Thought #13 Nakaraan

41 10 0
                                    

(A/N: Imbento ko lang po tong story na ito wahhhaha.)

Pagkagising ko sa umaga

Bumangon ako mula sa aking pinaghihigaan

At bumaba ng hagdanan

Kinain ko na ang aking umagahan

at pagkatapos ay naghugas na ng mga pinggan

Napalingon ako sa isang larawan

At di ko aakalain na ito ay aking tititigan

Kinuha ko ang larawan galing sa kanyang pinaglalagyan

At ang kwento ay aking sinimulan

Naaalala mo pa ba nung ating kabataan

Lagi pa tayong naglalaro noon ng tagu taguan

Naalala mo pa rin ba ang una nating tagpuan?

Duon sa mga punong puno ng mga halaman

Ang ating mga mata ay nagtamaan

at ang ating mga puso ay nagkaintindihan

dito na tayo nagsimulang maging magkaibigan

Hanggang dumating sa panahon na bigayan na ng mga pangalan

Sabi mo sakin, hindi mo ako sasaktan

Pero bakit mo ako pinalitan

Iniwan mo ang puso kong duguan

At tuluyan na nga akong kinalimutan

Habang ako ay nagkwekwento, bigla akong natigilan

Para ang aking mga luha ay mapunasan

Ayoko nang balikan ang nakaraan

Gusto ko na itong iwasan

Itinapon ko na ang larawan

Dahil ayoko nang balikan ang mapait kong

nakaraan

Thnaks po sa mga nagbabasa! God Bless!
💗💗💗

t h o u g h t s.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon