Kabanata 14

1.3K 25 1
                                    

Kabanata 14: Shocking Revelations


Note: selemet ulit kay Renzo hahaha and panoodin nyo ang "Fake Love" MV ng BTS HAHAHAHA salamat!





Hindi ko na mabilang kung ilang beses ba ako tumitingin sa orasan. Hinahantay ko na mag-lunch. Gusto ko ng tanungin si Sir Denver at gusto ko na makakuha ng sagot para umusad naman 'tong pagiimbestigang ginagawa ko.




Lumipas ang ilang subject at lunch na nga. Nagsabi ako kayla Mikky na hindi muna ako sasabay sa kanila at nag-sabi din ako kay Jake na kakausapin ko lang si Sir Denver para hindi na siya mag-OA at hanapin ako.





Agad akong nagpunta sa elem building. Umakyat ako sa 4th floor kung saan naroon ang lumang library. Medyo creepy sa floor na 'to kasi mga lumang room at facilities ang nandito at irerenovate palang. Walang gumagamit sa floor na 'to pero bukas pa din ang library dito kasi hindi pa naayos ang bagong library sa JS High building kaya hindi pa inaalis ang mga libro dito.






Pumasok ako sa library at as usual, walang katao-tao maliban sa librarian na nandun sa may desk at nagbabasa ng libro habang nakikinig sa radyo.





Pasimple kong hinanap si Sir Denver habang sumusuot sa pagitan ng mga book shelves. At nakita ko siya na nasa history section at may binabasang libro. Agad akong lumapit at lumingon naman siya sa akin.





Binalik niya yung librong hawak niya kanina at sinabihan akong sumunod sa kanya. Pumunta kami sa pinaka-dulo at pinaka-gilid na pwesto sa library. Malayo kami sa librarian na siyang nag-iisang tao dito maliban samin kaya walang makakarinig ng paguusapan namin.






"So, Ms. Flores. Bakit biglang gusto mo akong tanungin ng tungkol sa werewolf na nakita ko dati?" panimula ni Sir. Huminga ako ng malalim at saka ikinuwento ang dahilan kung bakit ginagawa ko 'to.


"Kaya gusto ko pong malaman kung totoo nga na may werewolf. At kung anong itsura, paano, at kailan ninyo nakita yung werewolf na sinasabi ninyo." sabi ko matapos akong nagkwento.





Huminga ng malalim si Sir at saka inayos yung salamin niya. "Totoo sila, Reign. Yung mga pinapakita ko sainyong pictures, ganon din ang itsura ng nakita ko. Matagal na panahon na nung huli kong nakita ang werewolf na yun."





Ramdam ko yung lungkot sa boses ni Sir. At kitang-kita ko yung sakit sa mga mata niya. Bakit siya nasasaktan at nalulungkot?




"Alam kong naguguluhan ka dahil sa lungkot sa mga mata ko." sabi niya at mapait na ngumiti. May pagkasa-mind reader pala 'tong si Sir. "Kaya, sasabihin ko na sa'yo ang totoo. Pero, ipangako mo, Reign. Na hindi mo ipagsasabi sa iba ang mga malalaman mo." seryosong sabi ni Sir habang naka-tingin sa akin. Agad naman akong napa-tango.





Huminga ng malalim si Sir. At saka nagsimulang mag-kwento.





"Yung werewolf na nakita ko dati..." sabi niya at saka huminga ng malalim. "....ay ang ex-girlfriend ko." sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Napa-takip ako sa bibig ko sa gulat. May ex-girlfriend si Sir na isang werewolf?!






"Mahirap nga siguro paniwalaan, pero yun ang totoo. Kalahating tao at kalahating lobo ang mga werewolf kaya may puso pa din sila at kaya nilang mag-mahal tulad ng isang normal na tao. Nagkakilala kami dito mismo sa school. Kapatid siya ng isa sa mga estudyante dito. Palagi siyang nandito at palagi ko siyang nakikita kaya ayon, nagka-gusto ako at na-inlove ako sa kanya. Naging kami. Nagmamahalan na parang mga normal na tao. Hanggat sa inamin niya sa akin na isa nga siyang....werewolf. Nung una, shempre natakot ako. Sa sobrang takot ko, hiniwalayan ko siya. Iniwasan, nilayuan. Pero makalipas ang isang taon napagtanto ko na mahal ko pala takaga siya. Na wala akong pake kung isa siyang werewolf. Kaya binalikan ko siya. Hinanap ko siya at nung nagkita kami, inamin niya na hindi naman nawala yung pagmamahal niya para sa akin. Na mahal niya pa din ako kahit na nasaktan siya sa ginawa kong pag-iwan sa kanya dati. Naging masaya ulit kami, peri nung araw na magce-celebrate sana kami ng birthday ko, hindi siya nakapunta. Nag-alala ako kaya pumunta ako dun sa gubat kung saan siya nakatira at nakita ko nalang na.... na patay na siya. Binaril siya ng isang mangangaso. Walang ibang werewolf ang nandun kaya walang naka-tulong sa kanya. Hanggat sa, ayun. Tuluyan na siyang nawala sa akin."





The Werewolf's CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon