Kabanata 7: Curiosity All Over
Papunta na ako sa bagong building habang nagiisip pa din ng malalim ng may biglang umakbay sa akin. Napa-tingin ako sa kanan ko at nakakita ako ng human-sized ipis na naka-ngiti ng matamis sa akin.
"Hi, panget. Na-miss moko?" sabi ni Jake habang tinataas baba na naman yung kilay niya. Napangiwi naman ako kasi ang aga-aga naa-assume na naman 'tong lalaking 'to.
"Hindi. Mas masaya buhay ko kapag walang kupal sa paligid." sabi ko sabay smirk. Napabusangot naman siya at saka tinanggal yung kamay niya sa balikat ko.
Late na naman 'tong kupal na 'to. Lagi nalang.
"Tsk. Di ka man lang magsinungaling kahit konti. Di mo ns nga ako dinalaw sa bahay eh." sabi niya naman na parang nagtatampo. Tumaas yung isang kilay ko.
"Alam mo ns ayoko ng nagsisinungaling. At isa pa, bakit kita dadalawin? Isang araw ka lang naman na may sakit at ubo lang naman sakit mo. Kala mo naman mamamatay ka." sabi ko naman. Tumingin ako sa kanya at sobra na yung busangot niya. Yung tipong naka-pout na sya.
"Wala ka talagang pakialam sa akin noh. Nahuhurt ako." sabi niya sabay lagay ng kamay sa dibdib niya at umakting pa na nasasaktan. Binatukan ko naman siya.
"Ang corny mo." sabi ko saka mas naunang maglakad sa kanya. Naramdaman ko naman na mabilis siyang naka-sunod at lumakad kasabay ko. Male-late na kami, hays. Bat kasi sinundan ko pa yung Jacket na yon eh.
Wala din naman akong napala. Nadagdagan lang yung mga tanong ko.
"Anyways, ano palang nangyari? Bat ang dami kong naka-salubong na police cars at SOCO? May namatay?" sabi ni Jake kaya napa-tingin ako sa kanya at saka ibinalik ang tingin ko sa harapan.
Huminga ako ng malalim at saka naalala na naman yung nakita ko kanina. "Kung mas maaga ka kasi dumating, edi sana naabuyan mo. Yung guard ng school namatay. Hindi pa alam kung anong nangyari sa kanya bakit siya namatay." sabi ko naman at naramdaman kong nagulat si Jake dahil napasinghap siya.
"Kaya pala hindi na siya yung nasa may gate kanina.... sino daw pumatay? Alam na ba?" sabi ni Jake kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. Gusti kong sabihin lahat kay Jake yung mga nasa isip ko dahil sasabog na ako pag kinimkim ko pa 'to.
"Hindi pa. Pero, Jake," tumingin ako sa kanya kaya napa-hinto kami sa paglalakad. "tingin ko, hindi tao ang gumawa non sa kanya." sabi ko at kumunot naman ang noo ni Jake.
"Ha? Anong hindi tao? Bakit tingin mo multo gumawa non?" sabi niya naman kaya agad akong napa-iling iling.
"Hindi—" napa-tigil ako sa pagsasalita ng may biglang sumigaw sa hallway. Napa-tingin kami sa kanan namin kung saan narinig namin si Anna.
"Oy, Reign tsaka Jake. Bilisan nyo na, malapit na si Ma'am." sabi niya habang nasa tapat ng room na pansamantala naming ginagamit.
"Mamaya nalang." sabi ko at saka nag-lakad papunta sa room. Ramdam ko naman na sumunod si Jake sa akin. Pumasok na kami at hanggang sa room, yung nangyari pa din kanina ang pinaguusapan.
Ayoko na sana maalala pa ang nangyari kanina kaya inubob ko nalang yung ulo ko sa ibabaw ng desk ko habang inaantay yung adviser namin na dumating.
"Goodmorning, class." rinig kong sabi ng adviser namin makalipas ang ilang minuto kaya inangat ko na ang ulo ko. Inayos ko ang buhok ko at ang upo ko at nakinig sa susunod nyang sasabihin.
"About sa nangyari kanina, gusto ko na wag nyo ng pag-usapan yon at kalimutan niyo na. Hindi ito pwedeng kumalat kaya iniuutos ng admin na walang mag-leleak ng nangyari sa social media o kahit sa ibang schools. Naiintindihan niyo ba?" sabi niya at sumagot naman sila ng "yes, ma'am".
Pinoprotektahan nila ang reputasyon ng school. Isa din kasing sikat na school ang St. Benedict University kaya hindi talaga dapat malaman ng ibang school ang nangyari dito.
