Kabanata 12

1.4K 33 3
                                    

Kabanata 12: Dazed



"Anong problema non?" sabi ni Jake kaya napa-tingin ako sa kanya. Huminga naman ako ng malalim at saka umiling-iling.



"Wala lang yon. Tara na." sabi ko at saka nauna ng mag-lakad papunta sa room namin. Pag-dating namin, saktong pag-dating din ng teacher namin. Umupo na ako sa upuan ko at saka ako nakaramdam ng gutom. Hindi nga pala ako naka-lunch ng dahil sa mokong na yon. Nakakainis kasi.



Pinipilit kong makinig sa teacher namin kahit sobrang nagugutom na ako. Hindi pa naman din ako nakapag-baon ngayon kasi sinabi ko na dito nalang ako bibili ng lunch ko. At dahil nga hinabol ko kanina sila Declor, hindi na ako nakapag-lunch.



Lumipas ang ilang oras at uwian na nga namin. Pauwi na kami ni Jake ng may humarang sa harapan ko na isang babae. Nagulat ako sa itsura nya dahil namumutla siya, pinagpapawisan at ang laki ng eyebags niya.



"I-Ikaw si Reign, d-dba?" naginginig din siya. Tumango nalang ako dahil gulat pa din ako sa kanya. Para siyang walang tulog at nakakatakot siya kasi bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko.




"Pwede ba kita maka-usap?" sabi niya. Tumingin ako kay Jake at napa-tingin din siya sa akin at saka tumango para sabihing 'sige lang, usap lang kayo'. Tumango din ako at saka binalik ang tingin dun sa babae.


"Tungkol ba saan?" sabi ko. Bigla naman niya ako hinila palayo kay Jake pero nakikita ko pa din naman si Jake. Nagulat ako nung humawak siya sa braso ko dahil sobrang lamig ng kamay niya. Buhay pa ba 'tong babaeng 'to?



"A-Ako si Kate, ung vice-president ng Xenon at k-kaibigan ni M-Melody." sabi niya at saka siya nagsimulang umiyak. Oo, tama! Naalala ko siya! Siya yung nag-bukas ng pinto nung pinuntahan ko si Melody kahapon.



"At....m-may alam ako sa nangyari sa kanya..." sabi niya kaya nanlaki yung mata ko. Kaya pala mukha siyang balisa. Siguro traumatized siya. Huminga naman ako ng malalim at hinawakan yung balikat niya.


"Anong alam mo?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala na ang sagot na mismo ang lumalapit sa akin. Akala ko walang nakakakita sa nangyari kay Melody.

"Alam ko kasi na nagiimbestiga ka tungkol sa nangyari sa guard natin nung nakaraang linggo, at alam ko na napansin mo na magka-parehas yung nangyari sa kanila. N-Nandun ako nung p-pinatay si M-Melody... nandun din ako sa gubat. Kaya nakita ko na nakita nyo yung bangkay ni Melody. Bago pumunta si Melody sa gubat, nakita ko siya na kasama si... sino nga ba yon? Basta yung kaklase naming laging naka-jacket. Sinundan ko sila at naabutan ko nga sila na pumunta dun sa gubat."


Agad naman akong napatulala. Dahan-dahan kong binaba yung kamay ko sa balikat niya. Kaklase niyang laging naka-jacket? Si D-Declor? Bakit...bakit magkasama sila ni Melody? Hindi ko gusto ang nabubuong idea sa isip ko. Hindi...hindi niya magagawa kay Melody yon.

Hindi niya kaya gawin kay Melody yun...

"Nagtatalo ata sila kasi hinahawakan ni Melody ung lalaking jacket na yon pero inaalis niya ung gawak ni Melody. Hindi ko alam yung pinaguusapan nila kasi malayo ako nun. Tapos... nag-walk out si lalaking naka-jacket at naiwan si Melody na parang umiiyak. Lalapit na sana ako ng biglang...biglang...." sabi ni Kate at bigla siyang naiyak.

Humahagulgol na siya kaya napa-tingin ako sa kanya at pinatahan siya. "Anong nakita mo, Kate?" sabi ko. Please, sana sabihin niyang hindi si Declor ang gumawa non...

"Hindi ko alam kung maniniwala ka pero... nakita ko mismo. May isang werwolf na sumugod kay Melody at k-kinain yung laman loob niya. Kamukha nung werewolf na yon yung tinuturo ni Sir Denver." umiiyak na sabi niya.


Napa-tulala naman ako sa kanya. Napa-awang ang bibig ko. I-Isang werewolf? Yung gumawa non kay Melody? Ibig sabihin, isa ding werewolf yung gumawa non sa guard? So, totoo nga na merong werewolf?

Hindi kaya yung nakita ni Sir Denver, yun yung gumagawa nito? Kailangan ko makausap si Sir Denver. Baka pwede niya pang mapigilan kung totoo nga na werewolf ang gumagawa nito.

"Please, Reign. Alam ko na hindi mabibigyan ng hustisya ng pulis ang nangyari sa kaibigan ko. Kaya, please, Reign. Hanapin mo yung gumawa nito." sabi niya habang naka-hawak sa braso ko.

Tumango ako kahit hirap pa din ako i-absorb yung lahat ng nalaman ko. Pagkatapos non ay umuwi na nga kami ni Jake. Kinakausap niya ako pero tipid lang ang sinasagot ko. Masyado ako occuppied ng mga nalaman ko mula kay Kate.

Totoo nga kaya na may werewolf? Na werwolf nga talaga ang pumapatay sa guard at kay Melody? Anong connection ni Melody kay Declor? Bakit siya umiiyak nung naguusap sila ni Declor sa gubat? At.... nung nag-walk out si Declor, saan siya pumunta? Nandun din ba siya at nakita nya yung nangyari?

At... alam niya ba kung sino yung pumatay kay Melody?


Nakakainis! Mas lalong dumami yung tanong ko ng dahil sa may nalaman ako. Sobrang nakaka-frustrate! Mababaliw na ako sa dami ng tanong sa utak ko. At alam ko na pag kinausap ko si Declor at sinagot niya ng maayos yung mga tanong ko, baka mabawasan yung mga tanong ko at hindi ako tuluyang mababaliw.

Yun ay kung, KUNG sasagutin niya ang mga tanong ko.

Eh kanina lang sinabihan niya ako na wag na syang kakausapin o tatanungin. Akala niya naman susundin ko siya? No way! Lalo pa ngayon na karamihan sa tanong ko ay konektado sa kanya.

Sa ngayon, kung hindi sumagot si Declor, si Sir Denver ang tatanungin ko. Hopefully, may makuha akong sagot sa kanya. Buti nalang friendly si Sir kaya hindi mahirap i-approach.

Yung Declor nalang talaga na 'yon ang problema. Siya nalang ang problema ko. Napaka-pabebe naman kasi! Edi sana kung sinagot niya ung tanong ko edi hindi ako nagiisip ng ganito at hindi ako malapit ng mabaliw.

"HOY REIGN FLORES!!" sigaw ni Jake kaya agad naman akong napatalon sa gulat at saka nanlalaki ang matang naka-tingin sa kanya. "Ay sa wakas! Akala ko hindi mo na akonpapansinin dyan eh!"

"Bakit ka ba sumisigaw?!" inis na sabi ko. Sigawan daw ba ako! Para naman kasing bingi ako. "Hindi ako bingi para hindi ka marinig, wag kang sumigaw!" sabi ko.

"Oo, hindi ka nga bingi. Ang lalim lang ng iniisip mo. Kanina pa kita tinatawag at kung di pa ako sumigaw baka malunod kana kakaisip dyan." sabi niya naman kaya huminga nalang ako ng malalim.

"Sorry." Yun nalang ang nasabi ko. Sino ba naman kasing hindi lilipad ang isip sa lahat ng mga tanong at impormasyon na nasa isip ko. "Madami lang akong iniisip." Tumingin ako sa paligid at nasa tapat na pala kami ng bahay nila Jake. Nauna na akong pumasok sa loob. Gusto ko ng magpahinga at sumasakit na naman ang ulo ko sa nalalaman ko.

Tinanong pa ako ni Tita Yanna kung di ba ako kakain. Sabi ko magpapahinga na ako. Hindi ako kumain ng lunch at dinner pero sapat na ang mga tanong sa isip ko para makalimutan ko yung gutom na nararamdaman ko.








The Werewolf's CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon