Note: Salamat kay @AlienPrince26 para sa title ng chap at sa pagbibigay ng idea sa utak ko :D





Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo na akong naghahanap ng mga kasagutan. Nadisinfect na ang 4th floor kaya balik na ulit kami doon. Sa loob ng isang linggo, mas lalo lang nadadagdagan ang mga tanong sa utak ko.




Hindi ako nakapagsimula na kumuha ng impormasyon tungkol kay Mr. Jacket dahil tatlong araw na syang hindi pumapasok. Ang gagawin ko sana ay susundan ko siya at aalamin kung saan room siya papasok pero hindi ko magawa kasi nga 3 days na syang absent.




Hindi naman ako makapag-tanong sa mga advisers kasi hindi ko alam ang pangalan niya kaya hindi ko malaman kung anong section niya.



Isang linggo ng masakit ang ulo ko at nadagdagan pa yon ng dahil sa human-sized ipis na 'to na ginugulo ang buhay ko sa loob ng tatlong araw.




Napaka-isip bata niya. Palagi niya akong inaasar at palagi siyang nakikipagtalo sa akin kahit na sa maliit na bagay. Tulad ngayon, pinagtatalunan namin kung saan mayroong mas magagaling na artista. Sa ABS ba o sa GMA.




Shempre ako, ABS ang pinaglalaban ko. Pilit kasi minsan ung nga actors ng GMA (no offense) kaya mas gusto ko sa ABS. Pero itong si kupal, pinagtatanggol niya ang GMA kasi daw mas magaling magdala ng character yung mga artista kasi talagang madadala ka.




Ewan ko ba! Kaya eto, nagsettle kami sa TV 5 at payapang nanonood ng "All Hail King Julien" na tagalog dubbed na cartoon sa TV 5. Bwiset, bat ba kasi ako pumayag na dito muna tumira?



3 days ago kasi, nagsabi sa akin si Tatay na aalis siya at mawawala ng dalawang buwan dahil may kailangan siyang asikasuhin na tungkol sa trabaho niya. Nasa isa kasing malaking crisis ang kompanyang pinagtatrabahuhan ni Tatay. At bilang siya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ng boss niya, kailangan niya sumama doon papunta sa ibang bansa.




Kaya eto, ang bagsak ko kayla Jake. Bata palang ako mahilig na ako tumambay dito kaya feel at home ako. Ayos lang sana kasi masarap magluto si Tita Yanna, yung nanay ni Jake, at ang cute ni Joane, yung 7 years old na kapatid ni Jake. Magkaiba ng tatay si Jake at Joane kaya cute si Joane at panget si Jake.




Okay na sana eh. Nag-eenjoy ako dito kaso lang, nandito kasi 'tong kupal na 'to. Pag wala siya at nagbabasketball sa hapon, ang saya-saya ko kasi nagiging payapa ang buhay ko. Nanonood lang kami ni Joane ng mga movies at payapang kumakain ng popcorn.





Kaso pag dumating na si Jake, nawawala na yung saya kasi nage-epal na naman siya. Kukunin niya yung popcorn tas uupo sa gitna namin ni Joane, to think na pawis na pawis pa siya, tapos papalitan niya ng horror ung pinapanood namin. Ungas talaga.




Naramdaman ko na biglang bumigat yung balikat ko sa kaliwa kaya napa-tingin ako dun. Nakita ko si kupal na naka-sandal sa p-balikat ko. Aalisin ko sana kaso nakita ko na tulog na siya. Ayoko pa naman na ginigising 'to pag tulog, nakakatakot eh.





Ang bigat ng ulo niya pero wala naman akong choice. Aantayin ko nalang na lumalim pa yung tulog niya at saka ako aalis. Sa ngayon, iisipin ko muna kung paano ko masisimulan ang paghahanap ng mga sagot.





Iniisip ko din kung ano kaya ang nangyari kay Mr. Jacket at tatlong araw na siyang hindi pumapasok. May nangyari kaya sa kanyang masama? May sakit ba sya?





Teka, nag-aalala ba ako dun sa lalaking yon? The heck!





Bat ba parang nag-aalala ako dun, eh ni hindi ko nga siya kilala. Bakit ako nagaalala? Napa-iling iling ako. Nope. Hindi ako nag-aalala sa kanya. Sadyang ang dami ko lang talagang tanong na dapat niyang sagutin kaya hindi siya pwedeng magkasakit. Hays.





Kinabuksan, sinadya ko talaga na maunang magising at pumasok kaysa kay Jake. Ayoko makasabay yung kupal na yun. Baka magaway pa kami sa kung anong kulay ng jeep ang sasakyan. Yun bang may color blue o color red.





Minsan talaga ang isip-bata niya.




Papasok na ako ng school ground ng meron akong mabangga napa-tigil naman ako at saka tumingala. Dumaloy ang kaba sa sistema ko dahil akala ko si Zhy na naman yung naka-bangga ko.





Pero, hindi.





Natulala ako kasi after ng halos tatlong araw na hindi siya pumasok, nandito na siya sa harapan ko. And as usual, naka-jacket na naman siya at naka-yuko.





"San ka galing?" yun agad ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko malaman kung bakit siya absent ng halos tatlong araw kasi bigla-bigla nalang siyang nawawala at hindi mahagilap.





And as usual, hindi na naman siya sumagot. Gusto ko sana sabihin sa kanya na bakiy hindi siya nagsasalita eh nung isang beses na nakita ko siya na may kausap, narinig ko yung boses niya.





"Please, sumagot ka naman oh." sabi ko. Sobrang dami ko na kasi talagang gustong malaman at desperada na ako makakuha ng sagot. "Bakit tatlong araw kang absent?" sabi ko ulit.




At saka ko lang narealize, close ba kami para sagutin niya yung tanong ko? Napa-iling iling ako. Nagpapaka-feeling close ka na naman, Reign. Ano ka ba! Sino ka ba para sagutin niya yung tanong mo?! Grrr!





"Sorry." sabi ko nalang at saka siya nilampasan at dumiretso na sa room ko. Nasa isip ko pa din yung mga nangyari kanina. Nakakahiya! Kung makatanong ako akala mo naman best friends kami! Eh hindi ko nga alam anong pangalan niya!





Hindi ko alam pero bigla akong napa-tingin kay Josh na nakikipag-kwentuhan kay Risa at sa iba pa naming mga kaklase. Si Josh ang #2 na pinaka-chismosa sa lahat. #1 kasi si Zhy.





Bigla lang pumasok sa isip ko, pano kaya kung mag-tanong ako kay Josh ng about kay Mr. Jacket? May alam kaya siya? Ayoko naman kasi mag-tanong kay Zhy, di naman kami close non. Tsaka malaki galit sakin nun.







Huminga ako ng malalim. Baka kasi pag nagtanong ako, aasarin ako ni Josh na crush ko si Mr. Jacket. Which is not, by the way. Hindi ko crush yon. Sadyang madami lang akong itatanong kaya kailangan ko siyang makilala pa.





Bahala na si batman sa kung anong mangyayari sa akin. Baka may alam si Josh. At magiging malaking tulong sa akin yun. Lumapit ako kay Josh at saka sinabihan ko siya na may itatanong ako, labas muna kami.




"Baklang Reign. Ano ba itatanong mo, kailangan talaga lumabas?" sabi ni Josh nung makalabas na kami. Huminga ako ng malalim.






"Nagbabakasakali lang ako. Tutal madami kang alam sa paligid at sa mga tao dito sa school, baka alam mo din kung anong section ni Mr. Jacket?" sabi ko naman kaya napa-tingin naman siya sa akin.





"Ay, ate gurl. Sinasabi na nga ba. May gusto ka talaga kay Mr. Jacket noh?!"




Sabi ko na nga ba.




"Hindi, hindi! Basta sagutin mo nalang yung tanong ko."




"Ay, bakla ayoko. Kailangan may bayad. Wala ng libre sa mundo! Taghirap na tayo!"





"Ano namang bayad ang gusto mo?"




"Si Papy Krane."




Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya. What the heck? "Sige na sa'yo na siya. Hindi naman siya sakin eh. Kunin mo na!" sabi ko naman. Wala naman akong gusto kay Krane, kaya kahit reypin niya pa si Krane, bahala na siya.






"Hahaha! Sabi mo yan ah. Okie! Well, anyways," sabi niya at saka bumuntong hininga.





"Taga-Xenon si Mr. Jacket." sabi niya ulit at saka kembot-kembot na naglakad papasok sa room. Napatulala naman ako. Sa wakas, may isa ng nasagot sa dami ng tanong sa utak ko.





2nd batch yung section na Xenon. Kailangan ko nalang siya sundan at kailangan ko nalang magkalakas ng loob para tanungin siya at umaasa ako na may makukuha akong sagot mula sa kanya.





Huminga ako ng malalim at saka pumasok sa loob ng room.





A/N: Ang mema nito. HAHA! Pero hope you like it. :)

The Werewolf's CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon