(A/N: Yizzz naman dedicated po ito sa mga prends ko Wahhahh)
kapag sakaling umalis kana at ako'y iyong iiwan
Lagi ka lang tumingin sa buwan
At ako ay iyong matatandaan
Bakit nga ba buwan?
Buwan dahil lagi akong nasa tabi mo at kailanman hindi ka iiwan
Ako ang magsisilbing liwanag sa iyong daanan
At liwanag sa iyong madilim na nakaraan
Kaibigan anong pagsubok man ang dumaan
Lagi akong nandyan
Sana wag mo akong makalimutan
Dahil ang dami nating pinagsamahan
Mga araw at panahon
Na ang bilis dumaan
Mga nakaraan
Na ang saya saya nating tignan
Mga desisyon
Na ating pinagisipan
Mga kalokohan
Na ating pinagsaluhan
Mga Kamalian
Na ating ginampanan
At ang ating mga tawanan
Na nagbigay saakin ng kasiyahan
Hinding hindi ko kayo makakalimutan
Thanks po sa mga nagbabasa! God Bless!
♡♡♡
BINABASA MO ANG
t h o u g h t s.
PoetrySa aking mga tulang ginagawa. Ang pakiramdam ko ay gumiginhawa. Dahil sa mga bagay na walang katuturan, ako ay sawang sawa na. Magbasa ka na lang ng tula. Masisigurado kong kalukungkutan mo ay hindi na lalala.