Kabanata 27: The Werewolf's Cure I
Athena's PoV
"Aray, ano ba? Dahan-dahan naman!" agad na sinamaan ko ng tingin si Grex na umiiwas sa bulak na may alcohol na dinadampi ko sa sugat niya sa labi.
"Dahan-dahan, eh kung umuwi ka dito kagabi edi sana nagamot ko na yan at di pa lumala, diba?" sabi ko sa kanya at saka patuloy sa pagdampi ng bulak. Patuloy din siya sa pagiwas kasi nasasamahan ko ng galit yung paglalagay ko. Kasalanan niya naman eh!
"Kung umuwi ako dito kagabi edi nagkaron pa ng round 2 yung bugbugan namin ni Declor? Gusto mo ba yon? Aray!" sabi niya naman kaya di nawala yung sama ng tingin ko sa kanya. Talagang sumasagot pa 'to! Kaya di nagiging Alpha e, nakakabwiset yung ugali!
"Naririnig kita!" sabi niya naman kaya inirapan ko siya.
"Pake ko naman sa'yo?" sabi ko at siya naman ang nagtapon ng masamang tingin sa akin. Never na ata talaga kami magkakasundo ng hinayupak na 'to.
Huminga ako ng malalim at saka nilapag sa mesa yung bulak na hawak ko. "Ikaw na gumamot sa sarili mo, malaki na kaya mo na yan." sabi ko at saka dumiretso sa kusina para magluto ng tanghalian. Pauwi na si Declor sabi niya sa akin kanina, galing pala siya kayla Reign. Tsk. Ayaw nga ikwento sa akin yung nangyari eh.
May perks talaga ang pagco-communicate namen gamit ang isip. Di na namin kailangan ng cellphone para makipag-communicate kahit nasan pa ako o siya.
Naghihiwa ako ng karne ng magulat ako ng may brasong pumulupot sa likod ko. Lilingon na sana ako sa gilid ko nang maramdaman ko ang hininga ng taong yumayakap sa akin mula sa likod.
"Athena... my Juxen. Miss na miss na kita." sabi ni Grex kaya hindi ako agad nakagalaw. Nararamdaman ko na naman yung kirot sa puso ko na akala ko diko na mararamdaman ulit matapos ang apat na taon.
"Grex, bitiwan mo ako. Baka may makakita sa atin." pigil hiningang sabi ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Ginalaw niya ang ulo niya at ipinatong ang noo sa balikat ko. Ramdam ko yung tibok ng puso niya habang nakayakap siya sa likod ko.
"Kahit saglit lang, kahit ngayon lang. Gusto lang kitang mayakap ulit." sabi niya at ramdam ko ang pagkabasag ng boses niya. Napapikit ako at pinigilan ang pagtulo ng luha ko. Ito ang kahinaan ko, kapag umiiyak na siya.
6 years ago, naging magkasintahan kami ni Grex. Magkasabay kaming tenetrain noon ni Hari para masanay kami sa pagiging lobo namin at macontrol namin ang kagustuhan namin sa dugo ng tao. Nagkagusto sa akin si Grex nun at naging magkasintahan kami. Tumagal kami ng 2 taon. Kaso may nangyari.
Noong araw na dineklara na ang mga bagong Alpha at ang mga Beta nila, ako lang ang ideneklarang Alpha sa aming dalawa ni Grex. Ilang araw kasi bago ang deklarasyon, hindi nacontrol ni Grex ang sarili niya at nakapatay siya ng isang tao kaya pinarusahan siya ni Hari at pinanatili siyang Beta kahit na ang tagal na niyang nagtetraining.
Sumama ang loob niya. At mas lalo pang nadagdagan yun ng malaman niyang si Declor ang napuntang Beta sa akin. Dati palang hindi na talaga sila magkasundo, kaya pinagmulan yun ng pagseselos ni Grex kay Declor tuwing nagtetraining kami.
Nawalan siya ng tiwala sa akin. Pinagsasalitaan niya na ako ng masama at sinasaktan sa tuwing nagseselos siya kay Declor. Hindi ko nakayanan kaya nakipag-hiwalay ako sa kanya.
Tapos yun nga, nalaman ko na nahulog siya sa isang mortal, si Melody. Naging sila din pero hiniwalayan niya si Melody at hindi ko alam kung bakit at hindi ko din alam bakit niya pinatay ito.
"Athena, mahal na mahal pa din kita. Hanggang ngayon. Ikaw pa din. Kahit kailan hindi nawala yung pagmamahal ko sa'yo. Please, tayo nalang ulit. Akin ka nalang ulit." sabi niya na tuluyang nagpatulo sa luha ko.
Aaminin ko, mahal ko pa din siya. Mahal na mahal ko pa din siya kahit ginagago niya ako. Nakakainis. Kasi kahit na anong gawin ko, ayaw mawala nung pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.
Totoo nga, kahit kailan di mo makokontrol ang puso mo pag
dating sa pagmamahal.Bumitaw siya at iniharap ako sa kanya at nagulat ako ng hinawakan niya yung pisnge at bewang ko at bigla akong hinalikan. Wala na akong nagawa kundi pumikit na lamang at hayaang tumulo ang luha sa mata ko.
God knows how I missed his lips. Na-miss ko yung lambot ng labi niya na dumadampi sa labi ko. Parang nanghina yung tuhod ko kaya napasandal ako sa lamesa sa likod ko at napahawak dun habang nakahawak yung isa kong kamay sa braso niya.
Inihiwalay niya yung labi niya at habang nakapikit ay ipinagdikit niya ang mga noo naming dalawa.
"I love you, my Juxen. Itaga mo sa midlive rocks." sabi niya kaya bahagya akong napangiti. Midlive rocks, pinakamatigas na bato na matatagpuan dito sa gubat namin at ang paborito kong bato dahil likas na makikinis sila.
Hindi ko na pipigilan ang sarili ko. Hindi ko na lolokohin pa ang sarili ko. Pag pinigil ko pa 'to, baka mabaliw na ako.
"I... I love you too, Grex. Itaga mo din sa midlive rocks." sabi niya kaya dumilat ako at nakita ko na nakapikit pa din siya pero ang lapad ng ngiti niya. Nararamdaman ko yung saya niya at sa wakas, nakaramdam din ako ng saya sa puso ko.
"Shit, nababaliw na ako sa'yo." sabi niya at bigla nalang akong hinalikan ulit. Deep and slow. Just the way I like it.
I miss this. Being loved by someone and being happy.
"Tsk. Tama na landian, malapit na ako."
Hindi ko pinansin ang boses ni Declor sa isip ko at pinagpatuloy lang ang pagpaparamdam sa lalaking kaharap ko kung gaano ko siya kamahal.
------x
Declor's PoV
Muli akong napatingin sa cellphone ko para tignan ang oras. Alas-kwatro na ng hapon at hindi pa din tapos si Athena sa pakikipaglandian kay Grex. Bwiset silang dalawa, naiinip na ako dito! Halos isang oras na akong nagaantay!
Muli akong bumuntong-hininga at umupo sa hagdanan sa labas ng bahay ni Athena. Nakakabwiset, ang saya nila tapos ako dito nilalamok na! Tsk.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas si Athena sa bahay niya at tinawag ako. Masama yung tingin ko nung lumingon ako sa kanya habang siya ang lapad ng ngiti.
"Sorry, natagalan. Pasok ka na." sabi niya at saka pumasok sa loob. Napailing-iling nalang ako. Nakakairita talaga sila, sana sa hotel nalang nila ginawa. Dito pa talaga sa bahay.
Pumasok nalang din ako at nakita ko si Grex na nakaupo sa sala at nanonood ng TV. Hindi ko nalang siya pinansin at saka dumiretso sa kwarto ko.
Hihiga na sana ako ng maalala ko yung importanteng sasabihin ko kay Athena kaya ako umuwi ng maaga ngayon.
"Punta ka dito sa taas, may sasabihin akong importante."
"Ang tamad mo talaga, kailangan ako pa ang maga-adjust."
"Dali na. Kailangan ko siguraduhin ang isang bagay."
"Ano naman yon?"
"Kung tama nga ba ako na si Reign na ang werewolf's cure."
BINABASA MO ANG
The Werewolf's Cure
WerewolfHighest Rankings: #1 in Cure #5 in Fear #25 in Werewolf #95 in LoveStory [COMPLETED] "Kahit ba imortal siya at mortal ako. Handa akong sumugal sa relasyon naming 'to." - Reign Flores Naniniwala ba kayo sa mga 'werewolf' o mga 'man-wolf'? Ako, dati...