Isa, Dalawa, Tatlo
Nagmamahalan hanggang sa dulo
Apat, Lima, Anim
Pagibig ang itinanim
Pito, Walo, Siyam
Iniwan ako ng walang paalam
Alam ko na ang mga dahilan
Kung bakit ako sinaktan
Una
Sinaktan kitang parang tumagos na pana
pangalawa
Hindi na kita napapatawa
Pangatlo
Lagi na lang akong talo
Pangapat
Hindi ako karapat dapat at sapat
Panglima
Wala na akong ginawang tama
Panganim
Masyado akong madamdamin
Pangpito
Ako ay litong lito
Pangwalo
Wala na akong oras sayo, mas madami pang panahon ang mga relo
Pangsiyam
Wala akong pakiramdam
Inaamin ko
Kasalanan ko
Ikaw ay aking niloko
Siguro, Ito nga ang aking parusa
Na Iniwan mo ako ng kusa
Thanks po sa mga nagbabasa! God Bless!
♡♡♡
BINABASA MO ANG
t h o u g h t s.
PoetrySa aking mga tulang ginagawa. Ang pakiramdam ko ay gumiginhawa. Dahil sa mga bagay na walang katuturan, ako ay sawang sawa na. Magbasa ka na lang ng tula. Masisigurado kong kalukungkutan mo ay hindi na lalala.