Kabanata 19: 3rd Blood
Anna's PoV
"Anna, girl. Gising na."
Unti-unti kong dinilat ang mata ko ng dahil sa may yumuyugyog sa akin. Nakita ko si Mikky sa tabi ko na inaayos na ang gamit niya. Tumingin ako sa may bintana at agad na nagising ang diwa ko ng makita ko ang white sand at napakagandang dagat sa labas.
Nandito na kami.
Excited na bumaba yung mga kaklase ko. Nagayos din ako ng sarili ko kasi baka mamaya may panis na laway na pala ako. Bumaba ako at agad na tumama sa balat ko ang katamtamang init ng hangin. Nagsitakbo sila sa may dalampasigan at ganon din ang ginawa ko.
Napa-ngiti ako sa sobrang ganda ng nakikita ko. Ang blue nung dagat at ang linaw. Ang ganda nung kalangitan kasi ang aliwalas. Napaka-relaxing at napaka-ganda dito.
Kukunin ko sana ang camera ko sa bag ko ng mapa-tingin ako sa kanan ko at lalo akong napangiti. Nakita ko siya. Naka-ngiti din siyang naka-tingin sa may dagat at naka-lagay yung kamay sa bulsa niya. Hindi siya malapit saakin pero hindi din naman gaanong malayo. Medyo malayo din siya sa tabing-dagat di tulad ng iba.
Ang gwapo niya talaga.
Kaso biglang nawala yung ngiti ko ng makita ko kung saan siya naka-tingin. Akala ko sa dagat siya naka-tingin kaya siya naka-ngiti pero hindi pala.... siya na naman ang tinitignan niya.
Naka-tingin si Hubert kay Reign na katabi si Declor at Jake. Sa likod naman ni Hubert ay si Krane.
Palagi nalang ba ganito? Palagi nalang ba ganito yung makikita ko sa tuwing titingin ako sa kanya? Ang sakit. Sobrang sakit. Sa tuwing titingin ako sa kanya, palaging nakay Reign yung tingin niya.
Kailan ba dadating yung panahon na sa akin naman siya naka-tingin? Na sa akin naman siya tumingin?
Bakit palaging si Reign? May Jake na siya eh! May Krane na tapos dumagdag pa si Declor. Tapos pati si Hubert.... na sa kanya na din. Si Hubert lang naman ang gusto ko. Si Hubert lang naman ang gusto kong mapasakin. Bakit hindi pwede? Bakit kay Reign pa din? Bakit sa kanya pa din?
Ang sakit. Sobra. Napayuko nalang ako ng maramdaman ko ng tumuli ang luha ko. Kinuha ko yung shades na nakasabit sa may neckline ng suot ko at saka tumingin sa dagat.
Limang taon. Limang taon na akong nagpapakatanga kay Hubert. Siya apat na taon na nagpapakatanga kay Reign. Ako simula palang nung grade 8 may gusto na ako kay Hubert. Susuko na dapat ako nun eh. Kaso binigyan niya ako ng pagasa nung niyaya niya ako bilang entourage niya nung grade 10.
Hindi ko alam na ang talaga palang una niyang niyaya ay si Reign. Pero dahil si Jake na ang entourage ni Reign, ako nalang dahil wala ng ibang choice si Hubert. Lahat ng mga kaibigan niyang babae, may entou niya. At sa section namin ako nalang ang wala, kaya ako na ang niyaya niya.
Sobrang saya ko nun. Kasi akala ko sa wakas na pansin niya din ako. Na napapansin niya pala ako kasi niyaya niya ako na entourage niya pero, pinaasa niya lang ako. Last choice niya lang pala talaga ako.
Pero kahit na nalaman ko yung totoo at nasaktan ako ng sobra, mas pinili ko pa din magpakatanga. Mas pinili ko pa din na patawaein siya at wag magalit sa kanya. Mas pinili ko pa din ang mga bagay na yun. Kesa sa sgawan siya at sumbatan. Wala eh, mas pinili kong magpaka-tanga.
At hanggang ngayon, nagpapakatanga ako. Kung siguro nga nakakamatay na sakit ang pagiging tanga, baka dedo na ako. Limang taon na akong di gumagaling sa sakit na 'to eh. Sana nga mamatay nalang ako.
BINABASA MO ANG
The Werewolf's Cure
WerewolfHighest Rankings: #1 in Cure #5 in Fear #25 in Werewolf #95 in LoveStory [COMPLETED] "Kahit ba imortal siya at mortal ako. Handa akong sumugal sa relasyon naming 'to." - Reign Flores Naniniwala ba kayo sa mga 'werewolf' o mga 'man-wolf'? Ako, dati...