Thought #16 Nasaktan sa katangahan

40 6 0
                                    

By: PenPineapple2
Dedicated daw sakanya lab lab HAHAHA

Di ko alam kung bakit ako'y naakit sa iyong bait na taglay

sa pag abot mo ng kamay walang kamalay malay akoy nahulog sa iyo

ngunit ako'y nagkamali akala ko iyon rin ang nararamdaman mo pero eto ako

umaasa parin, umaasa parin sa wala, umaasa sa akala, akalang ikaw ay may nararamdaman ngunit wala, walang wala

Sana di mo ibalewala ang iyong halaga saakin

Dahil ikaw ay ang tumulong sakin upang mabuhay ng masaya at maligaya

Wala nang hihilingin pa kung hindi ang iyong piling

Aking inaasam na akoy iyong mapansin ngunit akoy balewala parin ako ba ay balewala lang saiyo?

O umaasa nanaman ako?

Umaasa sa wala? Umaasa sa akala? Umaasa lang ba talaga ako? O meron ka ring nararamdaman?

Baka nga wala dahil ang iyong puso ay kasi lamig ng yelo na naramdaman ko nung tayoy pinag tagpo ng tadhana

Ang ipagtagpo tayo ng tadhana ay aking lubos na kinasaya ngunit ang iyong pag lisan ay lubusan kong iniyakan.



Thanks po sa mga nagbabasa! God Bless!
💓💓💓

t h o u g h t s.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon