Kabanata 9: 2nd Blood
Nandito ako ngayon naka-tambay sa harapan ng hagdan sa 4th floor. Naka-sandal ako sa gilid ng lockers at nag-babasa ng libro. Well, more of, nag-kukunwaring nag-babasa ng libro.
Inaantay ko na umakyat si Mr. Jacket. Mula sa pwesto kong 'to kita ko yung nga umaakyat sa 4th floor. At hindi naman siya mahirap ma-recognize dahil nga sa suot niyang jacket. Iisa lang lagi ung suot nyang jacket kaya hindi mahirap matandaan. Ewan ko ba kung nilalabhan niya ba yon.
Nag-kukunwari lang akong nag-babasa ng libro habang patingin-tingin sa may hagdanan. Sa tingin ko hindi naman niya ako mapapansin dito kasi lagi naman siyang naka-yuko.
Maya-maya pa, nakita ko na siya na paakyat. Tinakpan ko ng libro yung mukha ko nung dumaan na siya sa harapan ko at binaba ko lang nung naka-lagpas na siya. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na pumasok nga siya sa room ng Xenon. Ang galing talaga ni Josh.
Nilagay ko sa bag ko yung libro at hinantay na humupa yung mga tao sa hallway saka ako kumatok sa pinto ng Xenon. May 15 minutes pa naman bago mag-simula ang klase. Kumatok ako at bumungad sa akin ang isang babae.
"Bakit?"
"Ah, nandyan na ba yung president nyo? Kakausapin ko sana."
"Sige, sandali."
Yun ang naisip kong paraan. Mag-tatanong ako sa president nila about sa kanya. Panigurado may alam yon kahit papano kasi class president nila yon. Well, sana nga may alam siya.
Maya-maya pa, lumabas ang isang babaeng short hair at naka-salamin. Maganda siya at maputi. Ka-height ko lang siya at mukha naman siyang mabait.
"Yes, bakit?" sabi niya. Huminga naman ako ng malalim. Kakapalan ko na talaga mukha ko. Wala na akong pake basta desperada na ako makakuha ng sagot.
"Ah, yung lalaki dun na naka-jacket," sabi ko habang kaunting tinuturo si Mr. Jacket na naka-pwesto sa pinaka-sulok ng room sa dulo. Kita ko siya mula dito sa labas ng dahil sa bintana. Napa-tingin din dun yung president nila. "Anong pangalan niya?" tanong ko.
"Ah, siya ba." sabi niya naman at saka binalik ang tingin sa akin. "Wala ding nakaka-alam sa amin ng pangalan niya eh. Hindi siya nag-sasalita. Akala nga namin pipe eh, pero nung nag-oral recitation sa Math, dun lang siya napilitang mag-salita. After non, wala na. Kahit teachers hindi alam ang pangalan niya. Weird noh?"
Bumagsak ang balikat ko sa narinig ko. Kumunot din yung noo ko. Bakit hindi alam ng teachers? Kasi hindi niya sinasabi? Eh paano siya naka-pasok sa school na 'to kung wala siyang sinabing informations niya sa teachers? Weird.
"Ganon ba. Ah, isa pang tanong. May mga kaibigan ba siya o yung nakikita mong madalas niyang kasama?" tanong ko ulit. Hindi ko hahayaan na hindi ko malalaman yung pangalan niya.
"Well, kahapon kasi, may nag-transfer na babae sa amin mula sa kabilang section. Mula nung maging magkatabi sila kahapon, napansin ko, na naging malapit sila agad at palagi silang magkasama. Sabay nga sila pumasok ngayon. Ang alam ko din sabay silang umuwi kahapon."
Babae? Sino naman yon? Kinausap kaya siya ni Mr. Jacket? Bakit ako na ilang araw ng nangungulit kay Mr. Jacket eh hindi man lang ako pinansin. Tapos yung babseng yon, kahapon lang sila nagkakilala, naging seatmates lang, close na agad?!
"Anong pangalan nung babae?" tanong ko ulit. Sobra na akong nacucurious. Anong meron sa babae na yon para kausapin siya ni Mr. Jacket at sabay pa talaga sila pumasok at umuwi.
BINABASA MO ANG
The Werewolf's Cure
Manusia SerigalaHighest Rankings: #1 in Cure #5 in Fear #25 in Werewolf #95 in LoveStory [COMPLETED] "Kahit ba imortal siya at mortal ako. Handa akong sumugal sa relasyon naming 'to." - Reign Flores Naniniwala ba kayo sa mga 'werewolf' o mga 'man-wolf'? Ako, dati...