Pero alam ko na hindi talaga tao ang gumawa non. At kahit pa ang sakit na ng ulo ko sa dami ng tanong na umiikot sa utak ko, gagawa pa din ako ng paraan para makuha ang mga sagot na gusto kong makuha.
Lumipas ang ilang minuto ng lumilipad ang isip ko. Iniisip ko kung paano ko makukuha ang mga sagot sa mga tanong ko. Nag-isip ako kung saan ako unang magsisimula at na-isip ko na alamin ang pagkatao ng Mr. Jacket na yon.
Sa totoo lang, wala akong alam na kahit ano tungkol sa kanya. Ang alam ko lang, palagi siyang naka-jacket at mahilig siya pumunta sa likod ng building ng school.
Hindi ko alam kung anong section niya, kung anong batch niya, kung anong itsura niya, o kung anong pangalan niya. At kung ano ba talaga ang totoong pagkatao niya.
Natapos ang dalawang subjects at puro lecture lang ang naganap. Buti nalang at hindi nagpa-seatwork o kung ano man kasi alam kong wala akong masasagot dahil lumilipad ang utak ko.
"Oy, panget. Ano na nga yung sasabihin mo?" sabi ni Jake na umupo na pala sa upuan ni Mikky. Napa-tingin ako sa paligid at wala na palang tao at kami nalang ni Jake ang nandito.
"Nasan yung mga classmates natin?" naka-kunot noong tanong ko kay Jake. Nilabas niya naman mula sa bag ko yung baon ko. Bestfriend ko si Jake mula nung Grade 2 ako kasi pinahiram niya ako ng crayons niya kaya memorize na ako ng kupal na 'to.
"Sa sobrang pagkatulala mo dyan, hindi mo na napansin na umalis na yung mga tao. Kinakausap ka ni Mikky kanina pero wala kang imik kaya sabi ko mauna na lang sila." sabi niya habang inaayos yung baon naming dalawa sa mesa ni Mikky.
"Sorry. Ang dami ko lang iniisip." sabi ko at saka bumuntong-hininga.
"Halata nga." sabi naman ni Jake. "Ano ba kasi yang iniisip mo at tulala ka na naman? Nawala lang ako ng isang araw, bumalik ka na naman sa dating ikaw."
"Sa totoo lang, hindi ko din alam anong nangyayari sa akin. Kahapon pa 'to eh. Bumalik na yung madalas kong pagiging tulala na nawala na 3 years ago. Pero ewan ko ba anong nangyari ngayon." sabi ko habang sumasandal sa upuan ko.
"Sabihin mo na. Baka mag-ala Sisa ka na dyan sa tabi tapos hanapin mo si Crispin at Basilyo sa akin." sabi niya kaya natawa nalang ako ng mahina saka siya inirapan. As if naman.
"Kasi nga ganito yon, yung nangyari kanina, pakiramdam ko talaga hindi tao ang gumawa non." at bumalik na naman sa akin ang mga nangyari kanina. "Kung nakita mo lang, masasabi mo ding hindi magagawa ng isang tao ang ganon."
"Alam mo, lalo kang nag-mumukhang panget ng dahil dyan sa kaiisip mo." sinamaan ko naman siya ng tingin. "Hindi, seryoso. Masyado mong iniisip ang mga bagay na yan. Hayaan mo na yung pulis na mabaliw kakaisip kung tao ba o ano ang pumatay sa guard."
Huminga naman ako ng malalim. "Alam mong wala akong tiwala sa pulis." sabi ko naman at saka tumingin sa malayo. Nawalan ako ng tiwala sa pulis nung hindi nila masabi ang kinamatay ni Nanay.
"Pero, Reign." napa-tingin ako sa kanya. "Wag mo ng problemahin ang problema nila. May sarili kang buhay. At isa pa, hindi mo naman kamag-anak yung guard para humanap ng hustisya para sa kanya. Hayaan mo na yung mga pulis. Kain na tayo." sabi niya at saka ngumiti sa akin.
Pero hindi pa din ako napapanatag. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya yung tungkol sa panaginip ko na syang dahilan ng pagsisimula ng mga tanong na bumuo sa utak ko.
At hahanapin ko ang mga sagot ng mag-isa. Kahit hindi ako tulungan ni Jake, o kahit pigilan niya ako o ng kahit sino, hindi ako titigil hanggang hindi nasasagot lahat ng tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Werewolf's Cure
Manusia SerigalaHighest Rankings: #1 in Cure #5 in Fear #25 in Werewolf #95 in LoveStory [COMPLETED] "Kahit ba imortal siya at mortal ako. Handa akong sumugal sa relasyon naming 'to." - Reign Flores Naniniwala ba kayo sa mga 'werewolf' o mga 'man-wolf'? Ako, dati...