Kabanata 5: Who?
Third Person's PoV
Bumalik na ang lobo sa katawang tao niya. Ginamit niya ang likod ng kanyang mga palad upang ipunas sa dugo na kumalat sa bibig niya. Lumapit siya sa isa niya pang kasama na nandito lang sa likod ng isang pader habang ginagawa niya sa guwardya ang ginawa niya kanina.
Masama itong nakatingin sa kanya.
"Oh. Bat ganyan ka makatingin sa akin? Naiingit ka? Wag kang mag-alala. Malapit ng dumating ang panahon na mako-control mo na ang pagbabagong anyo mo." sabi niyo habang naka-ngisi sa kasamahan.
Kumukuha ito ng panibagong mga damit mula sa isang bag at saka nagbihis ng magsalita ang kasama niya. "Bakit mo ginawa yon?" bahid sa boses nito ang galit at parang nagpipigil lang na mapatay ang nilalang na nasa harapan niya.
"Ano bang sinasabi mo? Nagugutom ako. Ang tagal kong nanatili sa bwiset na lugar na 'to kasi sabi mo sumama ako sa'yo. Kanina pa ako nagpipigil na kainin ang mga estudyante dito. Pasalamat ka nga at inantay ko muna na mawala ang mga tao bago ako maghapunan." nakangisi na naman ito.
"Pero hindi mo padin dapat ginawa yon!" sigaw ng kausap niya. "Pinapahamak mo ang lahat ng dahil sa ginawa mo! Sinabi ko naman sa'yo na umuwi nalang tayo at saka ka kumain, dba?! Hindi ka na dapat pa pumatay ng inosenteng tao!" gigil na sigaw niya sa kasamang kumain sa guwardya.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Tao ang pagkain natin! At isa pa, wag ka nga umasta na parang wala ka pang napatay na tao! Sampung taon ka palang, nakapatay ka na!" agad na sinuntok ng isa ang lalaki ng dahil sa sinabi nito.
Dinaganan niya ito at hinawakan ng mahigpit sa kwelyo ng tshirt na suot nito.
"Oo, masama akong tao dati pero alam ko sa sarili ko na hindi ko na yon uulitin pa! Yung ginawa mo, hindi tama yon!" sigaw niya pa kaya naman tumayo ang lalaking sinuntok niya at siya naman ang sinuntok nito.
"Kailan pa naging hindi tama ang ginawa ko?! Sa mundo natin, ang pag-kain ng tao ay hindi mali! Anong gagawin mo ngayon, ha?! Sasabihin mo kay Hari ang nangyari?! Edi sabihin mo! Tignan natin kung sino ang sasangayon sa'yo!" anito at saka pinulot ang bag at lumapit sa mukha ng lalaking masama ang tingin sa kanya.
"Hindi ko alam kung lobo ka pa ba talaga, Declor. Dahil sa takbo ng utak mo at sa mga kinikilos mo, tingin ko sinakop na ng mga tao ang sistema mo. Ayusin mo nalang ang pinapagawa sa'yo at wag mong pakikialaman ang gustong gawin ng ibang lobo." anito at saka umalis.
------x
Reign's PoV
Unti-unting nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Napatakip ako sa bibig ko. I-Isang... isang lobo na... k-kinakain ang isang babae.... isang tao..... mas nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang kinakain niya.
"NANAY!!!"
Agad akong napaupo sa kama ko habang hinahabol ang hininga ko. Pinagpapawisan ako ng malamig at parang naninikip ang dibdib ko. Ano yon? Ano na naman ba yon? Bakit ako sumigaw ng "Nanay" sa panaginip ko?
"Goodmorning, Princ—Reign! Anong nangyari sa'yo?!" Napa-tingin ako kay Tatay na pumasok sa kwarto ko at nagaalalang tumingin sa akin ng makita nya na naghahabol ako ng hininga.
Lumapit siya sa akim at agad ko naman siyang niyakap. Umiyak nalang ako bigla sa balikat nya. Sobra akong natatakot sa panaginip ko. Ang linaw kasi ng nakikita ko, parang totoo.
BINABASA MO ANG
The Werewolf's Cure
WerewolfHighest Rankings: #1 in Cure #5 in Fear #25 in Werewolf #95 in LoveStory [COMPLETED] "Kahit ba imortal siya at mortal ako. Handa akong sumugal sa relasyon naming 'to." - Reign Flores Naniniwala ba kayo sa mga 'werewolf' o mga 'man-wolf'? Ako, dati...