Thought #1 Nararamdaman

238 15 0
                                    

Isa lamang ang nararamdaman

Kalungkutan na walang hangganan

Wala man lang nakakaalam

Dahil wala namang may pakialam

Tao rin ako at may kinakatakutan

Takot na mawala ka

Isang dahilan upang ako ay magtaka

Kung bakit hindi ka mawala sa aking utak

Siguro nga sa aking puso ay ika'y nakatatak

Ang mga luha ko ay walang tigil sa pagpatak

Ang puso ko ay kumikirot na para bang may umaapak

Isa lang ang masasabi ko

Ito ay bakit ka sumuko?

Sabi mo lalaban tayo hanggang sa dulo

Pero anong nangyari sa iyong mga pangako

Ito ay napako

Bigla ka na lang nawala

Na para bang bula

Hindi ako makapaniwala

Na iniwan mo ako ng nakatulala

Masasabi ko nga na ito ay isang alaala

Na hindi ko makakalimutan

Tuwing naiisip ko ito ako'y nasasaktan

Palagi na lang akong nasasaktan







Thanks po sa mga nagbabasa! God Bless!
♡♡♡

t h o u g h t s.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon