Madaling araw na
Pero ikaw pa rin ang iniisip ng puso kong ligaw
Bakit ba lagi na lang ikaw ang sinisigaw
Ng puso kong uhaw na uhaw
Uhaw na uhaw sa iyong pagmamahal
Pati sa aking isipan ikaw ay hindi ko matanggal
Sa tuwing kasama kita ang mundo ko ay para bang bumabagal
Ano bang meron sayo?
Alam ko namang walang tayo
Pero umaasa pa rin ako
Na balang araw matutupad rin ang aking mga pangako
Mga pangako ko sa sarili kong, Papasayahin kita
Kahit hindi na kita makasama o makita
Sana balang araw ay iyong matagpuan
Ang aking pusong ligaw na tumitibok para sa iyo lamang
Thanks po sa mga nagbabasa! God Bless!
❤❤❤
BINABASA MO ANG
t h o u g h t s.
PoetrySa aking mga tulang ginagawa. Ang pakiramdam ko ay gumiginhawa. Dahil sa mga bagay na walang katuturan, ako ay sawang sawa na. Magbasa ka na lang ng tula. Masisigurado kong kalukungkutan mo ay hindi na lalala.