Panimula

4.7K 99 2
                                    

Takbo.

Tumakbo ako ng tumakbo. Takbo ako ng takbo habang umiiyak at hindi ko alam kung saan ako papunta. Madilim na at nasa kalagitnaan ako ng gubat habang hawak ang flashlight ko.


Hindi ako makahingi ng tulong dahil walang signal dito. Lumilingon ako sa likod ko para makita kung nakasunod pa ba siya sa akin.


Huminto ako sandali at hinabol ang hininga ko. Umiiyak ako at sumasabay pa ang buhos ng ulan. Hindi ko alam kung paano ba ako napunta sa sitwasyong ito. Magkasama kami ng Nanay ko pero... nag-kahiwalay kami at hindi ko alam kung nasaan na siya.


Maya-maya pa ay nakarinig ako ng isang tili. Napa-angat ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko. Kilala ko kung kaninong tili 'yon! Napatingin ako sa gilid ko kung saan ko narinig na nagmula 'yong ingay. Agad na dumaloy ang kaba sa buong katawan ko. Dali-dali akong pumunta sa bandang iyon.



Dahan-dahan kong hinawi ang matataas na damo na nakaharang upang makita ko ang kabilang banda habang pinipigilan ko ang paghinga ko.



Unti-unting nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Napatakip ako sa bibig ko. I-Isang... isang lobo na... k-kinakain ang isang babae.... isang tao..... mas nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang kinakain niya.


"NANAY!!!" sigaw ko kaya nalipat saakin ang atensyon ng lobong kumakain sa....sa nanay ko....


Tumigil ang pagtibok ng puso ko ng biglang mapatingin saakin ang lobo. Kahit napakadilim kitang kita ko ang pares ng ginto n'yang mga mata. Agad akong napa-tili at saka nagsimula na namang tumakbo.


Natatakot ako. Natatakot ako para sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano ng mangyayari sa akin pag naabutan niya ako. Matutulad din ba ako sa Nanay ko? Kakainin din ba niya ako? Humagulgol ako.... ang Nanay ko...


Habang tumatakbo ay nadapa ako. Bwiset! Natisod ang paa ko sa isang bato. Bumagsak ako sa lupa at nakaramdam ako ng hapdi mula sa tuhod ko. Tinutok ko ang flashlight ko dun at nakita kong dumudugo ito.


Sinusubukan kong tumayo dahil nararamdaman ko na siyang palapit pero hindi ko magawang tumayo. Hanggat sa naistatwa na ako sa kinauupuan ko dahil dahan dahan ng lumalapit sa akin ang lobo.


Tuluyan na akong naiyak sa sobrang takot. Umiiling ako habang binabanggit ang "huwag. huwag mo akong saktan. maawa ka." kahit na diko alam kung naiintindihan ba niya ako.


Malapit na siya saakin at kitang kita ko ang kanyang gintong mga mata at mga matatalas na ngipin.


TULOOOONG!


Agad akong napatili sa takot. Pumikit ako at ilang sandali pa ay binuksan ko ang mata ko. Nakita ko siya na nakatingin saakin. Diretso sa mga mata ko. "Huwag... Maawa ka..." sinubukan kong magsalita kahit na nanginginig ang boses ko.


Hindi ko alam pero... sa pagkakataong 'yon, habang nakatingin ako sa mata niya... nararamdaman ko na parang nalulungkot siya. Na parang hindi niya gusto ang ginagawa niya. Na parang naawa siya sakin.



Posible bang magka-damdamin ang isang lobo? Ang isang hayop?



Ilang segundo pa akong tumitig sa kanya habang patuloy na umiiyak. Hanggang sa nagsimula na siyang tumakbo saakin palayo.


Naiwanan naman ako dun sa ilalim ng puno habang umuulan. Niyakap ko ang tuhod ko at saka iniyak ang sakit na narardaman ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

The Werewolf's CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon