(A/N: Lilinawin ko po sa mga nakakabasa po nito na mga kakilala ko, wala po akong pinapatamaan. Bigla lang po yan sumagi sa isipan ko wahahhha.)
Hanggang sa aking pagpikit
Ako ay kumakapit
Kumakapit ako sayo ng sobrang higpit
Kahit sobrang masakit
At sa aking muling pagpikit
Isang tanong lang ang pumasok sa aking isip
Iyon ay ang salitang Bakit?
Bakit? Bakit mo ako iniwan?
Bakit mo ako kinalimutan?
At bakit mo ako pinabayaan?
Sa Bawat pagpatak ng aking mga luha
Naaalala ko...
Naaalala ko yung mga panahon na ikaw at ako
Yung mga panahong di mo pa ako niloloko
Kaso madami na ngang nagbago
Pati nga ako ay iyong binigo
Thanks po sa mga nagbabasa! God Bless!
♡♡♡
BINABASA MO ANG
t h o u g h t s.
PoetrySa aking mga tulang ginagawa. Ang pakiramdam ko ay gumiginhawa. Dahil sa mga bagay na walang katuturan, ako ay sawang sawa na. Magbasa ka na lang ng tula. Masisigurado kong kalukungkutan mo ay hindi na lalala.